Sabado, Hunyo 7, 2008

see-on-teevee || gravee >> "Survivor: Philippines"

Dumating na ang pinakaaantay kong reality tv show sa Pilipinas, ang Survivor. Lead by the defunct Extra Challenge host, Paolo Bediones, ang Survivor na nga siguro ang pinakamalaking reality show ng GMA& dahil ang mananalo sa kompetisyon na ito ay magkakamit ng 3 milyong piso, tax-free. That's something everyone must worth auditioning for. Kaya naman sa pagpapakita ng mga audition trailers ng programa sa telebisyon nitong mga nakaraang linggo, dinumog ito ng mga tao. Sapagkat di nga naman artista search at kung sinu-sinong Mang Kepweng at Aling Bebang lang ang pupuwedeng sunali dahil sa age limit nitong 18 to 60 years old, kahit mga tito't tita ko eh puwede pang sumali. Pero siyempre pinakapiling-pili lang ang mapapasama sa adventure na ito na produced ng very credible and always full of surprises na GMA News and Public Affairs.

Ang Survivor ay unang nakilala sa the Netherlands as Expedition Robinson na after i-adapt ng America ay naging Survivor na. Nagkaroon na ng labing-anim na kontrobersyal at top-rated edisyon ang American Survivor kung saan naman nagsunuran na ang ibang bansa, kasama na nga ang Pilipinas dahil sa trend na nga ang pagbili ng mga media franchise sa mundo ng telebisyon. Sa show, ang mga kalahok ay ini-isolate in the wilderness (at kailangang sa labas ng teritoryo ng bansa upang mafeel umano ng mga competitors ang pagiging malayo sa kinagisnang environemnt) at nilalabanan ang elements at ang mga kapwa castaways para sa pera at iba pang prizes. Ginagamitan ng progressive eliminations, naa-out ng mga tribe members ang mga sariling tribe member, hanggang 3 o 2 nalang ang matira na magco-compete naman sa final challenge at pipillin naman ng mga natanggal na 7 o 8 castways hanggang makilala na ang final contestant that remains and wins the title of "Sole Survivor".

So, habang papaalis na ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN, at papalitan na ito ng bagong Pinoy Dream Academy Season 2, pinipilit naman ng GMA-7 na tapatan ito ng mga bago at sisikat na mga programang tiyak na aabangan ng bayan. Sinasabing tapos na raw ang network war between the two giant tv stations dahil sa pagsasama sa pelikula nina KC Concepcion (talent ng Dos) at Richard Gutierrez (star ng Siyete) pero sa tingin, the competetion just warmed up. Sa tulong ng kanya-kanyang international correspondents, EndeMol at FreMantle, tiyak na uusok naman ang naggagandahang progrma sa 2008.

With taglines - Pautakan, Pagalingan, Patatagan, ang Survivor ay sisimulan na soon bilang isa sa mga handog ng GMA7 sa kanilang 58th anniversary.

PS: Sana ibahin nila yung theme song and logo ng Survivor : Philippines. Walang originality kung nagkaganun eh, kinopya lang nila sa ibang bansa (UK or Bulgaria ata). Yun lang. Watch this 58th anniversary offerings ng GMA7. Oo nga pala, hope manalo si Beauty or Robi sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.


Biyernes, Hunyo 6, 2008

scoreboardz&joystickx || fish patis >> "Kung Fu Panda: The Game"


Bagama't di pa ipinapalabas ang Kung Fu Panda movie, inaantay na ko na ito online para mapanood. Kaabang-abang kasi kung paano isinabuhay nina Jackie Chan, Angelina Jolie , Lucy Liu at Master Po (the Kung Fu Panda Master) gimself, Jack Black, ang kanya-kanyang hayop na tunay na kagagaling ng mga moves.

Po (Jack Black) ay isang panda na apprentice noodle-maker at isa ring kung fu fanatic, ngunit yung mga katangian ay mukhang pinakatamad at na hayop sa sinaunang Tsina. Nang si Tai Lung (Ian McShane), isang evil warrior, ay nakatakas sa pagkakapiit, all hopes have been pinned on a prophecy naming Po as the Dragon Warrior to save the day. He has a kung fu master, Shifu (Dustin Hoffman), who "has trained five of the greatest warriors that the world has ever known", to help him. Pero kakayanin kaya niya?

Bagama't di pa ipinapalaabas ay alam ko na ang katapusan nito kapag nilaro ko ang Kung Fu Panda: The Game on Nintendo DS, PlayStation 2, PlayStation 3, Wii, Microsoft Windows, Xbox 360, malamang manalo ako over Tai Lung. With platforms that varies, everyone can play, everyone could enjoy the game.

Ganda nung trailer nung Kung Fu Panda: The Game. Watch it now.

techcheck&viewgizmo || sweet at sour >> Full-sized Wheel-folding Bike: SWISS BIKE

Habang naglalakad ako nung isang araw, nagulat akong bigla ng may biglang parang humagip na hangin sa gilid ko, yun pala isang pumapagaspas ng takbong bisikleta ang nasa gilid ko. Kahapon naman ng papunta ako sa school para magpa-enrol ngayong semesters, napansin ko ang isang pink na linya sa gilid na dinadaanan ko sa sasakyan ng mga jeepney at FX. Oo nga pala, ipinatupad ni Bayani Fernando, chairman ng Metro Manila Development Authority, ang paglalagay ng kulay-rosas na linya para maging daanan ng mga taong gumagamit na lamang bisikleta para pumunta sa opisina o di naman kaya eh sa paaralan nila. Saka ko naman narealize na simula hindi pala ako talagang natutong mag-bisikleta sa tanang-buhay ko.

Maaalala kong nung hayskul kami, napagawi kami minsan sa PICC upang magpraktis ng isang programa para sana sa intramurals namin at tuwang-tuwa ako ng makita ko ang mga kaklase kong nag-renta ng mga bike na pinapagamit ng mga taong naroon para na din sa dagdag kita nila since dun na sila nakatira. Di ko lang alam kung mayroon pang ganun sa PICC dahil I think pinagtataboy na ng MMDA ang mga taong nagpapa-renta dun. Yun nga, dahil wala naman akong pera nun para rumenta rin ng sarili kong gagamitin para sa pag-ba-bike ko, nanghiram nalang ako ng bike sa kaklase. At for first time in my life, nakasakay ako sa isang bisikleta. Tuwang-tuwa nga ako ng maranasan ko yun, parang ang sarap sa pakiramdam. Pero ngayon, kahit lumipat na ako at kaya ko namang iafford na bumili ng sariling bike, di naman pupuwede kasi saan naman ako magba-bike dahil apartment lang ang naman ang tirahan namin. Eneweiz, yan na nga ang aking bike-based cravings...

Yun nga isang kakatwang bike ang nakita ko sa net sa tulong ng isang blogger na ifeaniture ang ganitong kakaibang bike. Ayon sa WikiPedia.Org, ang isang folding bike ay isang uri ng bisikleta na may mga hinges na tinatawag na pu
wedeng mai-lock upang masecure ang pagkakafold nito o pagkakaayos nito upang magamit na in action. Dagdag pa rito, "...most folding bicycles are intended for commuter and utility purposes, hence emphasize ruggedness, comfort and convenience over speed. A few folders are made for speed, and have been ridden to victory over non folding bikes in competition."

At ang pinakabagong labas nga na folding bike ay itong SwissBike. Tagged as the world's most advanced bicycle, it folds to fit in a car trunk or closet, yet climbs through the Swiss Alps with the shifting precision of a finely tuned vehicle. At para sa conprehensive list of practical uses ng folding bike na ito, click this link: USES OF SWISS BIKE.

So next time you choose a new bike, always find the most innovative, convenient, durable yet kasya sa bulsa at di mo na kailangang sumali sa takbuhan para makabili ka ng type mong bisikleta. :)


Huwebes, Hunyo 5, 2008

you-outta-know || sukang iloko >> "Obama Wins the Primeries"

Nanalo na nga si Sen. Barrack Obama sa dating first lady at ngayo’y isa na ring senador na si Hillary Clinton sa primaries ng US Democratic party para maging manok nila sa pagkapangulo sa susunod na US election. Mahigpit nga at head-to-head ang dalawang senator sa pagsungkit ng titulo upang maging official na pambato ng democratic party. For the first time, naging magkatunggali ang dalawang kakaibang manok para sa pagkapangulo ng Amerika: isang babae at isang African-American.

Habang pinagbabatehan pa rin kung ano na ang mangyayari ngayon sa boto ng mga Clinton supporters, naging maging maagap naman ang mga Obama allies na puwede naming maging running mate si Clinton upang di naman panghinaan ng loob ang mgaq ito. Ngunit sa magtatapos ng talumpati ni Clinton noong nakaraang araw, hindi nagbitaw ng pahayag si Clinton kung anon a ang susunod niyang hakbang ngayong pinal na ang desisyon ng taong bayan na si Obama na ang manok sa pagkapangulo ng mga Democratic.

Agad naming binatikos ni John McCain, ang pampam na pambato ng Republican Party, si Obama dahil sa pakikipag-usap daw nito sa isang Iraqi “terorista” upang matigil na ang kaguluhan between Iraq and the US.

Actually, di ko talaga alam kung ano ang nangyayari dyan sa Amerika at sa politika nila kaya di ko alma kung anu-ano lang itong nasusulat ko. Eh tamad din naman akong magbasa sa wikipedia.org kaya kayo na umalam if may future yang si Obama sa pagkapangulo. :)

Miyerkules, Hunyo 4, 2008

webvidchoob || catsup >> "Animator versus Animation"

Watch this disobedient stick figure do his thing. Hehe...



Did you enjoy?! Me, too. :)

catch@cyberspace || mayonnaise >> "HeroesWiki.Com"


Kelan lang nga, natuwa ako sa panonood ng Heroes, isang science fiction series ng NBC sa Amerika. I'm very addict na already with the series that I was able to find this cute website about Heroes, the HeroesWiki.Org. Dahil sa pagiging amazing ng mga characters and abilities nila, agad akong nahalina sa magandang storyline nito at interesting twists dito. Bagama't kinukutya dahil isa daw itong cheap na imitation ng X-Men, mas hamak namang mas kaabang-abang ito sa mga manonood dahil sa true-to-life na location and events dito.

Ilan sa mga paboritong heroes ko sina Peter Petrelli - played by Milo Ventimiglia (isang hospice nurse na may power na higupin ang power ng iba upang magamit niya ito sa sarili at pandaigdigang kapakanan), Claire Bennet - played by Hayden Panettiere (ang cheerleader na kayang mag-regenerate ng sarili kapag nasasaktan o nasusugatan) at last fave na caharacter ko ay si Sylar - played by Zachary Quinto (ang serial killer ng series na kinukuha ang mga kapangyarihan ng mga mutated human upang mapasakanya sa pamamagitan ng pag butas sa bungo ng mga bikitima at pagsira sa brains nila).

Para mas maintindihan ng mga manonood ang Heroes at mga characters nito, may digital-internet extension of the series, Heroes 360 Experience, was created to explore the Heroes universe and provides insight into the show's mythology. It was rebranded as Heroes Evolutions at the beginning of the second season. Heroes Evolutions also includes graphic novels, which have been released every Tuesday since September 25, 2006, and were published by WildStorm Comics on November 7, 2007. Other official Heroes media include magazines, action figures, tie-in and interactive websites, a mobile game, a novel, clothing and other merchandise. NBC Universal announced on April 2, 2008, that NBC Digital Entertainment would release a series on online content for the summer and fall of 2008, including more original web content, wireless iTV interactivity, graphic novels available for mobile viewing and webisodes.

From WikiPedia.Org: Heroes includes a number of mysterious fictional elements that have been ascribed to science fiction or supernatural phenomena. Tim Kring and the creators of the series refer to these fictional elements as part of the mythology of the series. Kring confirmed that although the show does have a unique mythology, he does not want to sink too deeply into it. Rather, Kring has used volumes to wrap-up ongoing plot lines, rather than carrying storylines over long periods of time, as in Lost. As far as the overall mythology of the series, Kring said, "we have talked about where the show goes up to five seasons." As far as the show's ending date, Kring has commented that, "This show doesn't posit an ending…" The show does not have a designated ending point and is "open-ended.”

Can't wait for Season Three: Villains. Bwahaha! Sa tingin ko, may may alter ego yung bawat Heroes, kasi nga si Nikki Sanders, may Jessica, di ba?! See this promo ad for the season 3:

how-to-do guard || mustard >> "Ways to Look EMO"

Usong-uso nga ngayon ang mga Emo. Kahit ako minsan, nagpapaka-Emo pag gusto ko. Masaya kasi kapag nageemo-Emohan ka, parang ang galing ng dating mo - invincible. Hehe... Eneweiz, paano nga pala maging Emo? Here are some infos muna how Emo started and why Emo became a universal sense of style and behavior (?).

Actually, emo
is a style of hardcore punk which describes several independent variations of music with common stylistic roots. In the mid-1980s, the term emo described a subgenre of hardcore punk which originated in the Washington, D.C. music scene. In later years, the term emocore, short for "emotional hardcore", was also used to describe the emotional performances of bands in the Washington, D.C. scene and some of the offshoot regional scenes such as Rites of Spring, Embrace, One Last Wish, Beefeater, Gray Matter, Fire Party, and later, Moss Icon. (Bagama’t di ko alam kung anu-ano yang nasa WikiPedia.Org, basta kinopi payst ko lang. Hehe…)

And that it, then here comes the fashion
emo. Emo is also often associated with a certain fashion. The term "emo" is sometimes stereotyped with tight jeans on males and females alike, long fringe (bangs) brushed to one side of the face or over one or both eyes, dyed black, straight hair, tight t-shirts (sometimes short sleeved) which often bear the names of emo bands (or other designer shirts), studded belts, belt buckles, canvas sneakers or skate shoes or other black shoes (often old and beaten up) and thick, black horn-rimmed glasses. Emo fashion has changed with time. Early trends included straight, unparted hair, tightly fitting sweaters, button-down shirts, and work jackets. This fashion has at times been characterized as a fad.

In recent years the popular media has associated emo with a stereotype that includes being emotional, sensitive, shy, introverted, or angsty. It is also associated with depression, self-injury, and suicide.

Sa akin naman, madali lang magpaka-Emo:


First: Got yourself some long side-swept bangs that can cover one eye and a back hair teased with lots of gel or Gatsby wax.



Second: Be on tight and black jeans and jackets ripped and paired with Converse or kahit ung black school shoes. Basta ba kaya mong panindigan ang magiging emo eh!


Last: Last na ‘to kasi para konti lang at di magastos sayong maging emo. Eto na nga ang last, bumili ng mp3, mp4 o kahit yung iPod nalanag ang listen to punk-rock-alternative lovesongs at magpakaemotional sa mga kantang yan.

Di ba?! Madali lang, basta’t may tama kang outfit, haircut at lakas ng loob, geh lang… :)

Now, to get yourself started, dress this emo and then isunod mo na sarili mo...




Enjoy! :)

boso and paparazzi || toyo with kalamansi >> "Hannah Montana and the Freak Ferris Wheel"

Kelan nga, isang bagong Disney star ang nag-emerge at nakakatakang, di naman kakaiba ang mukha ng nasabing rising star pero naging patok ito sa mga American viewers pati na din sa kapatid kong babae. Ang tinutukoy ko siyempre ay ang Hannah Montana star na si Miley Cyrus na una kong nakita sa Idol Gives Back ng last season ng American Idol kung saan nakipagtawanan siya sa isang actor na nagdub sa isa sa mga halimaw sa Monster.Inc yata un na hindi ko nga alm ang pangalan. Di ko alam kung masasabi ko nang adik ang kapatid kong babae sa panonood ng Hannah Montana kahit kasi ung friendster niya eh pinuno ng Miley Cyrus infos.

Naging matunog ngang pamalit kina Hillary Duff at Vanessa Anne Hudgens ang American actress na ito at naging controversial din naman sapagkat di siya nangiming magpost ng nude (kahit likod lang ang kita) sa isang magazine sa US kahit siya'y nasa di tama pang edad, in other words, menor de edad pa. At yun ang medyo ilan sa mga kapansin-pansing infotainment sa kanya.

On the other hand, isang aksidente nga ang nangyari sa set ng Hannah Montana: The Movie kamakailan dahil sa isang ferris wheel. Bigla raw naging action ang comedy-musical set nila ng humanging bigla na anging dahilan ng pagtumba ng isang lighting equipment sa ferris wheel at ikinasakit ng iilang mga staff at actor ng sikat na series sa Disney Channel.

Ayon kay Brenda Blackford, an extra on the "Hannah Montana, ...when the wind caught it, all the cables were loose. It started [flying]. I was watching to see which corner of it was gonna hit the ferris wheel because it was unavoidable."

Ibinalita naman agad ng Disney Prods na, "...there were only a few minor injuries. Medical personnel have treated the extras and crew involved. None of the cast was on the set. Filming has resumed."

Martes, Hunyo 3, 2008

flick-o'-filmie || wasabi >> "The Echo" (remake of Pinoy movie SIGAW)

Nakakatuwang marami sa mga artista at singer natin dito sa bansa ang nakakapenetrate na sa international scene at nakikilala na ang talento ng Pinoy. Nauna na nga rito ang mga veteran singers na sina Lani Misalucha at Martin Nievera at ang aktor na si Cesar Montano na nasa Singing Bee at kumakanta. Ngunit hindi ba nagulat tayong lahat sa pag-usbong ng carreer nitong si Cahrice Pempengco, isang 16 year-old Batangenya na bigla-bigla nalang lumalabas sa mga shows ng mga international stars at personalities. Una nga tayong sinimplehan ni Pempengco sa Star King na isang Korean -based show na may mga magugulong judges na tuwang-tuwa sa pagkanta at pati na rin pagsayaw ng batang Charice. Kaya naman di katakatakang nakita ni Ellen DeGeneres sa Youtube ang mga inapload na mga videos ni FalseVoice, ang taong tumutulong kay Charice, na bumibirit sa mga kantang matataas. sa pagkakataong ito, sinudsunod na ni Charice ang mga international guestings niya dahil na rin sa pagtulong ni David Foster na isang sikat na producer at singer sa US. Nakakatuwang nagguest na sa Ellen, Oprah, Paul O' Grady ang batang si Charice na malamng eh isa na sa mga sikat na batang Pinoy sa international community.

At eto na nga, inaantay ko pa din ang mapanood ang remake ng Filipino classic horror movie na Sigaw na may remake name na The Echo (hindi The Scream ang itinutitulo ng producer ng movie na itodahil maaring magkaconflict ito sa isang pelikula na may pamagat ring The Scream). Si Iza Calzado na isang magandang aktres sa ating bansa ay napasama sa pag-reremake na ito at nanatili namang direktor nito ang butihing si Yam Laranas. I can't wait to see this film being shown in the Philippines. Surely, it'll be a hit to more Pinoys.

Ang plot ng movie ayon sa WikiPedia.Org ay "...the story revolves around a young ex-con who moves into an old apartment building, only to learn his neighbor is an abusive police officer who savagely beats his wife and daughter. When the ex-con tries to intervene, he becomes trapped in a curse."

Hope pumatok ito sa takilya! :)

that-damn-song || bagoong >> Time of My Life by David Cook

Sa pagtatapos nga ng latest season ng American Idol, saka naman sisimulan ang Pinoy Idol sa ating bansa. pero di yun ang isusulat ko, ni hindi ko nga pinapanood yun eh. Ang paborito kong American Idol at ang bagong single niya ang sasawsawan natin. Bagama't i doubted at first kung kakayanin ni Cookey ang pagsungkit sa American Idol title ngayong taon, di naman ako naubusan ng pag-asang siya ang mananalo. Saka alam ko namang manalo matalo, meron at meron silang mga hollywood carreers na. Pero ayun nga, fortunately, nanalo ang David Cook over Archuleta. Buti nalang.

At sa bagong buhay ni Cook bilang isang mang-aawit at idol, may bago siyang single na siyang kinanata niya sa Finale ng American Idol weeks ago, at ito nga ang "Time of my Life". Ang winning song na ito ay isa sa mga napiling song para sana sa mga finalists at ito ang nanalo na kinanata nga ni Cook. Isinulat ni Regie Hamm, isang American songwriter, agad itong nag-number one sa unang linggo sa US Hot Digital Charts after mairelease itong May 22, 2008.


Now, pakinggan mo why I loved the song and its lyrics...


The Song


The Lyrics

Enjoy! :)

see-on-teevee || gravee >> "Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: The Big Night"

Sa pagtatapos ng current edition ng Pinoy Big Brother, malalaman na kung sino ang nakita ng mga taong tunay na naghayag ng totoong sila. Nandyan ang mga bisayang sina Beauty (ang OA umanong housemate na nagpakita ng tunay na sarili sa pamamagitan ng pagtataray sa mga kapwa housemates) at si Nicole (ang fashionistang naging makulay ang pananatili dahil sa pakikipagmabutihan nito sa La Sallistang si Josef sa loob ng bahay bagama't may naiwang special friend s labas). Di naging madali sa dalawang babaeng natitirang housemates ang pananatili dahil sa ilang beses nilang pagharap sa mga sunod-sunod na nomination nights ay sila ang suki, kasama ang guy housemate na si Robi (ang Atenean na bagama't hindi nakikitang nagagalit sa loob ng bahay at naturingang gumigimik dahil sa pagbabalak nitong lumabas sa bahay ni Kuya).

Sina Alex (ang Italianong hindi nagtatry na ayusin ng maayos ang pagsasalita ng Tagalog kaya't hindi niya maipaliwanag ng maayos ang sarili at sa halip ay tahimik nalang na kinakausap ang mga kapwa housemates na malapit sa kanya) at Ejay (nainlab sa loob ng bahay sa Aleman na si Valerie, at pilit na ibinababa ni Daddy John dahil iniisip nitong ang PBBTEP ay para sa mahihirap kaya di nararapat na mapasama sa Big 4) na naging di gaaong nag-uusap sa loob dahil sa pagkakaiba ng kultura at wika, ay inaasahan ding mapabilang sa Big 4 at hiranging Big Winner.

Sa June 7, 2008 nga ay gaganapin sa Big Dome (Araneta Coliseum) ang pagtatapos ng pananatili ng mga housemates sa loob ng bahay at sana maging karapat-dapat sa titulong Big Winner ang makakasungkit sa tronong ito.

Ang tanong ngayon ng bayan: Sino kina Alex (the committed one), Beauty (the mad girl), Ejay (the poor guy), Nicole (the fashionista and lover) at Robi (the gimmick boy) ang tatanghaling Big Winner? No one else cans tells! Abangan nalang natin sa June 7 ang ending ng kuwentong ito...

Watch this video, starting its countdown to the PBBTEP Big Night: