Haiz, nanalo pala yung Far Eastern University laban sa Ateneo de Manila University (74-71) and ang University of the East laban naman sa University of Santo Tomas (78-73). Buti nalang nanalo yang mga taga Morayta, laban sa mga iskuls ni Dr. Jose Rizal dati. Alamin mo nalang kung ano ang eskwelahan ko sa nasabing mga Morayta schools ng bansa. Ang cute ni Andi Manzano! :)
Bagama't sapilitan ang pagpapapanood sa amin nung first year kami sa mga laro ng aming koponan, di naman sa amin problema yon. Ang sarap kayang maglakwatsa lalo na kung may baon ka. Sa bahay kasi, kapag umaalis ako ng bahay, nanghihingi ako ng bao at pinapalakihan ko pa ito upang may maipanggastos pa ako sa ibang bagay, lalo na sa pagkain at panonood ng mga laro ng aming basketball team.
Nakakalungkot ngang isiping dahil papatapos na ako sa aking pag-aaral bilang isang nursing student, hindi ko na ulit matitikman ang pabaunan ng aking mga magulang. Magirap ng humingi ayon pa sa kuya ko na tapos na sa pag-aaral at asa bahay lang, petix, na humingi ng kaunting halaga upang may maipanggastos sa sarili habang nasa bahay. Oo nga naman, dahil registered nurse na rin naman siya, siyempre inaasahan ng mga magulang ko at iba pa naming mga kamag-anak na makakakuha na agad ng trabaho si Kuya. Pero iba nag plano ni Tita at ng aking kapatid. Sa ibang bansa na agad siya magtatrabaho upang madali ng makapag-ipon para sa aming pamilya, sa kanyang sarili at sa magiging pamilya niya. Kahit ako, balak ko ring ganun na agad, mahirap na kasi ang buhay sa Pinas, kailangan na nating maging praktikal.
Eneweiz, yun na nga, sana manalo ang aming koponan sa mga susunod pa nitong mga laro. Ang kapatid kong susunod ata sa aming yapak ay tinithreaten na din ng aming eskwelahan na manood ng mga laro dahil ang attendance daw dun ay napakalaking plus points. sayang naman di ba? Scholar pa naman ang nakababata kong kapatid na ito, baka next time, magkandakuba na naman ang mga magulang ko dahil wala silang maibigay ng pang-tuition sa amin. Natuto na yata sila sa akin na isang semestre lang ang itinagal ng iskolarsyip.
Andami ko talagang sentiments, sana hindi mapariwara ang lahat ng mga kapatid ko, pati na rin ang mga kamaganak niyo, para naman ang Pinas ay magkaroon na ng matiwasay at mapayapang kapaligiran sa mga susunod na henerasyon sa tin. bagama't sa ngayon, parang ina-accept pa din natin ang mga sinaunang pamamlakad ng mga Espanyol tulad ng pangungurakot at pagiging mapagmataas, siguro naman, darating din ang araw na lahat ng ipinapadalang isang dosenang itlog mula sa pinakaitaas ng ating gobyerno ay dumating ng ligtas, walang basag o kulang sa ating mga mamamayan.
SUNDAY, JULY 06, 2008 | ||||||
2PM | UP | vs | NU | ARANETA | 1ST | |
4PM | DLSU | vs | ADMU | ARANETA | 1ST | |
THURSDAY, JULY 10, 2008 | ||||||
2PM | UE | vs | NU | ULTRA | 1ST | |
4PM | ADMU | vs | ADU | ULTRA | 1ST | |
SATURDAY, JULY 12, 2008 | ||||||
2PM | UP | vs | UST | ULTRA | 1ST | |
4PM | DLSU | vs | FEU | ULTRA | 1ST | |
SUNDAY, JULY 13, 2008 | ||||||
2PM | NU | vs | ADU | ULTRA | 1ST | |
4PM | UE | vs | ADMU | ULTRA | 1ST | |
THURSDAY, JULY 17, 2008 | ||||||
2PM | FEU | vs | UP | ULTRA | 1ST | |
4PM | UST | vs | DLSU | ULTRA | 1ST | |
SATURDAY, JULY 19, 2008 | ||||||
2PM | UP | vs | ADMU | ULTRA | 1ST | |
4PM | DLSU | vs | NU | ULTRA | 1ST | |
SUNDAY, JULY 20, 2008 | ||||||
2PM | ADU | vs | UE | ULTRA | 1ST | |
4PM | UST | vs | FEU | ULTRA | 1ST | |
THURSDAY, JULY 24, 2008 | ||||||
2PM | DLSU | vs | ADU | ULTRA | 1ST | |
4PM | UE | vs | UP | ULTRA | 1ST | |
SATURDAY, JULY 26, 2008 | ||||||
2PM | UP | vs | DLSU | ULTRA | 1ST | |
4PM | UE | vs | FEU | ULTRA | 1ST | |
SUNDAY, JULY 27, 2008 | ||||||
2PM | NU | vs | ADMU | ULTRA | 1ST | |
4PM | UST | vs | ADU | ULTRA | 1ST | |
THURSDAY, JULY 31, 2008 | ||||||
2PM | UST | vs | NU | ARANETA | 1ST | |
4PM | ADMU | vs | FEU | ARANETA | 1ST | |
SATURDAY, AUGUST 02, 2008 | ||||||
2PM | ADU | vs | UP | ARANETA | 1ST | |
4PM | DLSU | vs | UE | ARANETA | 1ST | |
SUNDAY, AUGUST 03, 2008 | ||||||
2PM | FEU | vs | NU | ARANETA | 1ST | |
4PM | ADMU | vs | UST | ARANETA | 1ST |