Linggo, Hunyo 15, 2008

you-outta-know || sukang iloko >> "ABS-CBN launches BAYANiJUAN"


Everyday is a time of struggle for those who are financially-challenge (according to my instrutor, we should not use "poor" or "people under poverty line", kasi daw masamang pakinggan). Kaya nga kaliwa't kanan ang pagsisikap ng mga matuturingang mga bayani ng kasalukuyang panahon sa pag-abot ng mga taong hindi sapat ang kakayahang makapaghain ng pagkain sa hapagkainan ng kanilang pamilya, walang abilidad na ihatid sa mga eskwelahan ang kanilang mga anak, at hindi madala ang mga maysakit na kapamilya nila. Kaya nga nakakatuwang ang bawat mga tv stations, bagama't may mga network wars at nakikipagkompetisyon sa mga natatanging mga programa sa telebisyon. At sa pagdiriwang ng 110th anibersaryo ng ating kalayaan, ini-launch naman, kasabay ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa iba't ibang lugar, sa loob at labas man ng bansa, ang BAYANiJUAN.

I liked the fact that ABS-CBN, has work on the wordplay on this 5-syllable phrase/word. Iba't iba ang pagkakainterpret ko sa salitang ito kasi may iba't iba nga naman talaga itong dimensyon. Ang BAYANiJUAN ay puwedeng maging Bayani|Juan (English - Juan, Hero) na nangangahulugang puwede tayong maging bayani bagama't isa lang tayong simpleng Juan (Juan dela Cruz is symbolically used to represent the Filipino people; parang Uncle Sam, para naman sa mga Amerikano). Napakalaking tulong na ang maging bahagi ng pagsuporta sa advocacy na ito upang matulungan naman natin ang mga mahihirap at hindi gaanong nabibiyayaan ng grasya ng republika. Ekstraordinaryo ngang matatawag ang ordinaryong pagbigay ng isang pan de sal sa isang nanghihinging pulubi sa kalye.

Isa pang meaning sa akin nun ay Bayan ni Juan (English - Juan's Country). Nangangahulugang bilang mga mamayan ng bansang ito, nararapat lang na maging bahagi tayo ng pag-unlad ng ating bayan. At bilang mga kabataan, ayon nga kay Dr. Jose Rizal, ay pag-asa ng ating bayan upang makamit ang minimithi nating kalayaan - mula sa kahirapan, pang-aapi at kawalan ng kaalaman.

Ang BAYANiJUAN ay katunog rin ng salitang Bayanihan, isang kaugaliaang Pilipino kung saan buong pusong nagbibigay tulong ang mga tao sa isang pamilya upang magawa nila ang mahihirap na gawain sa kanilang paninirahan sa baryo. Maaalala kong kapag sinasabi ng mga titser ko ang bayanihan, ang pinakamagandang halimbawa nila ay ang paglilipat ng bahay sapagkat dati, gawa lamang sa kahoy at magagaang bagay ang mga kabahayan noon at nangangailangan lamang ng iilang kababayan upang mailipat iyon sa isang lugar sa kanilang pamayanan. Isa pang magandang example nila ay ang magtulong sa bukid upang maitannm ang mga palay o di kaya'y mag-ani/mag-gapas ng mga butil na ito kapag tag-anihan na.

With the mission to lead government NGOs and the private sector to work together in the spirit of Bayanihan to revitalize and strengthen the Philippines, one community at a time; and a vision of aspiring to awaken the giving heart in every Filipino, and to encourage each one, to extend a helping hand so that every man, woman and child in the Philippines has a chance to make all of his or her dreams come true, BAYANiJUAN integrates ABS-CBN Foundation’s four monumental community outreach programs in the Philippines: Bantay Bata, Bantay Kalikasan, E-Media, and Bayan Foundation. Although each project thrives as an independent entity in the locations where they operate, together they strengthen a single goal: to better the lives of each and every Filipino man, woman, and child.

A music video for the "Bayanijuan" theme song “Bagong Simula” has also been produced, featuring top rock vocalists Kevin Roy (Razorback), Marc Abaya (Kjwan), Yael Yuzon (Spongecola), Kitchie Nadal and Yeng Constantino. Placid, a new band and Tugma, an ethnic-style duo are also included in the music video.

Sana maging very successful ang bagong simulang ito. All we can do is support this good advocacy towards the development of our nation and our fellow Filipinos.

In case you already wish to donate, the "Bayanijuan" hotline is 922-4842. Donations may also be directly coursed to the ABS-CBN Foundation's Banco de Oro account, using the following details:

Branch Name : BDO Mother Ignacia
Account Name : ABS-CBN Foundation, Inc.
Acct# : 5630060113

Now watch the music video of BAYANiJUAN and enjoy! :)



Walang komento: