
Yun nga, sa pagtatapos ng Linggo, dalawang sinusubaybayang (?) series ng Kapamilya at Kapuso networks ang nagtapos: ang Joaquin Bordado na dati'y tuwang-tuwa ako sa paggaya habang suot suot ang smock gown ng aking scrub suit sa operating room, at ang Lobo na lahat di ko alam kung ano ang naging ending kasi iba ang pinapanood ko (nagpaliwanag?!). Nakakatuwang kahit nagiging mas kaunti ng tao na sa mundo ng pelikula't telebisyon ang nagproproduce ng mga ganitong palabas, sa sine man o sa telebisyon, naglalakas-loob pa din silang gumawa ng ganitong mga kaaya-aya at natatanging palabas.
Ilan munang mahahalagang trivia sa Lobo at Joaquin Bordado. Ang lobo daw na ginamit para irepresent si Angel Locsin (after
Isang live na pagtitipon-tipon ng cast ang ginawa ng GMA7 para sa pagtatapos ng Joaquin Bordado noong nakaraang Biyernes. Ilan sa mga dumalo ang bosses ng network, mga tauhang nagsiganap upang bigyang kulay pa lalao ang lovestory at action sa buhay nina Joaquin at Sofia (Iza Calzado) at ang "alamat" (na ilang ulit na binabanggit ni Binoe sa buong live na pagtatanghal ng Bordado) na si Carlo J. Caparas. Naging maaugong ang Bordado dahil sa tagal ng paglalagay ng mga nakaburdang tattoo sa kata
Eneweiz, lets leave that series na kasi they've all ended na. Buksan na natin ngayon ang isa na namang chapter sa daigdig ng Pinoy TV, and pagdating na dalawa sa pinakapinagkagastusan at pinagmamalaking bagon
Ang Codename: Asero na ata ang pinakapamahal na TV series ngayon sa Philippine shores. Ayon sa Wikipedia.Org, P200 million umano ang nagastos ng production sa nasabiong adventure-romance-action series na ito at ito na nga ang considered biggest at most expensive na show sa 'Pinas. Sinundan ito ng Kamandag na may P150 million production expenses, tapos ng Asian Treasures with P140 million at Rounin na inabot naman ng 100 million pesoses. Ilan sa mga episodes nito ay kinuhanan sa Dubai, kaya medyo lumaki ang naging gastos ng production idto. Idagdag mo pa ang special effects nito lalo na kapag natransform na si Grecko Abesamis, played by Richard Gutierrez, bilang isang cyborg after some Japanese renovation sa kanya. Wahaha! Ampangit ng term: renovation. Let's say nalang na pag-a-UPGRADE nalng. Astig!
Mahal na mahal talaga ng GMA7 si Richard dahil sobrang di nila pinabayaan ang pagpapaganda sa nasabing show. Nagkaisyu kasi dati na parang pinagtutuunan nila ng more pansis ang Marimar nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na dati'y ka
Neweiz, tama na muna tayo sa Kapuso at pag-usapan na natin ang Iisa Pa Lamang na pinangungunahan naman ni Claudine Barretto (double R saka double T pala yung Bareto, tsk!). Di rin naman
Ayoko ng magbasa sa Wiki kasi nakakatamad, para atang taga-ABS ang nagsulat nung synopsis, kumpleto eh! Ang haba tuloy. Siguro magbabase nalang ako sa trailer nito na parang yun na ata ang buong istorya nung palabas. Si Catherine (Claudine) ay isang tagaprobinsiya na maiinlab sa kanyang childhood friends na sina Miguel (Diether) at Raphael (Gabby). Pipili siya ngunit magiging kalunos lunos ang kahihinatnan ng relasyon nila which will be very masakit for Cath. At dahil dun, mag-aasawa siya ng mayaman at magsasagawa ng isang revenge sa lahat ng mga umapi sa kanya, sa lolang si Aura (Susan) at sa buong angkan nila. Yun na. Basta puno ng animosity and vengeance ang nasabing series pero siyempre meron rin romance at love scenes dito na matindi talaga. Kaabang-abang kaya yun?! :)
At yun na, hope maging maayos ang panonood niyo ng dalawang bagong handog ng ABS-CBN at GMA7 sa Pinoy. Pumili na at subaybayan sila sa kanilang pagtawa, pagluha at pag-asang maabot ang kanilang minimithi. Watch their trailers/OSTs after ng "talon" (jump). Amoy-mais! :)
For Codename: Asero's OST -->
For Iisa Pa Lamang's trailer -->
Enjoy! :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento