Huwebes, Hulyo 3, 2008

you-outta-know || sukang iloko >> "Kalam: Usapin sa Seguridad ng Pagkain" to Air on GMA7 this Sunday (July 6)

Haiz, nakakatamad na rin palang magblog pag medyo nasasagasaan na nito ang mag mahahalagang bagay mo sa iyong buhay. Tulad nitong mga nakaraang araw, sa sobrang pagod ko sa iskul at sa aming community immersion, di ko na naalalang magsulat sa blog na ito. Nalagay ko lang ang korni kong pamagat, pero wala namang topic kung ano ang ilalagay ko. Haiz, tapos wala namang nagvi-view sa akin sa blogsite na ito, siyempre di ka na rin gaganahan na nagtatype ni wala namang kwenta pala. Andami kong sentiments, andami kong reklamo, andami kong iniisip, buti nalang sinsabi ko nalang sa sarili kong later or sooner, may magbabasang pangulo ng isang bayan nito at ipapamalita ito sa mga karatig bansa upang maging universal blog ng taon. Haiz, ang laki ng panagarap ko, napakahirap abutin, buti nalang ambisyoso ako. :)

Neweiz, yun na nga pala, ngayong Linggo ay ipapalabas na ang documentary ng Kapuso network about sa patuloy na pagtaas ng halaga ng pagkain at pagdami ng mga nagugutom na Pilipino sa ating bansa - ang Kalam: Usapin sa Seguridad ng Pagkain. Maging sa ibang bansa ay tatalakayin din ang pagsisikap ng mga lider ng bawat nasyon na matustusan ang pangangailangan natin sa pagkain, lalo na sa bigas. Considered as one of the most important cereal sa buhay ng mga tao sa iba't ibang panig ng mundo, ang bigas, o rice sa mundo, ay pinagkakaguluhan na dahil patuloy na pagbaba ng suplay nito sa mundo. Naaalala ko pa dati sa aming Ekonomiks na mayroong mga taong nag-ho-hoarding, isang panloloko sa taumbayan kung saan ang mga produkto ay itinatago upang masabing nagkukulang tayo sa suplay at tumaas ang persyo nito sa pambansang merkado. Dahil sa pagiging mukhang-pera ng mga taong nanamantala sa pagtaas ng mga bilihin, nagiging mas hindi komportable sa buhay ang mga taong nasasadlak na sa putikan.

Buti nalang, naisip ng ating gobyerno ang mag-angkat ng "Oryza sativa" sa ibang bansa. Pero parang hindi naman natutuwa nag mga kritiko ng administrasyon dahil pinagtatakhan nila ang sa kung paano bumabawi ang bansa sa pagkakalugi nito dahil ang binibili ng mga otoridad ay mga commercialized type ng bigas na ipinamamahagi naman dito sa Pinas bilang NFA(National Food Authority) rice. Kilala ang NFA rice bilang "bigas ng mga mahihirap" dahil sa di kagandahang kulay nito kung ikukumpara natin sa Jasmine, Dinorado or wahatever rice na mabibili sa suking tindahan niyo. Kaya naman, mas mura ito kesa sa mga "mas mapuputing bigas" ng mga palengke. Ngunit sa pagdaan ng panahon, hindi na ata nababagay na tawagin pa itong ganun sa kanyang pangalan, dahil sa pagtaas ng mga komersyal ng bigas at pagakkaroon naman ng fixed na presyong Php18.25 nito sa bansa, ito na rin ang maituturing na "Bigas ng Bayan" dahil kahit ang mga nakakaangat sa buhay ay bumibili na din ng dating kinaiilagang "butil ng buhay".

Dahil sa mga ganitong pangyayari, hindi nakatulog ang mga taong pamanamantala (yes, i got it!), isa isa namang nagsilabasan ang iba't ibang problema sa alokasyon ng murang bigas. Dahil ang iba ay nakakabili ng mga 10 kilong bigas kada araw at ang mga nahuhuli naman ay hindi na naabutan na mapagbilhan ng NFA rice na ito. Ano kaya ang ginagawa nila sa 10 kiong bigas na nabibili nila? Ipinangangalandakan ito sa kanilang mga kapitbahay na dun nalang sa kanila bumili ngunit siyempre, dahil mahirap anag pumila (nagkakaamuyan ng anghit, nagkakainitan ng ulo at naabutan ng ulan at mataas na init ng araw kasabay pa ang tagal sa pagkakatayo), nilalagyan nia ito ng interes. Limang piso, 10 piso o kahit mga siyete pesos pa. Sabi nga'y halos sa lahat ng bagay, may monkey business na nangyayari.

Dahil sa mga ganitong negosyo ng mga nanggogoyo, naisip naman ng pamunuan ng NFA, headed by Secretary of Agriculture Arthur C. Yap, na baguhin ang sistema ng distribusyon ng bigas. Meron ng card na pinamimigay sa mga taong mahihirap talaga na di makaafford ng mga commercialized rice kaya't pinipili silng mabuti para sila naman ang makabili at makakain ng murang bigas ng bayan ni Juan dela Cruz. Di ko lang alam kung anu-ano pang mga anomalya ang magsisilabasan sa bagong patakaran na ito ng NFA. I mean kung paano nila pinipili ang kung sino ang pinakamahihirap na pamilyang ito, paano nila ito minomonitor at hanggang kelan at saan ang magiging kahihinatnan ng benepisyong ito.

At dahil nga diyan, nabuo ng GMA network ang isang natatanging dokyumentaryo na tatalakay sa isyung ito ng bansa: ang
pagkain. Nakakatuwa ngang sa huling mga buwan ay naging mas eager ang Siyete sa paghahatid ng mga dokumentaryong kaabang-abang at may kabuluhan tulad ng mga dokumentaryong tulad ng ZTE-NBN scandal pasabog na Koneksyon: Anatomy of a Political Scandal, ang Under-the-Sea na Discoveries sa Philippine Waters na Sisid: A GMA News and public Affairs Underwater Special, at ang ground-breaking na full-length documentary sa Philippine TV about Global Warming, narrated by actor Richard Gutierrez na Signos: Banta ng Nagbabagong Klima. At ngayon, tiyak namang papanoorin na naman ng ating mga kapuso ang pagpapalabas ng Sunday Night Box Office presentation na ito. Hosted by premiere broadcast journalist, Vicky Morales, and co-hosted by reporters Jiggy Manicad, Jay Taruc, and actor, Marky Cielo, “Kalam" takes an in-depth look at the issues surrounding hunger and food security in the country, and studies the impact of the rice crisis in different parts of the world.

Tiyak na panalo na naman ang mga ganitong programa sa Pinas sa mga festival sa iba't ibang sulok ng mundo. Ulit, huwag palalampasin ang isa na namang makabuluhang pagtatanghal ng GMA Public Affairs. “Kalam" sa SNBO, Hulyo 6, 2008, Linggo pagkatapos ng Ful Haus.

Eto naman ang trailer/ad ng nasabing programa ng GMA7, ang KALAM... Enjoy! :)

Linggo, Hunyo 29, 2008

webvidchoob || catsup >> "Volare" by Moymoy Palaboy

Panalo na nga pala si Manny Pacquiao over David Diaz. This time hindi nanalo and isang David, Na-Goliath na! Inabot lang ng siyam (9) na rounds ang sagupaan kung saan ay knock-out na nga ang Mehikano. Sa ngayon, si Pacman is the first Asian boxer to win four world titles in four different weight divisions. Nakuha sa left hook sa baba, sapul! Bagsak! :)

Bagama't hindi ko naman napanood sa tv yung pinalabas na performance nina Moymoy at Roadhill ng Pinoy Youtube sensation (Charice Pempengco?). Ang duo, na may profile name na Moymoy Palaboy, ay mga taga-Pasay umano at taga-PCWHS. Haiz, matatalino daw ung tagadun, kasi ako taga PCNHS ako eh... Actually may naging kaklase akong tagaroon, matalino talaga. Kaya siguro magaganda ang concept ng paggawa ng duong ito dahil pinag-isipan talaga. Pero siyempre, di patatalo hayskul namin - nandito na ako! (Nonsense!) Wahaha!

Enewiez, ang video nilang dalawa na Wannabe by Spice Girls ata yun, ay nakalikom na ng 1,089,586 na hits at still counting dahil sa paglabas nga nila nung isang gabi (Biyernes) sa Bubble Gang bagama't di naman sila umarte at tanging sa IyoTube segment lamang sila lumabas nun. Hindi naman ako gaanong natutuwa dun sa segment na yun. Pero buti nalang guest ang Moymoy Palaboy naging maganda ang output that night. Pinakafave kong segment nila is yung Spoiled Brat where Ogie Alcasid plays the spoiled brat herself na si Angelina while Michael V (the best comedian of all time!) takes his role as the Yaya. Basta, maganda kasi concept niya, kaya nagustuhan ko. Whatever! Fine! Such a LOSER! :)

Eto na nga yung videong pinakagusto ko sa lahat ng mga videos nila: Volare. Di ko kilala ang kung sinong singer o boyband ang kumanta. Basta ang alam ko, ang Moymoy Palaboy duo ang nakakuha ng atensiyon ko sa kantang ito (di ko rin maintindihan pinagsasabi ko, pareho lang tayo). Watch it, enjoy and do your thing tulad ng nanay nila ata sa background ng video. :)