Marami na sa mga kaklase ko ang natagtag na sa institute ng nursing. Bagama't mahirap talaga ang mag-aral sa college, mas mahirap naman ang mapabilang sa isang institute na halos lahat ay kailngan mong intindihin at alalahanin dahil sa mahirap na terminologies at mga procedures. Sabi ng iba, madali lang daw mag-nursing, pero hindi yun ang nakita ko habang papalapit na ang mga final exams at mga return demonstrations sa mga procedures upang maging maayos ang kalagayan ng isang taong may sakit at nagpapagaling o di naman kaya ay under a strict observation of treatment. Unang taon ko pa lamang sa college, nalungkot na agad ako sa pagkawala ng maituturing kong mga una kong mature friends dahil nga sa alam kong mga mature ng tao ang mas matanda at nasa kolehiyo na't nag-aaral para sa sarili at buhay nila. Hindi matatawaran ang hirap ko sa paghahanap ng tamang strategy para maipasok lahat ng mga medical terms sa utak ko at mailabas ito sa araw ng mga pagsusulit. Nauso noon ang mnemonics kung saan inilalagay sa isang common term ang mga terms na mahirap kabisaduhin. Nandyan din ang paulit-ulit na pagbabasa upang maisaulo lahat ng kailangang maisaulo at si magkamali sa pagsulat o pagsasabi nito. At nandyan din siyempre ang pinakamadali at pinakasimpleng paraan upang maipsa na kinakailangan lang ng linaw ng mata, talas ng pakiramdam at lakas ng loob - ang pangongopya. Dati ay sinubukan ko pero masakit sa loob kong habang ang iba ay pinag-aralan ang nasabing part ng test, ay ako naman at narito, kinukuha lang ang nasabing sagot ng hindi ko man lang hinasa ang sariling abilidad upang masagot ng sarilinan ang tanong na nasa puting papel. So ngayon, bagama't nahihirapan akong palagi sa mga eksam, worth it naman ang pagkakakuha ko ng average na points dahil ginamait ko kung ano ang meron ako ng hindi umaasa sa iabang tao.
At ngayon, heto ang ilan sa mga natatanging paraan upang makapasa sa isang nursing school. Alam kong hindi kayo maniniwala dahil hindi pa naman ako gumagradweyt, pero sisiguraduhin kong maalwan kayong papasa dahil ito ay galing sa wikipedia.org. Accurate naman ang pinagkunan ko kaya, you ara safe.
Una, pumasok sa school. Hindi nga naman ito hayskul na pupuwede ka pa ring pumuslit sa klase, umakyat sa pader at mag-cutting classes. Bagama't masasabi mo rin minsan na hindi konektado ang turo ng isang titser sa kung ano ang dapat na pinag-aaralan mo, alam mo pa ring magagamit mo ang nasabing ekperiyensiya na ito sa pang-araw-araw mong pamumuhay. kunwari, sinsabi niyang kaya siya nag-nursing ay dahil sa sinabi ng nanay niya at hindi siya pag-aaralin pag hindi yun ang kinuha niya, get it! O di ba, kung hindi dahil sa nanay niya, isa siyang pulubi ngayon at nangangalahig ng basura o di naman kaya ay naglalaba ng mga damit ng mga kapit-bahay nila. Ni sana'y wala siya dyan sa kinatatayuan niya at kinagagalitan ka.
Second, take notes at makinig ng mabuti sa titser. Bagama't sinasabi mong genius ka na at hindi mo na kailangang mag-sulat upang matuto, mas mabuti parin na i-jot down mo kung anuman ang sinsabi niyang importante upang mabalikan mo ang kung anuman ang sinabi niya noon. At kapag nasusulat ka, 3 beses mong maaalala ang sinabi ng guro: una, kapag narinig mo, pangalawa, kapag isinulat mo na at huli kapag binalaikan mo't binsa mong uli ang isinulat mo.
3rd, eto ang hindi ko nagagawa - ang kumpletuhin kung anuman ang ang assigned na babasahin sa isang takdang panahon. Para makasabay ka o kahit mauna ka sa diskusyon ng klase, kailangan mong basahin ang syllabus na ibinibigay ng eskwelahan. Oo nga naman, bagama't after the orientation ay gingawa nalang nating pansiga ang maliit na papel ng syllabus, mahalaga ang nasabing piece of paper upang malaman mo kung nahuhuli ka ba o nauungunsan mo na ang sinasabi ng guro sa inyo.
Ika-4, raise you hands. Magtanong kapag hindi naiintindihan ang sinasabi ng guro sa klase. Kapag hindi pa rin niyo maintindihan ang sunod2 na pag-uulit ng guro, dalawa lang ang rason niyan: puno parin ng tutuli ang tenga mo or ngongo o walang sense talaga ang sinasabi ng titser mo.
Fifth, mag-aral kapag may mga pagsusulit. maaring magbasa ng mag-isa, one-on-one ng favorite kaklase mo, or group study session kayo ng mga friends mo. Para naman sa akin, hindi ako natuto kapg may kasama akong nag-aaral din, pang-gulo kasi. Imbes na mag-aral kayo, kuwento ng kuwento. Hindi ka na makapagconcentrate tuloy sa inaaral mo. Gusto ko kasi ang place na tahimik at walang obstructions. Sa skul ata, walang ganung place, kasi kahit sa loob ng library, magugulo ang mga tao, maiingay ang mga animal.
Sais, umattend sa clinical duties. Siyempre hindi lahat ay sa skul mo matutunan. Ayon nga sa isang titser ko, pangdagdag nalang sila, kailangan matuto kami by ourselves through some reading at thru working. Kaya nga may subject sa narsing na tinatawag na RLE o realted-learning experiences. Bagama't nakakatamad pumunta sa mga nagsisilayuang mga hospital affiliations, dito mabubuo ang mga tight ties between your co-groupmates at mga clinical instructors. Pag close na kayo ng CI, puwede ka nang magtanong ng kahit ano but never expect na lahat ng itatanong mo ay may kasagutan ang CI mo, di genius un ano! Siguro kapag mga tipo ni Sir Aliswag. :)
At last buit never the least, ang magvolunteer sa mga gawaing related sa propesyon mo. Siyempre, wag kang pumunta kapag magbebenta ka alang ng mga batya at bilao kapag nursing kinuha mo. Sabi nga, it does not only look great on a resume, it gives you also valuable experience in the healthcare setting.
Yun na, sana ako man ay pumasa sa huling taon ko sa pag-na-nursing dahil sa mga tips ana ito.
Depende nalang kung may ganito sa hospital nio.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento