Biyernes, Hunyo 20, 2008

that-damn-song || bagoong >> Best Days by Graham Colton

Haiz, namimiss ko na ang manuod ng Kyle XY and yet medyo malayo pa ang susunod nitong season. Ayon sa WikiPedia.Org, sa January 12 next year pa. Kyle XY is an ABC Family series na nagprepresent kay Kyle, isang teenager na bigla nalang sumulpot from the woods naked dahil at inilagay sa isang jail ata yun or parang DSWD dito sa atin para mahanap ang mga kamag-anak ni Kyle. Saka naman nakita ng ilaw ng tahanan ng pamilyang Trager, ang therapist na si Nicole Trager, ang inosenteng batang ito kung saan pinangalanan nila itong Kyle bilang pagkilala sa isang kamag-anak ng nanduong police officer na nakakita rin kay Kyle habang naglalakad siya ng hubo't hubad sa streets ng siyudad. At dun na nga nagsimula ang pagkakatuto ni Kyle sa iba't ibang bagay ng napakabilis. Habang ang istorya ng buhay niya ay patuloy na ikinukuwento kasama ng bagong pamilya, ang mga Trager, dun na lumabas ang katotohanan sa pagkatao ni Kyle, kung bakit minamani niya lang ang isang exam na dapat sanay pang-isang oras at tinatapos sa five minutes at bakit nakitang nagliliwaliw sa pusod ng siyudad ang batang hubo't hubad.

Sa pagtuklas ni Kyle ng kanyang personalidad, mapapansin naman ang pag-accept na ng pamilyang Trager sa teenager na dati'y ayaw nilang patirahin sa bahay nila dahil sa mga weirdong kilos nito at maagap na pag-iisip at pag-usbong ng unang pag-ibig biya kay Amanda, isang babaeng kinahalinahan ni Kyle dahil sa magaling na pagtugtog nito ng piyano. Para maintindihan mo ang magulong kuwento ko, panuorin mo ang Kyle XY ay alamin mo kung anu-ano ang mga gagampanang mahahalagang roles ng mag-aamang sina Stephen at anak na Lori at Josh, ang misteryosong si Tom Foss at Adam Baylin, pati na rin ang panggugulo nina Jessi XX, Andy, Declan at Hillary sa relasyon ng pamilya Trager.

Oo nga pala, ang kantang Best Days na nasa title ng entry na ito ay isa sa mga huling awiting pinatugtog sa season 2 finale kung saan si Amanda ay biglang nawala sa prom night ng eskwelahan nina Kyle. Napakaganda ng kanta kasi iba't ibang emosyon ang nakapaloob sa lyrics nito. Bagama't hindi gaanong kilala ang name na Graham Colton at ang kanyang banda dito sa atin, give a shot in listening to their music and you'll be trapped in a curse: to ask for more of them. Ang "Best Days" ay isang pop song performed nga by Colton from his solo debut album na Here Right Now released on Universal Republic noong October 30, 2007.

Yes, it has a video kung saan ay dinirek ni Nigel Dick at nagdebut sa TRL ng MTV agad after na naifilm ito. Dahil sa positive na vibe at catchy nitong music, agad nitong naatract ang mga music lovers, pati narin ang mga music supervisors. Dahil dito ginamit na ang kantang ito sa promo campaigns (HBO, ABC, SunDance at CBS para sa thanks-giving promo nito sa football), talk show (Oprah) at iba pang series sa TV (Wildfire at American Idol kung saan ay pinatugtog habang pinapakita ang mga auditions noong recently won by David Cook na season 7 nito).

Hope, sumikat si Graham Colton sa Pinas tulad ng pagiging sikat rin ng Kyle XY dito na ipinapalabas sa Studio 23 dun sa WENS d' DAY block nila, siyempre every Tuesday. Hehe...

Here's a video of the American Idol featuring Best Days by Graham Colton featuring the end of the audition week and the fun and touching events from the rest of the auditionees.
Welcome to Hollywood!



Graham Colton talks about his first single. He thinks he talk cliche... :)


Graham Colton talks about his song "Best Days" -


Eneweiz, ito na nga pala ang kantang napakaganda, wala akong makita na hindi video at stream lang eh! Harhar! Enjoy! :)


- Graham Colton Band Lyrics

Best Days - Graham Colton

:)

Walang komento: