Linggo, Hunyo 8, 2008

that-damn-song || bagoong >> Good Riddance (Time of Your Life) by Green Day

Mahilig talaga ata ako sa Time saka Life, kasi ung last na ipinost kong song by David Cook ay Time of My Life (ung winning piece niya). Enewiez, napili ko ang kantang to dahil sa iba't ibang news na nagbabaga ngayon. Dahil sa iba't ibang emotion ang nakalakip sa kantang ito, ito nga ang kantang bagay dito.

Isa na rito ang pagkakapanalo ng teen housemate na si Ejay Falcon (na back-to-back ay nakisabay sa kinalakihan niyang tatay na si Daddy Erning na nanalo namang Guardian Big Winner), kung saan nasungkit niya ang titulong Teen Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Bagama't binabato ng mga pang-aalipusta dahil naging parang charity show daw ang PBB imbes na isang show para sa kabataang pinoy na nagpakatotoo at naging huwaran sa mga katulad niyang youth/teen. Naging close ang labanan between Robi Domingo (supposed to be Housemate B) at Ejay (Housemate C) dahil sa simula ng palabas ay parehong 35+% ang dalawa.

At sa pagtigil ng oras at paglabas ng resulta ng naging botohan, unang lumabas si Beauty Gonzales sa stage at humarap sa ilang libong nanood sa Araneta Coliseum garnering 10.91% of the total votes or 186,523, na sinundan naman ng 3rd Teen Placer na si Nicole/Nikki Uysiuseng with the total percentage of 18.39 percent of the votes (314,582 votes). Saka naman inilabas ang 2nd Big Placer na nakakuha ng 34.39% o 588,115 na boto. Agad namang binuhat ni Daddy Erning ang kanyang Ejay (na may total percentage of 36.31% o 620,934 na votes) mula sa isang space rocket na actually ay ang transition ng PBB house. Very futuristic at nakakamangha ang special effects ng PBB Finale.

Sa pag-emerge ng bagong Teen Big Winner (na hinehelera na kina Nene Tamayo, Keanna Reeves, Kim Chiu, Beatriz Saw at Ruben Gonzaga dahil lahat ay naging mga past winners ng PBB), isang bagong pag-asa naman ang naibigay nito sa ating mga kababayan: ang mag-Dream Big. Eto ang part ng Good Riddance na para sa tagumpay ni Ejay Falcon,

"Another turning point, a fork stuck in the road,
Time
grabs you by the wrist, directs you where to go, So make the best of this test, and don't ask why, It's not a question, but a lesson learned in time"

Watch Ejay's winning moment here.

On the other hand, nakakalungkot naman ang balita ng pagpanaw ng action star na si Rudy Fernandez kahapon ng umaga dahil sa periampullary cancer, isang cancer sa nagsisimula malapit sa ampulla of Vater (enlargement of the ducts from the liver and pancreas where they join and enter the small intestines).

After some treatment in and out of the country, particularly sa Japan at Amerika. After a May 10 healing mass by several friends at the Christ the King Church, Quezon City, he was rushed to a San Juan City hospital for back pains. Pagkatapos ng 25th anniversary nila ni Lorna Toelentino, asawa niya, nagka-seizure episode siya ngunit ni-refuse niya ang dalhin siya sa Cardinal Santos Memorial Center in San Juan City. Fernandez died at his Quezon City home on the morning nga of June 7, 2008.
His remains were brought to the Heritage Memorial Park Crematorium in Taguig City at 8:00 a.m.

Yun, nakakalungkot talaga. Part of the song, best represents the feeling ng mga naiwan ni DaBoy:

"So take the photographs, and still frames in your mind
Hang it on a shelf in good health and good time
Tattoos of memories and dead skin on trial
For what it's worth it was worth all the while."

Yun. Masaya naman akong napanood ko na ang Caregiver ni Sharon Cuneta, nakaka-touch yung movie. Hope to watch na ung Kung Fu Panda. :)

Walang komento: