Martes, Hunyo 17, 2008

scoreboardz&joystickx || fish patis >> "Lethal Combination: Pacquiao versus Diaz on June 28"


Ayan na nga, very makabayan ang post kong ito dahil ang mga national symbols ang content nitong pinagsusulat ko dito. Una na nga rito ang paglaban ni Manny "Pacman" Pacquiao kay David "Dangerous" Diaz ngayong June 28. Hangad sana ni Pacman na pataubin si Diaz ngayon Hunyo upang siya ang matawag na pinakaunang Asyanong magkakamit ng pagiging kampeon sa apat na dibisyon: ang pagiging champion sa WBC and Ring Magazine Super Featherweight Champion, IBF Super Bantamweight, WBC Flyweight at ang pinakahuling gusto niyang sungkitin ay ang WBC Lightweight division ni Diaz. Tinawag na Lethal Combination, gaganapin ang pagsasagupaang muli ng Amerika at Pilipinas pero siyempre, sa ring naman to. Itinakda ang paghaharap ng dalawa sa Mandalay Bay, Las Vegas sa Estados Unidos na naging cockpit arena ng huling mga laban ni Pacquiao. Masasabi ko nga sigurong naging magaganda ang mga naging resulta ng huling mga laban na ito ni Pacquiao bagama't ang isa niya ay lumabas na isang split decision.

Dahil alam na alam na natin kung gaano kagaling si Pacquiao, kilalanin naman natin kung sino si David Diaz. Sino nga ba si David Diaz? Si Diaz ay isang professional boxer na nagmula sa Chicago, Illinois, sa Tate; may rekord na 34-1-1 at may 17 knock-outs. Isang Mexican-American, isa rin siya sa mga itinuturing na greatest fighters ng ating henerasyon kung saan ay napatumba niya ang ilan sa mga magagaling ring sina Jose Armando Santa Cruz, Erik Morales at ang pinakahuli nga ay si Ramon Montano.

Ayon kay Diaz, ang paglaban niya kay Pacquiao ay "...the biggest fight of my life; bigger than when I won the title; even bigger than beating a legend like Morales." At sagot naman ni Pacman, "This will be my hardest-fought battle. It's been over three years since I have changed weight divisions and I will be doing it against the lightweight division's world champion. I saw how he took the fight to Erik Morales in his last title defense and I'm expecting to see the same firepower out of him when we meet. But this is my drive for five. Five world titles in five different weight classes and I will not be denied. I am fighting for history, for destiny and for my people of the Philippines." Haiz, sino kaya ang mahihirapan sa pagsasagupaang ito?

On the other hand, isa pang simbolo ng bansa ay ang flag ng Pilipinas na kung saan ay ipininta naman ng Rouge Magazine sa katawan ni Joey Mead, isang Pinay-Austie TV personality and model kasabay ng pagsalubong ng Philippine Independence Day. Maganda nga naman ang pagkakagawa ng nasabing pictorial ngunit ayon nga sa mga kritiko, isa itong pambabastos ng ating watawat dahil ayon sa Konstitusyon ay hindi puwedeng isuot ang bandila dahil ito ay punishable by law at papagmultahin ka at makukulong pa. Ito ang isa sa binabatikos na photo sa June issue ng contoversial na maaga na ito.

Yun pa nga pala, may subject kaming Rizal at kailangan naming ireport ang mga nagawang nobela at tula ng ating pambansang bayani. Habang naghahanap naman ako ng kung ano ang ilalagay ko sa resume/biodata na pinapagawa sa amin, napatango nalang ako sa sinabing "almost perfect" na daw ang pagkakakilala ng mga books at articles sa Pepe ng Pinoy History. Eto lang ang ilan sa mga nagawa ni Rizal sa 35 years niyang pamamalagi sa mundo: Rizal being a Polymath.

So, next time you are asked why Rizal became our National Hero - think again...

Oo nga pala, Happy Father's Day sa mga Itay muli, lalo na kina Dr. Jose Rizal, Manny Pacquiao at sa tatay (bagama't may tuliling, I love HIM very MUCH!). Thanks Papa! Watch this video about Pacman's sacrifice as a father to be the nation's one. Enjoy!


Walang komento: