Huwebes, Agosto 14, 2008

boso and paparazzi || toyo with kalamansi >> August 11: Anne Curtis is Dyosa, How Come?


Haiz, sobrang nasira talaga yung computer namin kaya sobrang na-stagnate ang utak ko sa pag-iisip sa kung paano ko na itututloy ang pagsusulat sa nasabing blog place. Baliw na ata ako, kasi wala naman ako talagang obligasyon sa blog na ito pero para akong tungaw na hindi mapakali at ang pwet ay parang kinikiliti. Ni wala nga sigurong nababasa nito eh. Kung meron man kasing visitor counter na makikita sa right part ng blog na ito, ang dami ng mga views ay malamang galing rin sa akin since inaayos ko ang site na ito every now and after. Kung di pa nga ako nagbalita-balita sa mga kaklase ko na, "Ui, may blog ako. Tingnan... Basta." Ni hindi ko nga masabi na tingnan nila ang nasabing blog since di naman ako nakakasiguro na maganda worth viewing at penny-spending ang pagtingin nila rito. Ni kahit sarili ko bay hindi ko ma-assure na nakakatuwa nga ang mga kabulastugang pinagsususulat ko rito. Minsan nga, naiisip ko nang burahin nalanag ang blog na ito since parang walang kwenta naman ata - walang nagbabasa, walang kwenta ang mga blog entries, at higit sa lahat, walang kwenta ang nagsusulat. Joke! Siyempre, minsan naman may kwenta naman ako sa mga tao sa paligid ko. Tulad siguro ng pagbili ng calamansi juice sa canteen para sa isang kaklase, magdala ng DLP at OHP para sa mga clinical instructors o di namn kaya ay magpalit ng punda para sa nanay at tatay ko. Sweet ano?!

Neweiz, let's go back nga dun sa pagbaba ng esteem or confidence kong magsulat rito, meron parin namang puwang sa aking dibdib na pag-ibayuhin na ang maglalagay ng mga kung anumang kalokohan rito kasi natutuwa akong gawin to. Nailalabas ko ang mga hinaing ko sa buhay - kung gusto ko nang bumili ng pisong yellow pad, kumain ng cereals (Ilang beses kong imulit ang spelling ng 'cereals', bago sa pandinig eh, pasenxa na, jologs lang!) na may kasamang gummy bears at chocnut at Bear Brand (tm), o di naman kaya ay ilabas na ang sama ng panahon at wag ng intayin na sa bahay pa since parang crowning (Nurses!) at ready for delivery na. Dito ko rin naibabahagi sa bilyong mambabasa ko (salungat ang sinasabi sa reality - schizo!) ang mga eksperiyensiya ko sa buhay upang matuto naman ang simpleng Pinoy na huwag ng uliting gawin pang muling again ang kamaliang nagawa ko na sa buhay ko - yun, ay kung may maidudulot namang kagandahan para sa indibidwal yun. Pero siguro naman meron din kahit kokonti. Tulad ni Joey de Leon na bagama't minsan ay kabalbalan ang ginagawa against sa kalabang programa ay nagbibigay naman ito ng catchy na mga one liners na maalala ng mga tao mula sa kanya. Natuwa naman ako masyado dun sa line niang: Explain Before You Complain! Yun na! (relate mo nalang).

Basta siguro, I'll think nalang this blogging whatever as a challenge para maging isang ganap na indibidwal na kayang maging rasyonal at mapagmasid sa paligid at suliranin. WTF?! I'm doing this for myself. Therapeutic approach. Turing ko talaga sa sarili ko mental patient. nahahanginan na talaga ata ako.

Now, let's go back to the heading dun sa taas: ang Dyosa ng ABS-CBN ay si Anne Curtis na nga. Bakit ko nga pala nilagay pa ang ABS? Kasi nga naman, pwede namang tawaging si Marian Rivera naman ang Dyesebel ng GMA, or si Kim Atienza ang Matanglawin ng ABS-CBN o di naman kaya ay si Susan Enriquez ang Kay Susan Tayo ng Susan, este ng GMA. Dami kasing Susan eh! Can Susan?! (read the last question while holding the dulo of your dila, ang halay noh?!) Yun na nga, may bago nang teleserye ang Dos as to sa pagdating ng ibon na isda na kabayong si Josephine. Una ko palang nakita at narinig sa telebisyon ang konseptong ito ng ABS, hinanap ko naman agad kung ano ang mangyayari sa fantaserye (telefantasya is for GMA) na ito. Natuwa nga ako kasi yung plot na ito meron part dun na si Anne ang gaganap na bugtong na anak nina Mariang Sinukuan at Bernardio Carpio. eh kung maalala ko, si Bernardo Carpio eh yung pinaniniwalaan kong nag-co-cause ng lindol dahil ayon sa mitolohiyang Filipino, si Bernardo Carpio (Don't be confuse with Leonardo de Caprio; magkaiba yun!) yung nakulong sa dalawang naguumpugang bato sa dakong talampas pa roon ng mga bundok ng Koldelyera. Nakulong umano ang nasabing napakalakas na mortal dahil sa isang nagseselos na kapre sa ginoo. Dahil mdyo may pagka-eng-eng si Bernardo Carpio, sumama siya sa teritoryo ng evil kapre at doon ay trinap na siya sa dalang malahiganteng bato. Relasyon ng lindol sa kanya? Wala. Joke! Siyempre minsan, marunong din naman akong magrelate kaya ang sagot eh dahil daw pag lumilindol, pinipilit niya paring mahulagpos sa nasabing giant rocks. Ang tanong: Ilang taon na kaya siya at ano na itsura niya ngayon?! Bwahaha! :) Pasenxa sa Consejo delos Dioses (I learned this from my Rizal subject), baka parusahan ako. Tao lang. Mortal lang. Yung si Mariang Sinukuan naman, parang di ko kilala. Pareho lang ata sila ng Mariang Makiling eh. Ah, oom, siya yung reason nung conflict between the kapre and the Hercules of the Pinoy mythology ata. Maganda at mabait umano ang nasabing diyosa at ang pagkakaalala ko, may relasyon din yung kwento niya sa pamamalengke. Di langa alam talaga kung paano irerelate yung marketing sa kwento. :)

Yun, after mapanood ang The Singing Bee, itinuluy-tuloy ko na ang gabi ng pagiging Kapamilya - sunod na kasi sa karaoke-gameshow program ang Dyosa. Hehe, kakatawa nga kasi si Vice Ganda and his ostrich dance. Ang Dyosa eh hindi ako natuwa talaga, alam mo kung bakit? Because of these reasons:
1. Una na ang special effects: ang korni kaya nung FX nila. Parang yung mga pang-Sineskwela pa din yung mga FX. Kaasar. Sana naman, yung medyo 3 dimensional. We're already on the new generation, pagkagastusan niyo naman.
2. Yung design nung sana'y kingdom of the Gods eh di mukhang Langit, the Olympia or Nirvana. Hagdan-hagdan lang na may mga crepe paper, ok na. Tsk. Isama na rin yung costume, mga kawayan lang ata na ginamit kay Carpio. Saka pakiaayos naman ng kanang sungay ni Epi Quizon, malalaglag na, same as that of the unicorn Mariang Sinukuan played by Mickey Ferriols. Tsk. Saka di mukhang Diyosa or Evil si Jacklyn Jose.
3. Lastly, the language - yun talagang nagpahalakhak sa akin. Carpio: Anong sinasabi mo?! Role of Jacklyn: Hindi ba totoo naman talagang PINATULAN mo ako? WTF?! Ano daw?! Meron na ba ng ganung use ng pagpatol sa sinaunang panahon?! Haiz, saka sana may pabulaklakin naman nila ang mga terms na ipinapasok nila sa programa kapag ang mga Diyos at Diyosa ang nag-uusap: imbes sana na KASAL, PAG-IISANG-DIBDIB nalang ang gamitin.

So yun, pero bagamat kunot ang noo ko sa mga part na ito ng programa, napaligaya naman ako ng mas korning bahagi ng palatuntunan. Isa na yung part na nag-freeze si Epi dahil minadyik siya ni Carlos Morales. Hehe... Saka yung part nina Rubi2 at yung asawa niyang pamilyar sa aking ang mukha, pero hindi ang pangalan. They played the adoptive parents of Josephine. Yun. Basta para sa akin, pakornihin niyo pa, dahil mas doon ako nakikiliti sa mga pinaggagawa niyo. :)

Pero maganda naman talaga ang concept, maraming lang flaws sa pag-ii-interpret ng ideya na gawing drama sa telebisyon ang all-out Pinoy history sa kasalukuyang panahon.

Kapamilya, watch Dyosa starring Anne Curtis as Josephine Sinukuan, Dyosa Cielo (Goddess of the Heavens), Dyosa Tierra (Goddess of the Earth), Dyosa Agua (Goddess of the Seas); Sam Milby, Zanjoe Marudo, Luis Manzano with Epi Quizon as Bakos, Mickey Ferriols as Mariang Sinukuan, Matthew Mendoza as Bernardo Carpio, Jacklyn Jose as Mariang Magayon, Lloyd Samartino as Amang Suga, Carlos Morales as Tadaklan, Maricar de Mesa as Calliope, Nikki Bacolod as Diana, Vice Ganda as Salaminsim, Rubi- Rubi as Huling, Jojit Lorenzo as Miong, Paul Salas as Young Kulas, Sophia Baar as Young Josephine Sinukuan, Joseph Andrei Garcia as Binoy. From Mondays to Friday after The Singing Bee sa ABS-CBN. :)

Teka, teka. Bakit nga ba si Anne Curtis ang napiling "Dyosa"? Yes, because she exemplifies the true beauty of a heavenly entity - from her angelic face to her scrumptious body - whom all the Adonis around the sky will likely be trapped in her grace and loveliness. Yun na!

Now, watch Anne Curtis in the trailer for dyosa with another Josephine in it - Josephine "Yeng" Constantino:



Pahabol: Jacklyn Jose as a Diyosa: Mananatiling "CHISMIS" ang pagkaka-blah-blah...

F*ck! :)

Walang komento: