Martes, Hunyo 10, 2008

boso and paparazzi || toyo with kalamansi >> The Preggie Moms

Uso pala ngayon ang buntisan sa mga hollywood stars at isa-isa na nga silang nanganganak sa kanilang mga cute babies. Oo nga palang talaga, buntis pala si Jessica Alba (ng Fantastic 4, The Eye and The Love Guru) at nanganak na nga ito. According to GMANews.TV, idineliver na nga ang isang healthy baby girl nuong Sabado (June 7) nina Alba at ang kanyang asawang si Cash Warren na umanoo'y nakilala niya sa set habang ginagawa ang sci-fi movie na Fantastic 4. Naging maalwan naman daw ang kanyang panganganak sa Cedar's-Sinai Medical Centre sa Los Angeles, California. Given a name Honor Marie Warren, naging very relaxed naman ang expectant mother sa pagdating ng kanilang baby girl. maliban duon, wala ng inilabas na other information sa panganganak na ito ni Alba. Ang new parents ay secretly nagpakasal sa Beverly CourtHouse nung May 19. Mula pa noon, bukas na sa publiko ang pagiging engaged nila last year of December.

Isa pa sa mga celebrity na nanganak ay si Tori Spelling sa kanyang 1st daughter at second baby na may name na Stella Doreen. Una kong nakita sila ng kanyang aswang si Dean McDermott sa reality TV series ng dalawa na Tori and Dean Inn Love at tuwang-tuwa ako sa pagiging pilya ni Tori lalo na kapag nagpe-play siya ng joke sa asawa niya. Oo nga pala, nanganak si Tori sa kung saan din nanganak si Alba (sa CSMC) last June 9, via a Caesarean section ng mga 3:13 ng hapon. The girl weighs 6 pounds, 8 ounces and measuring 19 and 3/4 inches long. Si baby Stella ay may 2 brothers na namely Liam Aaron, 15 months ngayon at si Jack na isang 9 year old na naging anak niya sa 1st husband niyang si Charlie Shanian kung saan ay di naging maganda ang kahihinatnan ng relasyon nila and they separated in December 2005 and were legally divorced on April 20 of 2006.

Isa pang manganganak din ay ang very sexy and beautiful na si Angelina Jolie sa kanyang unang baby na nakakagulat at twin pala sa boyfriend na si Brad Pitt after ng ilang adoption sa iba't-ibang baby sa mundo. Kinonfirm naman ito ng co-star ni Jolie na si Black Jack sa animation film na Kung Fu Panda during the promotion of the film sa Cannes Film Festival.

So, that's it! Hope maging healthy at laging masaay ang mga couples sa mga babies at magiging babies nila. Sabi nga ni God, "Humayo kayo at magpakarami!" :)

At dahil dyan isa pa daw ang mangnganak na din. Very bizarre ang naging sitwasyon nitong Filipino-American na ito. Ladies and gentelemen, meet Thomas Beatie.


Walang komento: