Biyernes, Agosto 15, 2008

how-to-do guard || mustard >> "How to Swim Like an Olympic Gold Medalist Michael Phelps"


Teka nga, habang muling naghahanap ng mga maeexplore sa net, naalala ko yung asawa ni Rubi2 sa Dyosa. Siya pala si Jojit Lorenzo as suggested by the cast dun sa last apart nung nakaraan kong blog entry. Isa pala siyang magaling na theatre actor at photographer ng mga artista't kung sinu-sino pa man. Nakita ko ang kanyang blog dito sa blooger that com - ang Lorenzo Pho+oKitchen - kung saan naroon ang mga pinakatatangi niyang mga kuha ng buhay, pangarap at pagkatao. Na-amaze ako sa galing ng kanyang timing sa pagkuha ng mga larawan na parang grabeng pokus at konsentrasyon talaga dapat ang dapat meron ka habang kinukuha ang mga larawan. Natuwa ako sa part ng may batang nakatayo at ginawang sumbrero ang torotot ng nakaraang Bagong Taon. May titulong "Hapi New Year Po!", an implied message is revealed from it: magiging mas masaya ang mga selebrasyon ng ating buhay kung tayo ay makasama kung saan aay ibinabahagi natin kung anumang biyaya ang meron tayo - mapamateryal na bagay man yan o di naman kaya ay sa tulong ng ating taos-pusong pagpapasaya sa mga tao sa ating paligid. Isa rin sa mga nakakuha ng aking atensyon ang "Supplier ng Ilaw" at "Squatter" where the beauty might be contrasting because of the fact that the former depicts the perfect description of "Nature at its Best" and the latter produced a "poor-yet-rich" hues of oppression in the country. Now, you try naman to indulge Lorenzo's living masterpieces.


Neweiz, nung kelan nga ay nag-umpisa ng uminit ang pwet ko dahil padating na ang susunod na palakasan sa Olympics. Wala pa akong napapanood na mga sports ng Olympiad kaya naging very excited ako sa pag-abang ng kung isa na rin ang Pilipinas sa mga gold medalists ng mundo. Balikan nga muna natin ang mga highlights ng nasabing Beijing Olympics.

August 8 nga ng magbukas sa Beijing, China ang Olympics. Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga delegado ng kanya-kanyang bansa sa pagtatanghal ng mga Tsino bilang host ng Olympics. Actually di ko talaga napanood nag lahat ng mga nangyari sa opening ceremony ng Olympics pero napanood ko yung ibang highlights ng seremonya na sobrang maipagmamalaking totoo ng mga Tsinoy dito sa ating bansa. Isa na rito ang part kung saan may mga sumasayaw sa scroll na screen ay nagdro-drawing habang nagsasabay-sabay na nag-da-dance. Ang sarap kayang makingggan yung background na music, sobrang solemn. Tapos, nabigla ako dahil tumaas yung scroll, high tech talaga! Akala ko nga ganun lang yun, di ko naiisip na kaya pala ginawa nang ganun ang Beijing Nat'l Stadium ay dahil sa ang Tsina ang napili na maghost ng nasabing international event na pinagkagastusan talaga - magmula sa pagbibid palang na maging host hanggang sa paghahanda sa mga venue, manpower at medals.

Bagama't balot ng kontrobersiya ang nasabing pag-uumpisa ng Olympiad, di naman talaga matatawaran ang mga kakaibang at angat sa ibang seremonya. Ilan lamang sa mga favorite kong bahagi ng palabas ay ang magsayaw ng mga green men na may ilaw sa katawan at nagfoform na iba't ibang pattern tulad ng wave or parang ibong phoenix; yung pagkanta rin ng bata kasabay ng tatay niya atang nagpipiano na nachismis na di naman daw totoong boses niya yun at isang lip-synch lang daw; yung globe na super high-tech din at may nakatungtong na lalaking kumakanta at ang pinakagusto ko ay ang... (Drrrum rrrolls) yung part na tumatakbo ang isang lalaki sa taas ng stadium habang nirereveal ng background nitong screen ang mga importanteng tao at game events na ifi-feature sa nasabing Olympics. Oo nga pala, di ko naabutan ang pagpapakilala sa mga atleta at coaches sa Pilipinas. Sayang, proud na proud pa naman ako... Tsk...


Basta, yun, patuloy pa din ang bansa sa pag-asang makukuha na anito ang pinakaunang Olympic medal pero parang masasawi na naman tayo dahil parang di umubra sina Tanamor ng Boxing, Molina ng Swimming na nafeature sa advertisement ng Milo (tm) at yung isa sa Archery, Vasquez ata yung apelyido nun; yung isa pa pala na sa weight-lifting, si Hidylin Cruz. Iilan na lamang ang mga sasabak sa kani-kanilang fields sa mga susunod na araw at sana, kahit isa man lang sa labin-limang ipinadalang mga representante ng bansa ay makakuha ng medal, mapagold, silver or bronze man yan.


At sa pagbubukas nga ng Olympics ay matunog na matunog ang pangalan ni Michael Phelps ng Estados Unidos. Habang isinusulat ko ang blog entry na ito ay 12-time Olympic medlaist na itong si Phelps na kumuha ng atensyon sa bilis nitong lumangoy na nakapagtala na rin ng napakaraming mga world records dahil sa galing niya. Ako man ay gustong maging katulad niya, pero sa tingin ko lulutang talaga ako kapag sinimulan ko. Hehe...

Eto daw ang gagawin mo, para maging someone in the field of swimming:
  1. First off, if you do not know how to swim, that doesnt mean that you can't have the attitude of a person who does swim. If you do not know how to swim, take lessons, or if you are embarrased, practice with a friend or family member who can swim that you comfortable with. If you are to do this, then choose a person that you know will not make fun of you no matter how well you swim or not.are
  2. Always remember that swimming is a team AND individual sport. Be a team player with whatever you do, not just swimming.
  3. 3. Don't obsses over swimming and swim friends. Definitely hang out with people who swim to get the jist of their lifestyle, but don't go overboard with it.
4. Swimmer girls/guys are usually too busy to have boyfriends/girlfriends, but that doesn't mean that you cannot have one. Having a boyfriend or girlfriend is fine, but remember to balance your time equally between school(most importantly), swimming, and your social life.
5. Swimmer chicks and surfer girls are very similar. Brands such as Roxy, Pacsun and Hollister are very cool and common. But, don't change the way that you look and dress just because you want to be just like a swimmer.
6.Get cool suits! Bathing suits are a MUST HAVE for any swimmer. Brands like Speedo and TYR are among the best. Having at least one racerback or maxback suit is a must.
7. Swimmers are definitely laid back people. When they don't place at a meet, don't get the time they wanted, or just have a bad practice, they never let it get them down.
8. Remember that a swimmer lifstyle is a cool one, and definitely one that comes with an attitude that is super hard to resist. Everyone loves people who are always happy and laid-back.
Source: http://www.wikihow.com/Be/Act-Like-a-Swimmer

Yan, habang iniinternalize mo pa ang mga tips na iyan, panoorin mo muna sa Phelps as to Beijing 2008 Olympics 200m Individual Medley Men's Final. This is really intense!




Huwebes, Agosto 14, 2008

boso and paparazzi || toyo with kalamansi >> August 11: Anne Curtis is Dyosa, How Come?


Haiz, sobrang nasira talaga yung computer namin kaya sobrang na-stagnate ang utak ko sa pag-iisip sa kung paano ko na itututloy ang pagsusulat sa nasabing blog place. Baliw na ata ako, kasi wala naman ako talagang obligasyon sa blog na ito pero para akong tungaw na hindi mapakali at ang pwet ay parang kinikiliti. Ni wala nga sigurong nababasa nito eh. Kung meron man kasing visitor counter na makikita sa right part ng blog na ito, ang dami ng mga views ay malamang galing rin sa akin since inaayos ko ang site na ito every now and after. Kung di pa nga ako nagbalita-balita sa mga kaklase ko na, "Ui, may blog ako. Tingnan... Basta." Ni hindi ko nga masabi na tingnan nila ang nasabing blog since di naman ako nakakasiguro na maganda worth viewing at penny-spending ang pagtingin nila rito. Ni kahit sarili ko bay hindi ko ma-assure na nakakatuwa nga ang mga kabulastugang pinagsususulat ko rito. Minsan nga, naiisip ko nang burahin nalanag ang blog na ito since parang walang kwenta naman ata - walang nagbabasa, walang kwenta ang mga blog entries, at higit sa lahat, walang kwenta ang nagsusulat. Joke! Siyempre, minsan naman may kwenta naman ako sa mga tao sa paligid ko. Tulad siguro ng pagbili ng calamansi juice sa canteen para sa isang kaklase, magdala ng DLP at OHP para sa mga clinical instructors o di namn kaya ay magpalit ng punda para sa nanay at tatay ko. Sweet ano?!

Neweiz, let's go back nga dun sa pagbaba ng esteem or confidence kong magsulat rito, meron parin namang puwang sa aking dibdib na pag-ibayuhin na ang maglalagay ng mga kung anumang kalokohan rito kasi natutuwa akong gawin to. Nailalabas ko ang mga hinaing ko sa buhay - kung gusto ko nang bumili ng pisong yellow pad, kumain ng cereals (Ilang beses kong imulit ang spelling ng 'cereals', bago sa pandinig eh, pasenxa na, jologs lang!) na may kasamang gummy bears at chocnut at Bear Brand (tm), o di naman kaya ay ilabas na ang sama ng panahon at wag ng intayin na sa bahay pa since parang crowning (Nurses!) at ready for delivery na. Dito ko rin naibabahagi sa bilyong mambabasa ko (salungat ang sinasabi sa reality - schizo!) ang mga eksperiyensiya ko sa buhay upang matuto naman ang simpleng Pinoy na huwag ng uliting gawin pang muling again ang kamaliang nagawa ko na sa buhay ko - yun, ay kung may maidudulot namang kagandahan para sa indibidwal yun. Pero siguro naman meron din kahit kokonti. Tulad ni Joey de Leon na bagama't minsan ay kabalbalan ang ginagawa against sa kalabang programa ay nagbibigay naman ito ng catchy na mga one liners na maalala ng mga tao mula sa kanya. Natuwa naman ako masyado dun sa line niang: Explain Before You Complain! Yun na! (relate mo nalang).

Basta siguro, I'll think nalang this blogging whatever as a challenge para maging isang ganap na indibidwal na kayang maging rasyonal at mapagmasid sa paligid at suliranin. WTF?! I'm doing this for myself. Therapeutic approach. Turing ko talaga sa sarili ko mental patient. nahahanginan na talaga ata ako.

Now, let's go back to the heading dun sa taas: ang Dyosa ng ABS-CBN ay si Anne Curtis na nga. Bakit ko nga pala nilagay pa ang ABS? Kasi nga naman, pwede namang tawaging si Marian Rivera naman ang Dyesebel ng GMA, or si Kim Atienza ang Matanglawin ng ABS-CBN o di naman kaya ay si Susan Enriquez ang Kay Susan Tayo ng Susan, este ng GMA. Dami kasing Susan eh! Can Susan?! (read the last question while holding the dulo of your dila, ang halay noh?!) Yun na nga, may bago nang teleserye ang Dos as to sa pagdating ng ibon na isda na kabayong si Josephine. Una ko palang nakita at narinig sa telebisyon ang konseptong ito ng ABS, hinanap ko naman agad kung ano ang mangyayari sa fantaserye (telefantasya is for GMA) na ito. Natuwa nga ako kasi yung plot na ito meron part dun na si Anne ang gaganap na bugtong na anak nina Mariang Sinukuan at Bernardio Carpio. eh kung maalala ko, si Bernardo Carpio eh yung pinaniniwalaan kong nag-co-cause ng lindol dahil ayon sa mitolohiyang Filipino, si Bernardo Carpio (Don't be confuse with Leonardo de Caprio; magkaiba yun!) yung nakulong sa dalawang naguumpugang bato sa dakong talampas pa roon ng mga bundok ng Koldelyera. Nakulong umano ang nasabing napakalakas na mortal dahil sa isang nagseselos na kapre sa ginoo. Dahil mdyo may pagka-eng-eng si Bernardo Carpio, sumama siya sa teritoryo ng evil kapre at doon ay trinap na siya sa dalang malahiganteng bato. Relasyon ng lindol sa kanya? Wala. Joke! Siyempre minsan, marunong din naman akong magrelate kaya ang sagot eh dahil daw pag lumilindol, pinipilit niya paring mahulagpos sa nasabing giant rocks. Ang tanong: Ilang taon na kaya siya at ano na itsura niya ngayon?! Bwahaha! :) Pasenxa sa Consejo delos Dioses (I learned this from my Rizal subject), baka parusahan ako. Tao lang. Mortal lang. Yung si Mariang Sinukuan naman, parang di ko kilala. Pareho lang ata sila ng Mariang Makiling eh. Ah, oom, siya yung reason nung conflict between the kapre and the Hercules of the Pinoy mythology ata. Maganda at mabait umano ang nasabing diyosa at ang pagkakaalala ko, may relasyon din yung kwento niya sa pamamalengke. Di langa alam talaga kung paano irerelate yung marketing sa kwento. :)

Yun, after mapanood ang The Singing Bee, itinuluy-tuloy ko na ang gabi ng pagiging Kapamilya - sunod na kasi sa karaoke-gameshow program ang Dyosa. Hehe, kakatawa nga kasi si Vice Ganda and his ostrich dance. Ang Dyosa eh hindi ako natuwa talaga, alam mo kung bakit? Because of these reasons:
1. Una na ang special effects: ang korni kaya nung FX nila. Parang yung mga pang-Sineskwela pa din yung mga FX. Kaasar. Sana naman, yung medyo 3 dimensional. We're already on the new generation, pagkagastusan niyo naman.
2. Yung design nung sana'y kingdom of the Gods eh di mukhang Langit, the Olympia or Nirvana. Hagdan-hagdan lang na may mga crepe paper, ok na. Tsk. Isama na rin yung costume, mga kawayan lang ata na ginamit kay Carpio. Saka pakiaayos naman ng kanang sungay ni Epi Quizon, malalaglag na, same as that of the unicorn Mariang Sinukuan played by Mickey Ferriols. Tsk. Saka di mukhang Diyosa or Evil si Jacklyn Jose.
3. Lastly, the language - yun talagang nagpahalakhak sa akin. Carpio: Anong sinasabi mo?! Role of Jacklyn: Hindi ba totoo naman talagang PINATULAN mo ako? WTF?! Ano daw?! Meron na ba ng ganung use ng pagpatol sa sinaunang panahon?! Haiz, saka sana may pabulaklakin naman nila ang mga terms na ipinapasok nila sa programa kapag ang mga Diyos at Diyosa ang nag-uusap: imbes sana na KASAL, PAG-IISANG-DIBDIB nalang ang gamitin.

So yun, pero bagamat kunot ang noo ko sa mga part na ito ng programa, napaligaya naman ako ng mas korning bahagi ng palatuntunan. Isa na yung part na nag-freeze si Epi dahil minadyik siya ni Carlos Morales. Hehe... Saka yung part nina Rubi2 at yung asawa niyang pamilyar sa aking ang mukha, pero hindi ang pangalan. They played the adoptive parents of Josephine. Yun. Basta para sa akin, pakornihin niyo pa, dahil mas doon ako nakikiliti sa mga pinaggagawa niyo. :)

Pero maganda naman talaga ang concept, maraming lang flaws sa pag-ii-interpret ng ideya na gawing drama sa telebisyon ang all-out Pinoy history sa kasalukuyang panahon.

Kapamilya, watch Dyosa starring Anne Curtis as Josephine Sinukuan, Dyosa Cielo (Goddess of the Heavens), Dyosa Tierra (Goddess of the Earth), Dyosa Agua (Goddess of the Seas); Sam Milby, Zanjoe Marudo, Luis Manzano with Epi Quizon as Bakos, Mickey Ferriols as Mariang Sinukuan, Matthew Mendoza as Bernardo Carpio, Jacklyn Jose as Mariang Magayon, Lloyd Samartino as Amang Suga, Carlos Morales as Tadaklan, Maricar de Mesa as Calliope, Nikki Bacolod as Diana, Vice Ganda as Salaminsim, Rubi- Rubi as Huling, Jojit Lorenzo as Miong, Paul Salas as Young Kulas, Sophia Baar as Young Josephine Sinukuan, Joseph Andrei Garcia as Binoy. From Mondays to Friday after The Singing Bee sa ABS-CBN. :)

Teka, teka. Bakit nga ba si Anne Curtis ang napiling "Dyosa"? Yes, because she exemplifies the true beauty of a heavenly entity - from her angelic face to her scrumptious body - whom all the Adonis around the sky will likely be trapped in her grace and loveliness. Yun na!

Now, watch Anne Curtis in the trailer for dyosa with another Josephine in it - Josephine "Yeng" Constantino:



Pahabol: Jacklyn Jose as a Diyosa: Mananatiling "CHISMIS" ang pagkaka-blah-blah...

F*ck! :)