Sabado, Hulyo 26, 2008

flick-o'-filmie || wasabi >> The Movie "Dayo" with the Nursing Licensure Examination Board Passers, Top Notchers, Etc.


Ayun nga, sa ngayon, nagduduty ako sa isang mental sanctuary kung saan dun na masusubok ang kagalingan mong ihandle ang isang sitwasyong maaring bumago sa pagkatao o mukha mo (dahil ang mga pasyente ay bigla-bigla nalang manghahamapas kapag nagkamali ka ng sagot sa kanila). Sa tingin ko nga, ang psychiatric nursing na ang pinakamahirap dahil buong pagkatao mo ang involve nito - kapag di ka makapit sa pagtanaw ng katotohanan mula sa imahinasyon (dahil akoy sa teacher ko sa MAD or MalAdaptive Disorders ay ga-BUHOK lamang ang nagseseparate sa Sanity at Insanity) maaaring maiwan ka na sa nasabing correctional nang mag tinatawag nating mentally-disturbed. Kaya dapat bago tayo magpunta sa mga nasabing lugar na pagdudutyhan natin, marapat lamang na iiwan natin sa bahay o kung saan man ang suliraning ating iniisip o di naman kaya ay ishare natin ito sa mga colleagues natin upang mairelease natin ang bigat o tensyong ating nadarama upang hindi natin ito maiimpose sa ating mga pasyenteng hinahawakan o di naman kaya ay mamanipulate nila ang ating damdamin na maaaring maging resulta at pag-ako natin sa kanilang pagkatao at tayo'y maging isa na sa kanila. Matatawag ka na nila kung nagkataon: You Belong!

Neweiz, natutuwa naman ako sa mga nagsikuha ng mga Nursing Licensure Exam noong June 2008. Bagama't hindi nasapul ng aming school ang mag-abot sa nasabing percent ng mga pumasa, at nag-top sa nasabing board exam, natutuwa na rin ako dahil malapit na rin naman ito sa aim ng university. Ang kuya ko, noong nakaraang taon ay pumasa na rin sa NLE at bagama't makikitang hindi ito gaanong mataas, but who cares! Basta ang alam ko, matalino ang kuya ko, naipasa niya ang boards ng hindi nangongopya, hindi nandadaya at walang leakage! Para sa akin, idolo ko ang kuya ko, susunod niya ng bubunuin ang pressure ng pagkuha ng NCLEX. Pero di ko lang alam kung kelan na ang nasabing pagkuha niya pero alam kong malapit na at maipapasa niya yaon. Naniniwala ako sa kakayahan ng kuya ko - dahil di ko nakikita sa kanya ang hindi lang isang nurse na gustong pumasa lamang sa kung ano mang mga exam, ang nakikita ko ay ang pagpupursige niyang maipasa ito dahil ibig niyang makatulong sa aming pamilya.

Ako naman, bilang susunod ng kukuha ng eksaminasyong ito ay nangangarap ng pumasa. Hindi ako naghahangad talagang mapunta sa Top Notchers' List dahil baka masaktan lang ako. Wejeje! Joke lang, of course, yun. Siyempre, ibig ko rin namang isa sa mga ipagmamalaki ng skul na maging tagataguyod ng aming skul. Yun nga lang, ayoko kasing maging failure sa skul kaya nananatiling anonymous ang aking identity sa blog site na ito. Gusto kong maging isa sa mga itinatanging mga "nurses" na bibigyan ng espesyal na atensyon ng mga ospital at kumpanya at akuing sa kanila nalang magtrabaho't ipakita ang abilidad, talino at husay tulad ng sa ipinakita sa kinuhang eksam. Hope everyone who'll take the exam sa aming batch (2009) will pass the licensure exam. Please, pray for us, especially for me. God, help us! :)

Neweiz, eto nga pala yung isang embed code (di ko alam tawag dito eh) na magbibigay ng kumpletong listahan ng mga pumasa, nag-top, atbp.



Read this document on Scribd: nursing-07242008


Yan, ayon nga pala sa GMANews.TV, less than half of some 64,456 who took the nursing licensure examination last June hurdled the test. The Professional Regulation Commission (PRC) said 43.1% or 27,765 managed to pass the examination, some of them repeaters.

The examination was administered in 10 areas nationwide, including Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Davao, Iloilo, Legazpi, Tacloban, Lucena, Tuguegarao and Zamboanga Cities. And the successful examinees will take their oaths Aug. 19 and 20 at the SMX Convention Center at the SM Mall of Asia in Pasay City. Sosyal!

Ngayon nga pala ay ihahandog ko sa inyo ang isang movie na maituturing kong nakakaproud tulad ng mga nurses nang mga nursing students na lumabas with flying colors. Ang film na ito at ginawa sa patnubay ng isang Pinoy, pagpapakapuyat ng mga artists na Pinoy at pinaganda ng mga Pinoy - ang pelikulang "Dayo". Kasama itong ipapalabas sa mga sinehan ng mga pasok sa Metro Manila Festival sa ika-25 ng Disyembre, 2008. Ang "Dayo" ay binuo ng Cutting Edge Productions. It is directed by Robert Quilao with Artemio Abad Jr. and Eric Cabatug. Ito ay isang full-length Filipino mythological animated feature na sasalamin sa kasaysayan ng Pilipinas at sa mga pinaniniwalaang mga creatures natin. Ilan sa mga mahihiwagang bagay na kasama sa pagtatanghal ng "Dayo" ay ang mga aswang, manananggal, tikbalang (isusulat ko sana eh Diego eh, buti nalang naisip ko yung terminilohiya kaya di ko na itinuloy), atbp.

It's the third pinoy animated movie after Adarna and Urduja. It's also touted as the very first all-digital full-length animated in the Philippines. :)

Yun na, sana magustuhan niyo ang pinaghirapang animated na pelikulang ito na dumarami na sa pagdaan ng panahaon. Ano kaya ang tawag sa mga ito - PilAnimation (dahil Pinoy ang gumawa), PelAnimation (dahil isa itong pelikula) o PantAnimation (dahil fantasy ito). Basta kahit ano pa man yan, tiyak na ipagmamalaki ito ng ating mga kababayan sa buong mundo.

Eto nga pala ang trailer ng nasabing pelikula. I love the dubbing! :) Enjoy!



Congratulations to the creators of "Dayo: The Movie" at sa mga piling-piling pumasa sa nakaraang Nursing Licensure Exam. Batiin niyo din ako kapag pumasa na ako ah?! :)

Biyernes, Hulyo 25, 2008

that-damn-song || bagoong >> "One Step at a Time" by Jordin Sparks

Natapos na nga ang paghihirap ko sa pag-e-end ng aming community immersion sa Cavite. Everything work just so, sabi nga ng kagrupo ko, "steady lang". Bagama't di naging maganda ang mga una naming pag-i-istey sa pamayanan, unti-unti namang natuto ang grupo na i-handle ang mga problema nakakaharap and that's why, at the end, naging successful ang palatuntunan namin. Hindi ko makakalimutan ang moment na yun kasi isa ako sa mga naging MC or Masters of the Ceremony. Nakakatakot kayang magsalita lalo na kapag nasa harap ka na ng mga taong titingnan ka sa buong length ng program. Eh kasama pa sina Kapitan at mga kagawads niya? Mas lalong dinaga na ang puso ko. Ayon nga sa Ingles, mind-boggling, nerve-racking (?), feet trembling, slipping, tumbling, clumsy coz i've fallen in love, so in love with you... Kanta ba yun? Wejeje... :)

Eneweiz, di nga lang pala yun yung naging pinakapart ko sa pagtatanghal, isa rin ako sa mga sumayaw sa harapan na ika ko nga after ng sayaw sa mga audience ay "Heto't pormal at kagalang-galanag ng muli ang inyong host, o hindi na ba?!". Magsayaw ka ba naman ng tulad sa Sexballs eh! Bagama't hiyang-hiya talaga ako dahil sa hindi naman ako makinis na tulad ng mga kasama kong lalaki at di ako ganun kagaling gumiling, sinubukan ko pa ring sayawin ang sayaw na "Macho Ka" ng Parokya ni Edgar. Haiz, pero nakakatuwa ang istep kaya natuwa na din ako sa nangyari dahil napaligaya namin ang noo'y mga inaantok ng tao sa community.

Bagama't mababaw lang talaga ang luha ko, hindi naman ako naiyak nung nagsasabi na kami ng pasasalamat; hindi ko alam kung bakit. Siguro, hindi ko pa rin naiisip na kinabukasan nga pala'y huli ng araw namin sa nasabing baranggay. Naging madamdamin ang pamamaaalam ng ibang grupo, pero kahit di naman kami umiyak tulad ng mga babaeng kasama, lubos naman sa aming puso ang sinabi naming pagsaludo at pasasalamat sa kanilang pagtanggap nila sa amin. Salamat Cavite sa pagtanggap sa amin! Salamat!

Ang linggong nagdaan ay sobrang stressful at hectic sa akin kaya wala na akong naging time para magsulat sa blog na ito. Ikaw ba naman ang gumawa ng mga graphs at tables na mino-modify ang kulay ng paisa-isa ng dalawang purok, di ka ba mahihirapan? Pero ok lang, hangarin ko nman talagang tumulong, ng walang pag-iimbot at pagsisisi kasi para naman sa amin ang grade na makukuha dito after.

Eneweiz, one step at a time lang dapat tayo sa pag-abot natin ng ating mga pangarap. Parang yung nangyayari sa akin. Steady lang, wag padalos dalos, dahil walang nakukuha ng minamadali ang tagumpay. Kinakailangan natin ng pasensya, pag-intindi at pagmamahal sa mga kapwa at ating sarili upang maisip natin ang mag-antay sa tama nating oras upang maging maalam successful naman the next time around. At para bigyan kayo ng encouragement, narito ang isnag kanta ni Jordin Sparks, isang American Idol alumna na naging winner noong 2007.

Una ko nabalitaan ang pagpapasikat sa 'Pinas ng song na ito sa isang kaibigan lalaki na pinagtakhan ko. Sabi niya naman, ang ganda kasi ng pagkakasulat ng nasabing awitin dahil totoong pangyayari ito na kailnagan nating daanan sa pag-abot ng ating mga pangarap. Actually, narinig ko na ang nasabing kanta noon sa isang pagtatanghal ng nakaraang AI kung saan nanalo si David Cook, kung saan ay kula'y gold or silver (basta mettalic) ang kulay ng suot ni Jordin. Sumasayaw siya habang parang nagmamadali sa paglalakad, maganda nga ang naging review ko sa kanta, at natuwa naman akong maganda rin pala ang pakakapakahulugan ng mga kaklase ko sa nasabing kanta. Tunay ngang kagagaling talagang gumawa ng isang star ng AI.

Neweiz, eto na nga pala ang kanta - video and lyrics. Hope you like it. Cheer up if you problems because it's just "One Step at a Time"... F*ck! I think that's non-sense! :)





- Jordin Sparks Lyrics

Enjoy! :)