Neweiz, yun na nga pala, ngayong Linggo ay ipapalabas na ang documentary ng Kapuso network about sa patuloy na pagtaas ng halaga ng pagkain at pagdami ng mga nagugutom na Pilipino sa ating bansa - ang Kalam: Usapin sa Seguridad ng Pagkain. Maging sa ibang bansa ay tatalakayin din ang pagsisikap ng mga lider ng bawat nasyon na matustusan ang pangangailangan natin sa pagkain, lalo na sa bigas. Considered as one of the most important cereal sa buhay ng mga tao sa iba't ibang panig ng mundo, ang bigas, o rice sa mundo, ay pinagkakaguluhan na dahil patuloy na pagbaba ng suplay nito sa mundo. Naaalala ko pa dati sa aming Ekonomiks na mayroong mga taong nag-ho-hoarding, isang panloloko sa taumbayan kung saan ang mga produkto ay itinatago upang masabing nagkukulang tayo sa suplay at tumaas ang persyo nito sa pambansang merkado. Dahil sa pagiging mukhang-pera ng mga taong nanamantala sa pagta
Buti nalang, naisip ng ating gobyerno ang mag-angkat ng "Oryza sativa" sa ibang bansa. Pero parang hindi naman natutuwa nag mga kritiko ng administrasyon dahil pinagtatakhan nila ang sa kung paano bumabawi ang bansa sa pagkakalugi nito dahil ang binibili ng mga otoridad ay mga commercialized type ng bigas na ipinamamahagi naman dito sa Pinas bilang NFA(National Food Authority) rice. Kilala ang NFA rice bilang "bigas ng mga mahihirap" dahil sa di kagandahang kulay nito kung ikukumpara natin sa Jasmine, Dinorado or wahatever rice na mabibili sa suking tindahan niyo. Kaya naman, mas mura ito kesa sa mga "mas mapuputing bigas" ng mga palengke. Ngunit sa pagdaan ng panahon, hindi na ata nababagay na tawagin pa itong ganun sa kanyang pangalan, dahil sa pagtaas ng mga komersyal ng bigas at pagakkaroon naman ng fixed na presyong Php18.25 nito sa bansa, ito na rin ang maituturing na "Bigas ng Bayan" dahil kahit ang mga nakakaangat sa buhay ay bumibili na din ng d
Dahil sa mga ganitong pangyayari, hindi nakatulog ang mga taong pamanamantala (yes, i got it!), isa isa namang nagsilabasan ang iba't ibang problema sa alokasyon ng murang bigas. Dahil ang iba ay nakakabili ng mga 10 kilong bigas kada araw at ang mga nahuhuli naman ay hindi na naabutan na mapagbilhan ng NFA rice na ito. Ano kaya ang ginagawa nila sa 10 kiong bigas na nabibili nila? Ipinangangalandakan ito sa kanilang mga kapitbahay na dun nalang sa kanila bumili ngunit siyempre, dahil mahirap anag pumila (nagkakaamuyan ng anghit, nagkakainitan ng ulo at naabutan ng ulan at mataas na init ng araw kasabay pa ang tagal sa pagkakatayo), nilalagyan nia ito ng interes. Limang piso, 10 piso o kahit mga siyete pesos pa. Sabi nga'y halos sa lahat ng bagay, may monkey business na nangyayari.
Dahil sa mga ganitong negosyo ng mga nanggogoyo, naisip naman ng pamunuan ng NFA, headed by Secretary of Agriculture Arthur C. Yap, na baguhin ang sistema ng distribusyon ng bigas. Meron ng card na pinamimigay sa mga taong mahihirap talaga na di makaafford ng mga commercialized rice kaya't pinipili silng mabuti para sila naman ang makabili at makakain ng murang bigas ng bayan ni Juan dela Cruz. Di ko lang alam kung anu-ano pang mga anomalya ang magsisilabasan sa bagong patakaran na ito ng NFA. I mean kung paano nila pinipili ang kung sino ang pinakamahihirap na pamilyang ito, paano nila ito minomonitor at hanggang kelan at saan ang magiging kahihinatnan ng benepisyong ito.
At dahil nga diyan, nabuo ng GMA network ang isang natatanging dokyumentaryo na tatalakay sa isyung ito ng bansa: ang pagkain. Nakakatuwa ngang sa huling mga buwan ay naging mas eager ang Siyete sa paghahatid ng mga dokumentaryong kaabang-abang at may kabuluhan tulad ng mga dokumentaryong
Tiyak na panalo na naman ang mga ganitong programa sa Pinas sa mga festival sa iba't ibang sulok ng mundo. Ulit, huwag palalampasin ang isa na namang makabuluhang pagtatanghal ng GMA Public Affairs. “Kalam" sa SNBO, Hulyo 6, 2008, Linggo pagkatapos ng Ful Haus.
Eto naman ang trailer/ad ng nasabing programa ng GMA7, ang KALAM... Enjoy! :)