Biyernes, Hunyo 20, 2008

flick-o'-filmie || wasabi >> "Get Smart"


Saan ko nga bang unang nakita si Steve Carell? Ah! Dun sa film niyang Evan Almighty. Yung bang sequel ng Bruce Almighty na ginanapan naman ni Jim Carrey. Nakakatuwa yun kasi tinackle dun ang A.R.K. o Acts of Random Kindness bilang paraan ng pagbago sa mundo to a better one. Yung kwento nun is nung parang siya ay isang ordinary person with a simple family but was given a great responsibility to work on an ark na siyang magiging vehicle ng mga taong in future ay mapapahamak dahil sa pag-apaw at pagkabasag ng isang dam malapit sa isang residence area dun sa lugar nila. Nakalimutan ko na yung kabuuan pero all-in all maganda yung concept nung movie bagama't hindi ito pumasa sa panlasa ng mga taga-PETA dahil sa pagkakaroon nito ng mga extrang hayop. Sabi naman ng pamunuan ng Evan Almighty, ang lahat ng mga hayop na kasama sa movie ay ginawa lang o yung tinatawag na "digitally-created" lamang. Napansin ng American Humane Association naman na 177 species ng iba't-ibang animals ang nakasama sa film. Pero umayon naman ang AHA na "no animals were harmed in the making of this movie..."

Eh si Anne Hathaway naman?! Siyempre sa infamous na The Princess Diaries nito na nagkaroon din ng sequel na The Princess Diaries 2: Royal Engagement, pati na din sa Brokeback Mountain and Devil Wears Prada. Ang istorya ng Diaries ay siyempre about a princess na may diary. Ewan ko, basahin niyo nalang sa Wikipedia.Org - Princess Diaries. Kuha?! Yun na!

Haiz, ang Get Smart, as seen in
trailers, ay parang Agent X44, basta all about being an egent tulad din ni James Bond, parang ganun. Ito ang plot niya: When the headquarters of secret U.S. spy agency CONTROL is attacked and the identities of its agents compromised, the Chief has no choice but to promote his ever-eager analyst Maxwell Smart (Carell), who has always dreamt of working in the field alongside his idol, stalwart superstar Agent 23. Smart is partnered instead with the only other agent whose identity has not been compromised: the lovely-but-lethal veteran Agent 99 (Hathaway). As Smart and 99 get closer to unraveling KAOS' master plan --and each other--they discover that key KAOS operative Siegfried and his sidekick, Shtarker, are scheming to cash in with their network of terror. With no field experience and little time, Smart --armed with nothing but a few spy-tech gadgets and his unbridled enthusiasm--must defeat KAOS if he is to save the day. Nandito rin pala si Hiro Nakamura (Masi Oka) ng Heroes! Wow! Yun na!

Now, dahil it's too late na at kailangan ko nang matulog at may klase't examinations pa tom, eto na ang trailer ng Get Smart palabas na ngayong araw (June 20). Ooops! Kahapon pa pala nag premiere ang Get Smart sa Pinas (June 19).

Sana magawa namin ang tama sa aming immersion sa Silang, Cavite this Monday. Haiz... :(|




that-damn-song || bagoong >> Best Days by Graham Colton

Haiz, namimiss ko na ang manuod ng Kyle XY and yet medyo malayo pa ang susunod nitong season. Ayon sa WikiPedia.Org, sa January 12 next year pa. Kyle XY is an ABC Family series na nagprepresent kay Kyle, isang teenager na bigla nalang sumulpot from the woods naked dahil at inilagay sa isang jail ata yun or parang DSWD dito sa atin para mahanap ang mga kamag-anak ni Kyle. Saka naman nakita ng ilaw ng tahanan ng pamilyang Trager, ang therapist na si Nicole Trager, ang inosenteng batang ito kung saan pinangalanan nila itong Kyle bilang pagkilala sa isang kamag-anak ng nanduong police officer na nakakita rin kay Kyle habang naglalakad siya ng hubo't hubad sa streets ng siyudad. At dun na nga nagsimula ang pagkakatuto ni Kyle sa iba't ibang bagay ng napakabilis. Habang ang istorya ng buhay niya ay patuloy na ikinukuwento kasama ng bagong pamilya, ang mga Trager, dun na lumabas ang katotohanan sa pagkatao ni Kyle, kung bakit minamani niya lang ang isang exam na dapat sanay pang-isang oras at tinatapos sa five minutes at bakit nakitang nagliliwaliw sa pusod ng siyudad ang batang hubo't hubad.

Sa pagtuklas ni Kyle ng kanyang personalidad, mapapansin naman ang pag-accept na ng pamilyang Trager sa teenager na dati'y ayaw nilang patirahin sa bahay nila dahil sa mga weirdong kilos nito at maagap na pag-iisip at pag-usbong ng unang pag-ibig biya kay Amanda, isang babaeng kinahalinahan ni Kyle dahil sa magaling na pagtugtog nito ng piyano. Para maintindihan mo ang magulong kuwento ko, panuorin mo ang Kyle XY ay alamin mo kung anu-ano ang mga gagampanang mahahalagang roles ng mag-aamang sina Stephen at anak na Lori at Josh, ang misteryosong si Tom Foss at Adam Baylin, pati na rin ang panggugulo nina Jessi XX, Andy, Declan at Hillary sa relasyon ng pamilya Trager.

Oo nga pala, ang kantang Best Days na nasa title ng entry na ito ay isa sa mga huling awiting pinatugtog sa season 2 finale kung saan si Amanda ay biglang nawala sa prom night ng eskwelahan nina Kyle. Napakaganda ng kanta kasi iba't ibang emosyon ang nakapaloob sa lyrics nito. Bagama't hindi gaanong kilala ang name na Graham Colton at ang kanyang banda dito sa atin, give a shot in listening to their music and you'll be trapped in a curse: to ask for more of them. Ang "Best Days" ay isang pop song performed nga by Colton from his solo debut album na Here Right Now released on Universal Republic noong October 30, 2007.

Yes, it has a video kung saan ay dinirek ni Nigel Dick at nagdebut sa TRL ng MTV agad after na naifilm ito. Dahil sa positive na vibe at catchy nitong music, agad nitong naatract ang mga music lovers, pati narin ang mga music supervisors. Dahil dito ginamit na ang kantang ito sa promo campaigns (HBO, ABC, SunDance at CBS para sa thanks-giving promo nito sa football), talk show (Oprah) at iba pang series sa TV (Wildfire at American Idol kung saan ay pinatugtog habang pinapakita ang mga auditions noong recently won by David Cook na season 7 nito).

Hope, sumikat si Graham Colton sa Pinas tulad ng pagiging sikat rin ng Kyle XY dito na ipinapalabas sa Studio 23 dun sa WENS d' DAY block nila, siyempre every Tuesday. Hehe...

Here's a video of the American Idol featuring Best Days by Graham Colton featuring the end of the audition week and the fun and touching events from the rest of the auditionees.
Welcome to Hollywood!



Graham Colton talks about his first single. He thinks he talk cliche... :)


Graham Colton talks about his song "Best Days" -


Eneweiz, ito na nga pala ang kantang napakaganda, wala akong makita na hindi video at stream lang eh! Harhar! Enjoy! :)


- Graham Colton Band Lyrics

Best Days - Graham Colton

:)

Miyerkules, Hunyo 18, 2008

see-on-teevee || gravee >> "Drawn Together"

Haha, habang naghahanap ako ng mga tv shows na ipopost ko ngayon, nakita ko sa WikiPedia.org ang isang cartoon series na una kong nakita sa JackTV na sobrang natuwa ako dahil sa pagiging straight-forward ng mga scenes at pagiging parody nito ng mga favorite cartoon characters natin. Actually, ang Drawn Together ay isang panggagaya sa mga reality tv series since nauso ang iba't ibang genre ng realiTV sa Estados Unidos. Dahil medyo may pagkabastos ang nasabing cartoon, naanyaya ang mga tao, lalo na ang mga pervert at mga anime and cartoon lovers, na kung saan ay naging patok ito bilang isang pampalipas oras ng mga young-at-heart at mga adult-in-the-head. What?! That last sentence made no sense at all to me.

Eneweiz, ang Drawn Together ay nabuo sa malikhaing pag-iisip nina Dave Jeser at Matt Silverstein upang maging panlaban sa mga naglalabasang patok na mga reality tv shows nga. Parodying The Surreal Life bilang primary plot ng palabas, may 8 itong characters na kombinasyon ng mga tauhang recognizable pero this time, mga stock characters at hinibla mula sa mga reality TV shows. Tagged by Comedy Central as the "first reality cartoon series" in the face of the television, ang mga characters ay titira sa iisang bahay, parang The Real World or Big Brother at dun na nga magsisimula ang kanilang pagkakagulo at pagkakasundo. Gawa ng Rough Draft Studios sa California, may mga characters challenges that are based on reality TV na kailngan nilang gawin.

May tagline na "...find out what happens when people stop being polite… and start getting real", nagtapos ang nasabing cartoon series noong November 14 of last year sa pagsali ng mga naturang characters sa isang singing competition habang inaalala ang mga naging pangyayari sa buhay nila - drawn together. Ilan lamang sa mga tauhan nito ay sina Princess Clara (parody of Ariel of Little Mermaid), Captain Hero (nanggagaya kay Superman) at Wooldoor Sockbat (parody ni Spongebob Squarepants).

Now, watch this not-so-safe-for-work na clip from Drawn Together. I know, my reader (kung meron man), you'll like it... Enjoy!


Drawn Together - Foxxy And Clara Fight - Celebrity bloopers here

Martes, Hunyo 17, 2008

scoreboardz&joystickx || fish patis >> "Lethal Combination: Pacquiao versus Diaz on June 28"


Ayan na nga, very makabayan ang post kong ito dahil ang mga national symbols ang content nitong pinagsusulat ko dito. Una na nga rito ang paglaban ni Manny "Pacman" Pacquiao kay David "Dangerous" Diaz ngayong June 28. Hangad sana ni Pacman na pataubin si Diaz ngayon Hunyo upang siya ang matawag na pinakaunang Asyanong magkakamit ng pagiging kampeon sa apat na dibisyon: ang pagiging champion sa WBC and Ring Magazine Super Featherweight Champion, IBF Super Bantamweight, WBC Flyweight at ang pinakahuling gusto niyang sungkitin ay ang WBC Lightweight division ni Diaz. Tinawag na Lethal Combination, gaganapin ang pagsasagupaang muli ng Amerika at Pilipinas pero siyempre, sa ring naman to. Itinakda ang paghaharap ng dalawa sa Mandalay Bay, Las Vegas sa Estados Unidos na naging cockpit arena ng huling mga laban ni Pacquiao. Masasabi ko nga sigurong naging magaganda ang mga naging resulta ng huling mga laban na ito ni Pacquiao bagama't ang isa niya ay lumabas na isang split decision.

Dahil alam na alam na natin kung gaano kagaling si Pacquiao, kilalanin naman natin kung sino si David Diaz. Sino nga ba si David Diaz? Si Diaz ay isang professional boxer na nagmula sa Chicago, Illinois, sa Tate; may rekord na 34-1-1 at may 17 knock-outs. Isang Mexican-American, isa rin siya sa mga itinuturing na greatest fighters ng ating henerasyon kung saan ay napatumba niya ang ilan sa mga magagaling ring sina Jose Armando Santa Cruz, Erik Morales at ang pinakahuli nga ay si Ramon Montano.

Ayon kay Diaz, ang paglaban niya kay Pacquiao ay "...the biggest fight of my life; bigger than when I won the title; even bigger than beating a legend like Morales." At sagot naman ni Pacman, "This will be my hardest-fought battle. It's been over three years since I have changed weight divisions and I will be doing it against the lightweight division's world champion. I saw how he took the fight to Erik Morales in his last title defense and I'm expecting to see the same firepower out of him when we meet. But this is my drive for five. Five world titles in five different weight classes and I will not be denied. I am fighting for history, for destiny and for my people of the Philippines." Haiz, sino kaya ang mahihirapan sa pagsasagupaang ito?

On the other hand, isa pang simbolo ng bansa ay ang flag ng Pilipinas na kung saan ay ipininta naman ng Rouge Magazine sa katawan ni Joey Mead, isang Pinay-Austie TV personality and model kasabay ng pagsalubong ng Philippine Independence Day. Maganda nga naman ang pagkakagawa ng nasabing pictorial ngunit ayon nga sa mga kritiko, isa itong pambabastos ng ating watawat dahil ayon sa Konstitusyon ay hindi puwedeng isuot ang bandila dahil ito ay punishable by law at papagmultahin ka at makukulong pa. Ito ang isa sa binabatikos na photo sa June issue ng contoversial na maaga na ito.

Yun pa nga pala, may subject kaming Rizal at kailangan naming ireport ang mga nagawang nobela at tula ng ating pambansang bayani. Habang naghahanap naman ako ng kung ano ang ilalagay ko sa resume/biodata na pinapagawa sa amin, napatango nalang ako sa sinabing "almost perfect" na daw ang pagkakakilala ng mga books at articles sa Pepe ng Pinoy History. Eto lang ang ilan sa mga nagawa ni Rizal sa 35 years niyang pamamalagi sa mundo: Rizal being a Polymath.

So, next time you are asked why Rizal became our National Hero - think again...

Oo nga pala, Happy Father's Day sa mga Itay muli, lalo na kina Dr. Jose Rizal, Manny Pacquiao at sa tatay (bagama't may tuliling, I love HIM very MUCH!). Thanks Papa! Watch this video about Pacman's sacrifice as a father to be the nation's one. Enjoy!


Lunes, Hunyo 16, 2008

techcheck&viewgizmo || sweet at sour >> MacBook Air

Una kong nakita ang itsura ng laptop na ito sa Youtube kung saan nahalina ako sa ad video nito kung saan pinapakita kung gaano kaliit ang "Air" na ito. Nagkakasya ang isa nito sa isang paper envelope at sobrang na-amaze ako sa kung paano nila ito ginawa at nailagay ang iba't ibang parts ng isang ordinaryong personal computer sa isang 3.0 pound stuff na ito. Actually simula nung pumasok ako sa isang pribadong eskwelahan at nakipagsabayan sa mga kolehiyalang may nag-aaral, pinangarap ko na agad magkaroon ng isang laptop, kahit ano basta meron at maipagmamalaki sa mga kaklase. Dahil sa wala naman akong pera para suportahan ang pangarap kong ito, nagkasya nalang ako sa pagtingin tingin sa mga nagbebenta nito sa Quiapo o di naman kaya eh mag-window shopping sa internet. Hindi pala kung sa dapat ay meron ka na nito ay maganda na, marami ka palang dapat itake into consideration upang hindi lang ikaw ang masaya, kundi pati ang iyong bulsa.

Isa na rito ang reason bakit kailangan mo ng laptop. Nararapat ka pa bang gumastos kung meron naman kayong kompyuter sa bahay o may kompyuteran malapit sa inyong tirahan. Ikonsider daw rapat ang mga ports (para hindi mo na kailangan a ng marami pang computer hubs para isaksak ang mga printer, mouse, flash drive or digital camera), CD/DVD (para naman madali kang makapagcopy ng mga movies on your laptop and magburn ng mga CD), the hard drive (dapat sapat ang gigabytes ng iyong bibilhing laptop upang hindi iisahing oras ang pagdodownload mo ng mga kailangan mo sa internet o kahit yung mga simpleng installations and moves), processor at size (para naman convenient sayo na dalhin kahit saan), warranty (para naman mapapalitan mo kaagad kapag natanggal na ang mga keypads sa keyboard ng laptop mo) at lastly, and brand (di naman dapat kilala ang iyong brand na kukunin pero di ba dagdag pogi points kapag branded, tulad kunwari sa mga susuotin nating damit?).

At yun na nga, nakita ko itong Mac Air na ito sa internet. Sobrang lightweight nito (...the Air has a 13.3-inch, widescreen LED backlit display, with 1280 x 800 screen resolution; it weighs 3.0 lbs and is 0.76 inches at its thickest point and 0.16 inches at its thinnest) na tinawag itong "thinnest laptop/notebook ever". Maliban rito, environment-friendly rin daw ito dahil gawa ang case ntio sa aluminum, may mercury at arsenic free na LCD glass substrate, PVC-free internal cables at majority ng mga circuit boards nito at walang brominated flame retardants.

Dahil sa very innovative ang laptop na ito, kabilang sa mga kritisismong natanggap ng Apple Inc. ay ang pagiging mahal nito (nagkakahalaga ito ng US$1799 at kung sa 'Pinas ay aabutin ng Php79873.9066013 ayon sa palitan ngayon). Macbook Air has also been criticized for the difficulty in accessing the headphone and USB ports at possibility na mag-overheat ito. To look for the specifications of MacBook Air, click the underlined link.

Other cons and pros:
Pros:
  • Small and Light
  • 2GB of RAM

Cons:

  • More expensive than the MacBook with a lot less features
  • Very slow processor
  • Can’t take off the battery
  • $300 for a 0.2 upgrade to the processor. $1000 for the SSD upgrade
  • Mostly a novelty laptop
Now, if you've found the best laptop after some discussions and air, join HappySlip and some of her friend in BlogTV.com and have a chat with them, a live chat actually. A cute example of their is this video from BlogTv.com. Enjoy!


Happy Birthday Chris- Broadcast your self LIVE


Linggo, Hunyo 15, 2008

you-outta-know || sukang iloko >> "ABS-CBN launches BAYANiJUAN"


Everyday is a time of struggle for those who are financially-challenge (according to my instrutor, we should not use "poor" or "people under poverty line", kasi daw masamang pakinggan). Kaya nga kaliwa't kanan ang pagsisikap ng mga matuturingang mga bayani ng kasalukuyang panahon sa pag-abot ng mga taong hindi sapat ang kakayahang makapaghain ng pagkain sa hapagkainan ng kanilang pamilya, walang abilidad na ihatid sa mga eskwelahan ang kanilang mga anak, at hindi madala ang mga maysakit na kapamilya nila. Kaya nga nakakatuwang ang bawat mga tv stations, bagama't may mga network wars at nakikipagkompetisyon sa mga natatanging mga programa sa telebisyon. At sa pagdiriwang ng 110th anibersaryo ng ating kalayaan, ini-launch naman, kasabay ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa iba't ibang lugar, sa loob at labas man ng bansa, ang BAYANiJUAN.

I liked the fact that ABS-CBN, has work on the wordplay on this 5-syllable phrase/word. Iba't iba ang pagkakainterpret ko sa salitang ito kasi may iba't iba nga naman talaga itong dimensyon. Ang BAYANiJUAN ay puwedeng maging Bayani|Juan (English - Juan, Hero) na nangangahulugang puwede tayong maging bayani bagama't isa lang tayong simpleng Juan (Juan dela Cruz is symbolically used to represent the Filipino people; parang Uncle Sam, para naman sa mga Amerikano). Napakalaking tulong na ang maging bahagi ng pagsuporta sa advocacy na ito upang matulungan naman natin ang mga mahihirap at hindi gaanong nabibiyayaan ng grasya ng republika. Ekstraordinaryo ngang matatawag ang ordinaryong pagbigay ng isang pan de sal sa isang nanghihinging pulubi sa kalye.

Isa pang meaning sa akin nun ay Bayan ni Juan (English - Juan's Country). Nangangahulugang bilang mga mamayan ng bansang ito, nararapat lang na maging bahagi tayo ng pag-unlad ng ating bayan. At bilang mga kabataan, ayon nga kay Dr. Jose Rizal, ay pag-asa ng ating bayan upang makamit ang minimithi nating kalayaan - mula sa kahirapan, pang-aapi at kawalan ng kaalaman.

Ang BAYANiJUAN ay katunog rin ng salitang Bayanihan, isang kaugaliaang Pilipino kung saan buong pusong nagbibigay tulong ang mga tao sa isang pamilya upang magawa nila ang mahihirap na gawain sa kanilang paninirahan sa baryo. Maaalala kong kapag sinasabi ng mga titser ko ang bayanihan, ang pinakamagandang halimbawa nila ay ang paglilipat ng bahay sapagkat dati, gawa lamang sa kahoy at magagaang bagay ang mga kabahayan noon at nangangailangan lamang ng iilang kababayan upang mailipat iyon sa isang lugar sa kanilang pamayanan. Isa pang magandang example nila ay ang magtulong sa bukid upang maitannm ang mga palay o di kaya'y mag-ani/mag-gapas ng mga butil na ito kapag tag-anihan na.

With the mission to lead government NGOs and the private sector to work together in the spirit of Bayanihan to revitalize and strengthen the Philippines, one community at a time; and a vision of aspiring to awaken the giving heart in every Filipino, and to encourage each one, to extend a helping hand so that every man, woman and child in the Philippines has a chance to make all of his or her dreams come true, BAYANiJUAN integrates ABS-CBN Foundation’s four monumental community outreach programs in the Philippines: Bantay Bata, Bantay Kalikasan, E-Media, and Bayan Foundation. Although each project thrives as an independent entity in the locations where they operate, together they strengthen a single goal: to better the lives of each and every Filipino man, woman, and child.

A music video for the "Bayanijuan" theme song “Bagong Simula” has also been produced, featuring top rock vocalists Kevin Roy (Razorback), Marc Abaya (Kjwan), Yael Yuzon (Spongecola), Kitchie Nadal and Yeng Constantino. Placid, a new band and Tugma, an ethnic-style duo are also included in the music video.

Sana maging very successful ang bagong simulang ito. All we can do is support this good advocacy towards the development of our nation and our fellow Filipinos.

In case you already wish to donate, the "Bayanijuan" hotline is 922-4842. Donations may also be directly coursed to the ABS-CBN Foundation's Banco de Oro account, using the following details:

Branch Name : BDO Mother Ignacia
Account Name : ABS-CBN Foundation, Inc.
Acct# : 5630060113

Now watch the music video of BAYANiJUAN and enjoy! :)



webvidchoob || catsup >> "Blood"

Haha! Happy Father's Day! Dahil nga araw ng mga tatay ngayon, watch this father laugh on his little boy habang itinuturo ang "blood" sa nakakabatang kapatid.



Now before, judging the parenting ways of this cute family, watch the whole clip of how the baby got some "blood"...




Enjoy! and Smile... :)