Linggo, Hunyo 29, 2008

webvidchoob || catsup >> "Volare" by Moymoy Palaboy

Panalo na nga pala si Manny Pacquiao over David Diaz. This time hindi nanalo and isang David, Na-Goliath na! Inabot lang ng siyam (9) na rounds ang sagupaan kung saan ay knock-out na nga ang Mehikano. Sa ngayon, si Pacman is the first Asian boxer to win four world titles in four different weight divisions. Nakuha sa left hook sa baba, sapul! Bagsak! :)

Bagama't hindi ko naman napanood sa tv yung pinalabas na performance nina Moymoy at Roadhill ng Pinoy Youtube sensation (Charice Pempengco?). Ang duo, na may profile name na Moymoy Palaboy, ay mga taga-Pasay umano at taga-PCWHS. Haiz, matatalino daw ung tagadun, kasi ako taga PCNHS ako eh... Actually may naging kaklase akong tagaroon, matalino talaga. Kaya siguro magaganda ang concept ng paggawa ng duong ito dahil pinag-isipan talaga. Pero siyempre, di patatalo hayskul namin - nandito na ako! (Nonsense!) Wahaha!

Enewiez, ang video nilang dalawa na Wannabe by Spice Girls ata yun, ay nakalikom na ng 1,089,586 na hits at still counting dahil sa paglabas nga nila nung isang gabi (Biyernes) sa Bubble Gang bagama't di naman sila umarte at tanging sa IyoTube segment lamang sila lumabas nun. Hindi naman ako gaanong natutuwa dun sa segment na yun. Pero buti nalang guest ang Moymoy Palaboy naging maganda ang output that night. Pinakafave kong segment nila is yung Spoiled Brat where Ogie Alcasid plays the spoiled brat herself na si Angelina while Michael V (the best comedian of all time!) takes his role as the Yaya. Basta, maganda kasi concept niya, kaya nagustuhan ko. Whatever! Fine! Such a LOSER! :)

Eto na nga yung videong pinakagusto ko sa lahat ng mga videos nila: Volare. Di ko kilala ang kung sinong singer o boyband ang kumanta. Basta ang alam ko, ang Moymoy Palaboy duo ang nakakuha ng atensiyon ko sa kantang ito (di ko rin maintindihan pinagsasabi ko, pareho lang tayo). Watch it, enjoy and do your thing tulad ng nanay nila ata sa background ng video. :)

Walang komento: