Biyernes, Hulyo 25, 2008

that-damn-song || bagoong >> "One Step at a Time" by Jordin Sparks

Natapos na nga ang paghihirap ko sa pag-e-end ng aming community immersion sa Cavite. Everything work just so, sabi nga ng kagrupo ko, "steady lang". Bagama't di naging maganda ang mga una naming pag-i-istey sa pamayanan, unti-unti namang natuto ang grupo na i-handle ang mga problema nakakaharap and that's why, at the end, naging successful ang palatuntunan namin. Hindi ko makakalimutan ang moment na yun kasi isa ako sa mga naging MC or Masters of the Ceremony. Nakakatakot kayang magsalita lalo na kapag nasa harap ka na ng mga taong titingnan ka sa buong length ng program. Eh kasama pa sina Kapitan at mga kagawads niya? Mas lalong dinaga na ang puso ko. Ayon nga sa Ingles, mind-boggling, nerve-racking (?), feet trembling, slipping, tumbling, clumsy coz i've fallen in love, so in love with you... Kanta ba yun? Wejeje... :)

Eneweiz, di nga lang pala yun yung naging pinakapart ko sa pagtatanghal, isa rin ako sa mga sumayaw sa harapan na ika ko nga after ng sayaw sa mga audience ay "Heto't pormal at kagalang-galanag ng muli ang inyong host, o hindi na ba?!". Magsayaw ka ba naman ng tulad sa Sexballs eh! Bagama't hiyang-hiya talaga ako dahil sa hindi naman ako makinis na tulad ng mga kasama kong lalaki at di ako ganun kagaling gumiling, sinubukan ko pa ring sayawin ang sayaw na "Macho Ka" ng Parokya ni Edgar. Haiz, pero nakakatuwa ang istep kaya natuwa na din ako sa nangyari dahil napaligaya namin ang noo'y mga inaantok ng tao sa community.

Bagama't mababaw lang talaga ang luha ko, hindi naman ako naiyak nung nagsasabi na kami ng pasasalamat; hindi ko alam kung bakit. Siguro, hindi ko pa rin naiisip na kinabukasan nga pala'y huli ng araw namin sa nasabing baranggay. Naging madamdamin ang pamamaaalam ng ibang grupo, pero kahit di naman kami umiyak tulad ng mga babaeng kasama, lubos naman sa aming puso ang sinabi naming pagsaludo at pasasalamat sa kanilang pagtanggap nila sa amin. Salamat Cavite sa pagtanggap sa amin! Salamat!

Ang linggong nagdaan ay sobrang stressful at hectic sa akin kaya wala na akong naging time para magsulat sa blog na ito. Ikaw ba naman ang gumawa ng mga graphs at tables na mino-modify ang kulay ng paisa-isa ng dalawang purok, di ka ba mahihirapan? Pero ok lang, hangarin ko nman talagang tumulong, ng walang pag-iimbot at pagsisisi kasi para naman sa amin ang grade na makukuha dito after.

Eneweiz, one step at a time lang dapat tayo sa pag-abot natin ng ating mga pangarap. Parang yung nangyayari sa akin. Steady lang, wag padalos dalos, dahil walang nakukuha ng minamadali ang tagumpay. Kinakailangan natin ng pasensya, pag-intindi at pagmamahal sa mga kapwa at ating sarili upang maisip natin ang mag-antay sa tama nating oras upang maging maalam successful naman the next time around. At para bigyan kayo ng encouragement, narito ang isnag kanta ni Jordin Sparks, isang American Idol alumna na naging winner noong 2007.

Una ko nabalitaan ang pagpapasikat sa 'Pinas ng song na ito sa isang kaibigan lalaki na pinagtakhan ko. Sabi niya naman, ang ganda kasi ng pagkakasulat ng nasabing awitin dahil totoong pangyayari ito na kailnagan nating daanan sa pag-abot ng ating mga pangarap. Actually, narinig ko na ang nasabing kanta noon sa isang pagtatanghal ng nakaraang AI kung saan nanalo si David Cook, kung saan ay kula'y gold or silver (basta mettalic) ang kulay ng suot ni Jordin. Sumasayaw siya habang parang nagmamadali sa paglalakad, maganda nga ang naging review ko sa kanta, at natuwa naman akong maganda rin pala ang pakakapakahulugan ng mga kaklase ko sa nasabing kanta. Tunay ngang kagagaling talagang gumawa ng isang star ng AI.

Neweiz, eto na nga pala ang kanta - video and lyrics. Hope you like it. Cheer up if you problems because it's just "One Step at a Time"... F*ck! I think that's non-sense! :)





- Jordin Sparks Lyrics

Enjoy! :)

Walang komento: