dumating kaming tatlo, kasama ang kapatid kong babae sa probinsya, tangan ang bagong pag-asa ng pagbabagong buhay. doon ko nakilala ang aking mga kamag-anak. kakaiba sila - iba ang kulay, mukhang sunog ang balat, iba ang mukha, iba ang salita. ngunit mas ikinagulat ko ang sarap ng kanilang pagtanggap sa aming tatlo ng kapatid ko at ng aking ina. naging maagap sila sa pagbibigay sa akin ng mga pangunahin kong pangangailangan habang ako ay nasa isla. bagama't nalulungkot pa din ako at naalala ko ang aking tatay at isa pang kapatid na lalaki, naimpisan ng kanilang matatamis na ngiti ang nagsusumamo kong damdamin ng maaring sa mga susunod ng araw, o linggo, o buwan, o taon, magkakasamasama kaming lahat - muli.
hindi naging madali kahy mama ang palakihin kaming dalawa ng aking babaeng kapatid. reklamador pa naman ang nakababatang kapatid kong yun - ayaw niya daw magkapeklat dahil sa mga galis na nakukuha namin habang kami ay nasa probinsiya. ayaw man ng nanay ko, iniuwi ni mama ang aking kapatid na yun sa poder ng tatay ko - leaving just the two of us. pero sa pag-aakala kong babalik ang nanay ko pagkatapos niyang maihatid ang aking kapatid sa maynila, hindi na muling bumalik si mama sa pulo. ang tanging padala niya ay ang sulat na nagsasaad ng pagpirmi niya sa maynila upang magtrabaho, pagbibilin sa aking lola't tita sa akin habang nag-aaral sa mababang paaralan at ang pagpapahiwatig ng wagas ng pagmamahal at di mapapantayang pag-aalala. ipinagtaka ko ang araw liham na iyon. kung mahal niya ako, bakit niya ako iiiwan sa aking mga lola? kung nag-aalala siya, bakit di niya ako arugain dahil marami pa akong hindi alam, hindi maintindihan, hindi maipaliwanag...na tanging ang ina lamang ang magsasabi sa akin ng katotohanan...
hindi naging madali sa akin ang buhay sa isla. kasama kong nanguha ng mga natatapong isda sa lambat ang mga gusgusing batang katulad ko upang may ipang-ulam o di naman kaya ay may maibenta at maipangbaon. kahit ayoko man, kailangan kong gawin ang paglilinis ng malalaking isada upang may maipangdagdag ako sa pambili ng mga kakaninin namin kinabukasan habang isinsabay ko ang pagtingin sa aking mga kuwaderno at pagbabasa ng mga susunod na lectures kinabukasan.
isang araw, biglang nagpadala ang nanay ko ng pera. iyon daw ay katas ng ilang buwan niyang paghahanap-buhay habang nasa maynila at nagtatrabaho bilang katulong. ayoko pa din maniwala sa paliwanag niyang ginagawa iya ang mga ito para sa amin - para sa akin. hindi pa puwedeng pagsabayin niya ang pagtatrabaho at pag-aalaga sa akin at the same time?
at habang tumatanda ako, saka ko narealize ang pagiging sobrang makasarili ko. hindi ko na iniintindi ang kung ano ang nais ng nanay ko, at kung ano ang nasa puso niya. naging matipid ako sa pagrerecognize ng mga ginagawa niyang hindi ko nakikita sa umpisa pa alamang ng kanyang pag-alis. hindi ko napansing habang ginagawa niya ang pagpapatahan sa mga nag-iiyakang bata, pagsalo sa mga naninipang mga paa at paglilinis ng mga dumi ng mga mayayamang musmos na yon ay ang di mapantayang pamamahal niya at pag-aalalang balang aaraw ay magkakasama kaming muli.
without realizing those, naging una ako sa mga programa sa eskwelahan. yung yata ang sinsabi nsa psych nursing na compensation. na kapag mag nawalalang bagay sayo ay pinipilit mong punan ito ng mas higit pa o di naman kaya ay kapantay ng mga pagpupunyagi. nagulat rin ako sa aking sarili na sa pagtatapos ng aming klase ay ako ang pinalakpakan at kino-congratulate ng mga magulang ng mga kaklase ko. kung dating nakakakuha ako ng mga medalya o ribbon kapag anahon ng recognition day kasama ang aking lola o ang aking tita, sa pagkakataong ito, kasama kong aakyat ng entabalado ang aking nanay. naghihinakit pa din ako. dahil ng paakyat na ako, makikita sa mga larawan ko nung elemntary graduation namin na iniwan ko ang nanay ko at nagmamadaling pumunta na sa stage at kunin ang medalyang naging resulta ng aking pagtitiyaga. habang ang nanay ko naman ay sumunod na tumtakbo upang isabit ang piraso ng kulay gintong yun sa aking leeg. habang inilalagay ng aking mama ang medalyang iyon ay naramdaman ko ang aking pagkakamali - naibigay ko man ang aking pinakabest shot sa akademya, naging the worst naman ako sa pagmahal sa aking ina. noon ko narealize, kailangan ko ang aking ina same as kinakailangan niya din ang pagmamahal ko. noon man ay sinabi ko sa aking sarili, kailangan kong magbago, kailangan kong patunayan na nararapat ako sa pagmamahal ng aking ina sa akin.
ngunit hindi iyon ang nangyari.
naging suwail akong anak na habang lumilipas ang panahon ay mas nagiging bato, mas naging manhid sa taong tunay na minamahal ako. magmula sa pagpasok ko sa hayskul sa lungsod ng sara, paglipat ko ng maynila para ipagpatuloy ang naudlot kong pagsesecond year highschool, hanggang maghanap ako ng kolehiyong papasukan ko, at napiling mag-nursing dahil sa buyo ng mga kamag-anak, naging di ako maramdamin sa existing nanay ko pala. hanggang dumating ako sa bahay kagabi...
alam kong kapag bukas ang ilaw sa kuwarto namin ng aking tatay (our family were reunited na nga pala, i'll be telling the story the next time around), nandun ang mama. nagtatrabaho pa rin kasi siya bilang isang yaya sa isang magarang subdibisyon. sa pagbasok ko sa pinto ay may hanada na akong request. sa pagpinig ng noo'y binuksan ko ng pinto ay ang pagsasalita ng about sa paghingi ko nga ng bagong cellphone dahil sa nasira na nga ang aking isang cp. hindi ko man lang namalayan ang isang sobreng hawak ni mama. bigla niyang sinabi ang mga katagang ito, "wag muna, magpapaopera lang ako..." hindi ko man maintindihan ang pinakamoment na yun, bigla kong hinablot ang sobre at binasa ang nakalagay dun kasabay ang tanong na, "bakit, ma?!" malambing magsalita si mama, ilonggo kasi, kaya di mo malalaman kung siya ay nagbibiro lamang o kung anupaman. pero ni minsan, hindi nagjoke ang aking nanay tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan. sa pagbukas ko pa lamang ng puting papel na yon, napansin ko ang ilang imahe na sigurado akong alam na alam ko ang itsura - mga larawan ng apat na ultrasound clips.
"may cyst ako, nagtataka ang duktor, bakit ang laki-laki na daw, samantalang ang karaniwang cyst daw ay maliit lang talaga..."
napatulala ako, 2.0 cm x 2.1 cm ang laki ng cyst sa kanyang right breast. alam kong ang impresyon na yung na kung sino man ang bumasa ay nirerepleka lamang ang sa kung ano ang nakalagay sa mga imaheng iyon. pansin tala ang malaking whitish spot na yun sa imahe. noon, nakita ko ang mukha ng aking ina, bagama't wala mang tutmutulong luha ngunit mapapansin mo sa kanyang mga mata ang malaking pag-aalala, ang depresyong bumabalot sa kanyang katauhan, ang takot sa lahat ng maaaring...
"ma, pag surgery, maraming risks talaga..." di ko na alam ang isasagot ko ng tinanong ako kung ano ang mangyayari pag nag-surgery na. basta ang alam ko lang, malakas ang kabog ng dibdib ko, pinagpapawisan ako ng malagkit, sunud-sunod ang pagpasok ng posibilidad sa utak ko. at kinatatakutan ko ang maraming posibilidad na iyon; mga posibilidad na baka...
humihingi ako ng taos-pusong panalangin sa aking mga kaibigan, kaklase, kapamilya, kapuso o kung sino man, para sa aking butihing inan na hindi nagsasawang bigyan ako at ang aking pamilya ng JOY at pag-asa.
sana bigyan Niyo rin kami ng pag-asa, God.
thank you po...
-mac",)