Lunes, Hunyo 9, 2008

flick-o'-filmie || wasabi >> "The Love Guru"


Medyo Asian ata ang mga film ngayon ah! Halimbawa, ang Kung Fu Panda, set in the Ancient China with Jack Black as Po; ang You Don't Mess with the Zohan, na isang Israeli na napunta sa Amerika upang maging barbero starred by Adam Sandler; at ang siguro'y magandang The Love Guru, na isang Indian na magaling sa love problem-solving.

Una kong nakita ang The Love Guru sa finale episode ng American Idol: Season 7 kung saan isang medyo magulong artista ang nagsasalita ng hindi maintindihan, since yun daw ay isang Indian language. Nakasakay ang lalaki sa isang roving carpet na sinakyan din ni Ryan Seacrest, ang host ng singing reality show, at muntik pang mahulog sa stage ng biglang humarurot ito papunta sa edge ng entablado. Buti na lang, biglang tumigil just before tumilapon si Seacrest sa mga nanonood na audience. Ipinakita rin pala dun ang preview ng movie kung saan nanduon si Guru Pitka - ang The Love Guru nga.

Saka naman ako nagulat ng makita ko sa WikiPedia.Org na si Mike Myers ng Austin Powers at Shrek (bagama't boses niya lang naman ang ginamait sa movie-aniamtion na ito) pala ang gumaganap na Guru Pitka. Sa movie pala, kasama dito si world's sexiest Jessica Alba (na buntis ata ngayon) at si Justin Timberlake (na ngayon ko lang nalamang umaarte din pala maliban sa pagsayaw, pagkanta at pag-compose ng awitin).

Plot: Pitka an American raised outside of his country by gurus, returns to the States in order to break into the self-help business. His first challenge: To settle the romantic troubles and subsequent professional skid of a star hockey player whose wife left him for a rival athlete.

Basta, siguradong papanoorin ko pag pinalabas na. Kakatuwa eh, trailer palang. Coming this June, 2008. Learn and laugh with Guru Pitka: The Love Guru.


Walang komento: