Miyerkules, Hunyo 11, 2008

catch@cyberspace || mayonnaise >> "HappySlip.Com"


Happy Independence Day! Wejeje, bukas na ang simula ng klase namin at kulang pa ang mga kailngan ko para sa beginning of classes. Wala pa akong ruler, crayons at kuwaderno. Wahaha! Bata?! Eneweiz, nakakamiss nga naman talaga ang pabili-bili ng mga gamit sa skul dahil ngayong asa college na ako, bara-bara nalang, kahit iisa nalang ang notebook, okey na. Wala namang pakiaalam ang mga tao kapag inulit ang mga notebook mo eh, basta ang gusto nila, after the end of each session/subject, makakakakopya sila ng mga sinulat mo sa recycled notebooks mo. Wait, di ba kayo nagtataka why nung Lunes ay cenecelebrate na ang Independence Day? Dahil yun sa act ni Pres. GMA na iurong sa pinakamalapit na Lunes ang lahat ng holidays, maliban siyempre sa Christmas at New Year para umano maging mas mahaba ang break kesa nga naman sa Linggo wala kang pasok tapos meron sa Lunes meron then wala na naman sa Tuesday. Kakatamad yun!

Eneweiz, sa balitang websites na tayo dahil medyo mahaba-haba na yun. Si Christine Gambito, much known as HappySlip, ay isang user/vlogger sa youtube.com at isang Pinay ay sumikat noong 2006 dahil sa pagkakanominate sa kanya sa Youtube Awards ng ipasok niya roon ang video niyang Mixed Nuts ngunit sa kasamaang palad ay hindi nanalo at pumangalawa lang sa nominated ding Smosh. Ang Mixed Nuts video ni HappySlip at sumentro sa pagiging makulit ng mga kamag-anak niyang siya din ang nagpoportray na kung saan ang simpleng pagkukuwento ni Christine tungkol sa isang kabayong muntikan ng masagasaan at napapoopoo sa kalsada at napapunta sa mga trabaho ni Christine, sa pinsan niyang si Minnie at iba pang magugulong pagpampam ng tita niya'y classy pero di kagandahan ang buhok.

Bakit nga ba tinawag niyang HappySlip kanyang sarili? Ayon sa kanya, "...as a child, my Filipino mom would always remind me to wear a half-slip with skirts. However, the way she would pronounce the phrase was misleading: "Your hap e-slip! Be sure to wear your hap e-slip!" So I naturally went around calling the thing a 'happy slip,' until friends at school corrected me by asking if I had a 'sad slip' as well..." Bagama't laging tinatalakay ng mga bidyo ni Gambito ang kanyang Pinoy family, natutuwa naman daw sila sa paraan ng pagpapatawa niya lalo na sa mga batang napapasaya ng mga sketches ni HappySlip.
happyslip
Napalunok ako sa pic na yan ah! Ok, after 2 years, naiappoint si Gambito bilang Ambassador for Philippine Tourism ng Department of Tourism kung saan naman ay ipinost at ginawan niya rin ng mga funny videos ang mga lugar sa Pinas na pinuntahan at inenjoy niya upang makita ng mundo kung gaano kaganda rito sa atin. habang itinatayp ko ito, nakita kong merong 5,709,917 channel views na si HappySlip at hope na maging matagaumpay ang Houston Youtube Gathering sa ika-15 ngayong buwan ng 12-5pm sa Marq*E. Sana marami ang pumunta and I can't wait sa videos na gagawin niya after the meet and greet nila sa 'merika.

Look also for Kevjumba in Youtube. He's the man countyerpart of Christine sa pagpapatawa sa net. :) Eto nga pala ang muntik ng manalo na video ni Christine "HappySlip" Gambito sa 2006 Youtube Awards. Enjoy!

how-to-do guard || mustard >> "How to Succeed in Nursing School"

Marami na sa mga kaklase ko ang natagtag na sa institute ng nursing. Bagama't mahirap talaga ang mag-aral sa college, mas mahirap naman ang mapabilang sa isang institute na halos lahat ay kailngan mong intindihin at alalahanin dahil sa mahirap na terminologies at mga procedures. Sabi ng iba, madali lang daw mag-nursing, pero hindi yun ang nakita ko habang papalapit na ang mga final exams at mga return demonstrations sa mga procedures upang maging maayos ang kalagayan ng isang taong may sakit at nagpapagaling o di naman kaya ay under a strict observation of treatment. Unang taon ko pa lamang sa college, nalungkot na agad ako sa pagkawala ng maituturing kong mga una kong mature friends dahil nga sa alam kong mga mature ng tao ang mas matanda at nasa kolehiyo na't nag-aaral para sa sarili at buhay nila. Hindi matatawaran ang hirap ko sa paghahanap ng tamang strategy para maipasok lahat ng mga medical terms sa utak ko at mailabas ito sa araw ng mga pagsusulit. Nauso noon ang mnemonics kung saan inilalagay sa isang common term ang mga terms na mahirap kabisaduhin. Nandyan din ang paulit-ulit na pagbabasa upang maisaulo lahat ng kailangang maisaulo at si magkamali sa pagsulat o pagsasabi nito. At nandyan din siyempre ang pinakamadali at pinakasimpleng paraan upang maipsa na kinakailangan lang ng linaw ng mata, talas ng pakiramdam at lakas ng loob - ang pangongopya. Dati ay sinubukan ko pero masakit sa loob kong habang ang iba ay pinag-aralan ang nasabing part ng test, ay ako naman at narito, kinukuha lang ang nasabing sagot ng hindi ko man lang hinasa ang sariling abilidad upang masagot ng sarilinan ang tanong na nasa puting papel. So ngayon, bagama't nahihirapan akong palagi sa mga eksam, worth it naman ang pagkakakuha ko ng average na points dahil ginamait ko kung ano ang meron ako ng hindi umaasa sa iabang tao.

At ngayon, heto ang ilan sa mga natatanging paraan upang makapasa sa isang nursing school. Alam kong hindi kayo maniniwala dahil hindi pa naman ako gumagradweyt, pero sisiguraduhin kong maalwan kayong papasa dahil ito ay galing sa wikipedia.org. Accurate naman ang pinagkunan ko kaya, you ara safe.

Una, pumasok sa school. Hindi nga naman ito hayskul na pupuwede ka pa ring pumuslit sa klase, umakyat sa pader at mag-cutting classes. Bagama't masasabi mo rin minsan na hindi konektado ang turo ng isang titser sa kung ano ang dapat na pinag-aaralan mo, alam mo pa ring magagamit mo ang nasabing ekperiyensiya na ito sa pang-araw-araw mong pamumuhay. kunwari, sinsabi niyang kaya siya nag-nursing ay dahil sa sinabi ng nanay niya at hindi siya pag-aaralin pag hindi yun ang kinuha niya, get it! O di ba, kung hindi dahil sa nanay niya, isa siyang pulubi ngayon at nangangalahig ng basura o di naman kaya ay naglalaba ng mga damit ng mga kapit-bahay nila. Ni sana'y wala siya dyan sa kinatatayuan niya at kinagagalitan ka.

Second, take notes at makinig ng mabuti sa titser. Bagama't sinasabi mong genius ka na at hindi mo na kailangang mag-sulat upang matuto, mas mabuti parin na i-jot down mo kung anuman ang sinsabi niyang importante upang mabalikan mo ang kung anuman ang sinabi niya noon. At kapag nasusulat ka, 3 beses mong maaalala ang sinabi ng guro: una, kapag narinig mo, pangalawa, kapag isinulat mo na at huli kapag binalaikan mo't binsa mong uli ang isinulat mo.

3rd, eto ang hindi ko nagagawa - ang kumpletuhin kung anuman ang ang assigned na babasahin sa isang takdang panahon. Para makasabay ka o kahit mauna ka sa diskusyon ng klase, kailangan mong basahin ang syllabus na ibinibigay ng eskwelahan. Oo nga naman, bagama't after the orientation ay gingawa nalang nating pansiga ang maliit na papel ng syllabus, mahalaga ang nasabing piece of paper upang malaman mo kung nahuhuli ka ba o nauungunsan mo na ang sinasabi ng guro sa inyo.

Ika-4, raise you hands. Magtanong kapag hindi naiintindihan ang sinasabi ng guro sa klase. Kapag hindi pa rin niyo maintindihan ang sunod2 na pag-uulit ng guro, dalawa lang ang rason niyan: puno parin ng tutuli ang tenga mo or ngongo o walang sense talaga ang sinasabi ng titser mo.

Fifth, mag-aral kapag may mga pagsusulit. maaring magbasa ng mag-isa, one-on-one ng favorite kaklase mo, or group study session kayo ng mga friends mo. Para naman sa akin, hindi ako natuto kapg may kasama akong nag-aaral din, pang-gulo kasi. Imbes na mag-aral kayo, kuwento ng kuwento. Hindi ka na makapagconcentrate tuloy sa inaaral mo. Gusto ko kasi ang place na tahimik at walang obstructions. Sa skul ata, walang ganung place, kasi kahit sa loob ng library, magugulo ang mga tao, maiingay ang mga animal.

Sais, umattend sa clinical duties. Siyempre hindi lahat ay sa skul mo matutunan. Ayon nga sa isang titser ko, pangdagdag nalang sila, kailangan matuto kami by ourselves through some reading at thru working. Kaya nga may subject sa narsing na tinatawag na RLE o realted-learning experiences. Bagama't nakakatamad pumunta sa mga nagsisilayuang mga hospital affiliations, dito mabubuo ang mga tight ties between your co-groupmates at mga clinical instructors. Pag close na kayo ng CI, puwede ka nang magtanong ng kahit ano but never expect na lahat ng itatanong mo ay may kasagutan ang CI mo, di genius un ano! Siguro kapag mga tipo ni Sir Aliswag. :)

At last buit never the least, ang magvolunteer sa mga gawaing related sa propesyon mo. Siyempre, wag kang pumunta kapag magbebenta ka alang ng mga batya at bilao kapag nursing kinuha mo. Sabi nga, it does not only look great on a resume, it gives you also valuable experience in the healthcare setting.

Yun na, sana ako man ay pumasa sa huling taon ko sa pag-na-nursing dahil sa mga tips ana ito.

Depende nalang kung may ganito sa hospital nio.

Martes, Hunyo 10, 2008

boso and paparazzi || toyo with kalamansi >> The Preggie Moms

Uso pala ngayon ang buntisan sa mga hollywood stars at isa-isa na nga silang nanganganak sa kanilang mga cute babies. Oo nga palang talaga, buntis pala si Jessica Alba (ng Fantastic 4, The Eye and The Love Guru) at nanganak na nga ito. According to GMANews.TV, idineliver na nga ang isang healthy baby girl nuong Sabado (June 7) nina Alba at ang kanyang asawang si Cash Warren na umanoo'y nakilala niya sa set habang ginagawa ang sci-fi movie na Fantastic 4. Naging maalwan naman daw ang kanyang panganganak sa Cedar's-Sinai Medical Centre sa Los Angeles, California. Given a name Honor Marie Warren, naging very relaxed naman ang expectant mother sa pagdating ng kanilang baby girl. maliban duon, wala ng inilabas na other information sa panganganak na ito ni Alba. Ang new parents ay secretly nagpakasal sa Beverly CourtHouse nung May 19. Mula pa noon, bukas na sa publiko ang pagiging engaged nila last year of December.

Isa pa sa mga celebrity na nanganak ay si Tori Spelling sa kanyang 1st daughter at second baby na may name na Stella Doreen. Una kong nakita sila ng kanyang aswang si Dean McDermott sa reality TV series ng dalawa na Tori and Dean Inn Love at tuwang-tuwa ako sa pagiging pilya ni Tori lalo na kapag nagpe-play siya ng joke sa asawa niya. Oo nga pala, nanganak si Tori sa kung saan din nanganak si Alba (sa CSMC) last June 9, via a Caesarean section ng mga 3:13 ng hapon. The girl weighs 6 pounds, 8 ounces and measuring 19 and 3/4 inches long. Si baby Stella ay may 2 brothers na namely Liam Aaron, 15 months ngayon at si Jack na isang 9 year old na naging anak niya sa 1st husband niyang si Charlie Shanian kung saan ay di naging maganda ang kahihinatnan ng relasyon nila and they separated in December 2005 and were legally divorced on April 20 of 2006.

Isa pang manganganak din ay ang very sexy and beautiful na si Angelina Jolie sa kanyang unang baby na nakakagulat at twin pala sa boyfriend na si Brad Pitt after ng ilang adoption sa iba't-ibang baby sa mundo. Kinonfirm naman ito ng co-star ni Jolie na si Black Jack sa animation film na Kung Fu Panda during the promotion of the film sa Cannes Film Festival.

So, that's it! Hope maging healthy at laging masaay ang mga couples sa mga babies at magiging babies nila. Sabi nga ni God, "Humayo kayo at magpakarami!" :)

At dahil dyan isa pa daw ang mangnganak na din. Very bizarre ang naging sitwasyon nitong Filipino-American na ito. Ladies and gentelemen, meet Thomas Beatie.


Lunes, Hunyo 9, 2008

flick-o'-filmie || wasabi >> "The Love Guru"


Medyo Asian ata ang mga film ngayon ah! Halimbawa, ang Kung Fu Panda, set in the Ancient China with Jack Black as Po; ang You Don't Mess with the Zohan, na isang Israeli na napunta sa Amerika upang maging barbero starred by Adam Sandler; at ang siguro'y magandang The Love Guru, na isang Indian na magaling sa love problem-solving.

Una kong nakita ang The Love Guru sa finale episode ng American Idol: Season 7 kung saan isang medyo magulong artista ang nagsasalita ng hindi maintindihan, since yun daw ay isang Indian language. Nakasakay ang lalaki sa isang roving carpet na sinakyan din ni Ryan Seacrest, ang host ng singing reality show, at muntik pang mahulog sa stage ng biglang humarurot ito papunta sa edge ng entablado. Buti na lang, biglang tumigil just before tumilapon si Seacrest sa mga nanonood na audience. Ipinakita rin pala dun ang preview ng movie kung saan nanduon si Guru Pitka - ang The Love Guru nga.

Saka naman ako nagulat ng makita ko sa WikiPedia.Org na si Mike Myers ng Austin Powers at Shrek (bagama't boses niya lang naman ang ginamait sa movie-aniamtion na ito) pala ang gumaganap na Guru Pitka. Sa movie pala, kasama dito si world's sexiest Jessica Alba (na buntis ata ngayon) at si Justin Timberlake (na ngayon ko lang nalamang umaarte din pala maliban sa pagsayaw, pagkanta at pag-compose ng awitin).

Plot: Pitka an American raised outside of his country by gurus, returns to the States in order to break into the self-help business. His first challenge: To settle the romantic troubles and subsequent professional skid of a star hockey player whose wife left him for a rival athlete.

Basta, siguradong papanoorin ko pag pinalabas na. Kakatuwa eh, trailer palang. Coming this June, 2008. Learn and laugh with Guru Pitka: The Love Guru.


Linggo, Hunyo 8, 2008

that-damn-song || bagoong >> Good Riddance (Time of Your Life) by Green Day

Mahilig talaga ata ako sa Time saka Life, kasi ung last na ipinost kong song by David Cook ay Time of My Life (ung winning piece niya). Enewiez, napili ko ang kantang to dahil sa iba't ibang news na nagbabaga ngayon. Dahil sa iba't ibang emotion ang nakalakip sa kantang ito, ito nga ang kantang bagay dito.

Isa na rito ang pagkakapanalo ng teen housemate na si Ejay Falcon (na back-to-back ay nakisabay sa kinalakihan niyang tatay na si Daddy Erning na nanalo namang Guardian Big Winner), kung saan nasungkit niya ang titulong Teen Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Bagama't binabato ng mga pang-aalipusta dahil naging parang charity show daw ang PBB imbes na isang show para sa kabataang pinoy na nagpakatotoo at naging huwaran sa mga katulad niyang youth/teen. Naging close ang labanan between Robi Domingo (supposed to be Housemate B) at Ejay (Housemate C) dahil sa simula ng palabas ay parehong 35+% ang dalawa.

At sa pagtigil ng oras at paglabas ng resulta ng naging botohan, unang lumabas si Beauty Gonzales sa stage at humarap sa ilang libong nanood sa Araneta Coliseum garnering 10.91% of the total votes or 186,523, na sinundan naman ng 3rd Teen Placer na si Nicole/Nikki Uysiuseng with the total percentage of 18.39 percent of the votes (314,582 votes). Saka naman inilabas ang 2nd Big Placer na nakakuha ng 34.39% o 588,115 na boto. Agad namang binuhat ni Daddy Erning ang kanyang Ejay (na may total percentage of 36.31% o 620,934 na votes) mula sa isang space rocket na actually ay ang transition ng PBB house. Very futuristic at nakakamangha ang special effects ng PBB Finale.

Sa pag-emerge ng bagong Teen Big Winner (na hinehelera na kina Nene Tamayo, Keanna Reeves, Kim Chiu, Beatriz Saw at Ruben Gonzaga dahil lahat ay naging mga past winners ng PBB), isang bagong pag-asa naman ang naibigay nito sa ating mga kababayan: ang mag-Dream Big. Eto ang part ng Good Riddance na para sa tagumpay ni Ejay Falcon,

"Another turning point, a fork stuck in the road,
Time
grabs you by the wrist, directs you where to go, So make the best of this test, and don't ask why, It's not a question, but a lesson learned in time"

Watch Ejay's winning moment here.

On the other hand, nakakalungkot naman ang balita ng pagpanaw ng action star na si Rudy Fernandez kahapon ng umaga dahil sa periampullary cancer, isang cancer sa nagsisimula malapit sa ampulla of Vater (enlargement of the ducts from the liver and pancreas where they join and enter the small intestines).

After some treatment in and out of the country, particularly sa Japan at Amerika. After a May 10 healing mass by several friends at the Christ the King Church, Quezon City, he was rushed to a San Juan City hospital for back pains. Pagkatapos ng 25th anniversary nila ni Lorna Toelentino, asawa niya, nagka-seizure episode siya ngunit ni-refuse niya ang dalhin siya sa Cardinal Santos Memorial Center in San Juan City. Fernandez died at his Quezon City home on the morning nga of June 7, 2008.
His remains were brought to the Heritage Memorial Park Crematorium in Taguig City at 8:00 a.m.

Yun, nakakalungkot talaga. Part of the song, best represents the feeling ng mga naiwan ni DaBoy:

"So take the photographs, and still frames in your mind
Hang it on a shelf in good health and good time
Tattoos of memories and dead skin on trial
For what it's worth it was worth all the while."

Yun. Masaya naman akong napanood ko na ang Caregiver ni Sharon Cuneta, nakaka-touch yung movie. Hope to watch na ung Kung Fu Panda. :)