Unahin na natin ang pagkamatay ni Mang Pandoy, o Felipe Natanio. Naging matunog ang pangalan ni Mang Pandoy ng ipinakilala siya ng dating pangulong si Fidel Ramos sa kanyang SONA o State of the Nation Address bilang pinakasimbolo ng kahirapan noong 90's. Si Mang Pandoy ay isang karpintero/hardinero at pinagkakas
Nakalagak ngayon ang kanyang mga labi sa bahay niya sa Quezon City. Masasabi rin sigurong si Mang Pandoy ay naging simbolo rin ng isang pangakong napapako. Nangako kasi si Presidente Fidel Ramos noon na iaahon niya sa hirap ang pobreng mama sa pamamagitan ng pag
Sa ngayon, ay namomroblema pa din ang mga naiwan ni Mang Pandoy sa pagpapalibing niya at pagkuha ng death certificate dahil umano sa wala pa silang pero para gawin ito. Kaya nananawagan naman ang kanyang anak na sana ay kung may mga taos-pusong pupwedeng tumulong sa kanyang ama, ay kontakin lamang sila, ani Lynn, anak ni Mang Pandoy, mula sa isang panawagan sa DZMM.
Mula po sa akin, bagama't hindi ko naman talaga nasaksihan ang panaghoy ng iyong puso noon, ipinagdarasal kong mabigyan ka ng isang pagkilala - isang pagkilala bilang isang importanteng tao sa kasaysayan ng pulitika at pag-asa. Condolences pong muli sa inyong pamilya.

Dumako naman tayo sa isa sa mga haligi ng Pinoy radyo na naging very dedicated na kahit pa sa pinaka-risky nitong kondisyon ay doon na inatake sa kanyang trabaho. Kahapon nga ay isinugod sa ospital ang veteran radio anchor na si Fidela Magpayo o mas kilala sa panagalang Tiya Dely dahil sa mga opinyon ay payo niyang iyong isasaisip ay magagamit ngang talaga. Ayon sa Inquirer.net, habang nasa programa niyang Serenata Kolektibista sa DZRH(mga 11:30 ng gabi ng noong Sabado), bigla nalang bumagsak ang katawan ni Tiya Dely, kaya dali-daling dinala siya sa Manila Doctor's Hospital. Stroke umano ang nangyari sa 'tagapayo ng masa', ayon sa attending physician nitong si Dr. Remie Sazon. Nasa intensive care unit pa rin ang matanda habanag inoobserbahan ang pagbabago sa kondisyon nito.
Si Tiya Dely ay ma
Sa anim na dekada ng pagresolba at pagpapayo ni Gng. Magpayo sa mga dapat payuan (?!), naging household name na ang personalidad ni Tiya Dely. Maliban nga sa radyo, may sideline rin siya sa bilang isang recording artist (“Una Kong Pag-Ibig” and “Pamaypay ng Maynila” for Villar Records), umarte sa mga stage shows (Manila Grand Opera House) at pelikula (for LVN and Larry Santiago Productions) at lumabas na sa mga TV shows, ngunit ang kanyang role bilang isang on-air counsellor ay ang pinakatatangi niyang trabaho sa lahat at kung saan dun rin sioya sumikat ng todo.
Ngayon nga ay patuloy ang pagdarasal ng mga naghihintay ng mga fans ni Tiya Dely sa agaran niyang paggaling upang muling marinig ng kanyang mga letter-senders and mga payo niya, mapa-pag-ibig man yan, o mga pagsubok ng buhay. Hinahangad ko po ang mabilis na paggaling ni Tiya Dely...
Ngayon nam
Habang nasa concert nga ang barkada at patuloy ang nagsusumigaw na mga fans sa pagsabay sa mga kanta ng nasabing banda, it was cut short after Ely nga collapsed due to emotional stress. Nasa kalagitnaan na umano ng planong 30-song setlist ng si Ely reportedly collapsed backstage during a break and was rushed to the Makati Medical Hospital. Buddy had checked on Ely in his tent right after they went to their planned 20 minute break and saw that he already was on an oxygen mask with paramedics checking his blood pressure. As he left and came back, paramedics were already taking Ely on an ambulance. Bandmates Buddy, Raimund and Marcus further said that they had no idea that Ely was already h
Wika naman ng MTV Philippines President na si Francis Lumen, “He had a slight attack because of stress due to the recent passing of his mother (Lisette Buendia), and their sound check which lasted till 3 a.m. today (Saturday).”
Upang mas makilala kung sino ang E-Heads sa mundo ng banda't OPM, try to visit this site: Eraserheads' Discography.
Haiz, nakakalungkot talaga ang mga pangyayaring ito, nawa'y gumaling na silang lahat para masaya na rin tayo...
Mas marami pa nga pala ang nagsusumamo na gumaling sila: makaalis sa hagupit ng giyera sa Mindanao, makaalpas sa mapang-abusong kamay ng mga nakatataas at gumaling sa sakit ng kahirapan at di nabibigyang-pansing pagpupunyagi. Lahat tayo ang mga biktima ng nagbabagong panahon, pero mas maraming tao ang sadlak na nga, mas nababaon pa dahil sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan at pagbaba naman ng sweldo sa kani-kaniyang trabaho. Huwag nating pabayaan ito, magsikap tayong magsikap na magbago - para sa ating sarili, sa ating pamilya, sa'ting kapwa...
Oo nga pala, panoorin nio nalang itong si Ms. Jessica Alba para natuwa naman kayo (?!). Dito niya chinallenge ang mga internet people sa being the Best Group Lip Dub sa ibeatyou.com.
Enjoy!
Updated:
I'm am very sad Tiya Dely already passed away, but I think she's quite happy there (heaven, for sure) that her dreams and aspiration for the country and her native language was achieved.
Thank you for the beautiful 'payo's you've shared for the. We love you, Tiya Dely Magpayo!
Fidela Magpayo-Reyes: October 29, 1920-September 1, 2008.