Huwebes, Hunyo 26, 2008

catch@cyberspace || mayonnaise >> "www.Friendster.com"

Hay naku... Sana wag na ulit mangyari yung nangyaring paglubog ng barko na yaon na MV Princess of the Stars sa Romblon dahil sa pagragasa ng bagyong Frank sa Pilipinas. Sabi ng kaklase kong may very powerful na ina sa pulitika sa Romblon, sobrang naging mahirap daw talaga yung paghahanap pa sa mga nawawalang tao na natrap, nalunod, naanod o nakasurvive sa malalaking alon at malalakas ng ulan at hangin ng nagdaang bagyo. Bagama't merong nahanap na't nagpapagaling sa ospital o di naman kaya ay nakauwi na sa knilang mga pamilya na tulad nung mga taong sakay ng isang lifeboat (kung saan kasama nila ang ilan sa mga butihin at mabilis ang isip na tumulong na mga seaman kung saan ay agad silang nakapagbuild ng life boat na magsasagip sa mga taong noo'y nawawalan na ng pag-asang mabuhay pa). Kumpleto na sanang makakarating sa pampang ang isang lifeboat na ito na puno ng mga nanginginig at gutom na pasahero pero dahil sa pagiging excited ng isa sa kanila ay nagtanggal agad umano ito ng lifevest habang nakikinita-kinita na nila ang isang isla. But unfortunately, saka naman ang paghampas ng isang malaking alon sa kanilang sinasakyang life vessel. Patay na ang nakita ng mga kasama niya habang bumababa ang malahiganteng alon na humampas sa kanilang bangka or whatever. Lesson learned: Don't be too sure on where you are going or what will be you. Life doesn't have surity.Maging ang lalawigan kung saan ako lumaki ay sobrang sinalanta rin ng bagyong Frank, ang Iloilo. napanood ko sa tv ang hinagpis ng mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa pagkalunod ng iba sa tubig na halos ay lampas tao umano. Makikita naman sa mga ipinapakitang footages ang pagbaba ng tubig mula sa mga kabundukan. Ayon sa mga environmentalist, ang mabilis na pagkakakalbo ng mga bundok dahil sa walang habas na pagpuputol ng mga puno. Alam kong ganun ang nangyayari bata pa man ako. Sa probinsya kasi naming ito, specifically sa aming isla, laganap ang pagpuputol ng mga niyog, mga malalaking puno tulad ng narra at ipil-ipil, pati na rin ang pagsira sa mga bakawan ng pulo. Kaya nga dun ko sa pulo unang nalaman ang salitang "sinsu" na habang pumapasok ako sa hayskul ay nalaman kong "chainsaw" pala yun, isang kagamitang may chain na may umiikot mga blades or something upang madaling maputol ang punong itinutumba. Basta pack to the topic, maliban sa pagkalagas ng maraming buhay, naging grabe naman ang pagkaanod ng mga ari-arian na sobrang mas nagpalala pa ng kondisyon ng mga Ilonggo, maging ang ibang lugar din sa Pilipinas na hinagupit ng bagyong ito.

Haiz, friends, hope na matulungan natin ang ating mga kababayan. Maging sa pinakasimpleng pagdarasal sa mga nangamatay at kanilang naiwan hanggang sa pag-aabot ng mga tulong na pinansyal, pagkain, kasuotan, tahanan at kabuhayan. At dun pumapasok ang pagrereview ko sa site na una kong minahal: ang Friendster.

Bago pa man nauso ang computer at internet sa Pinas, nauso pa muna ang pagsusulat at magtawag upang makagawa ng mga pagkakaibigan kahit man sa malalayong lugar. Pero habang tumatagal, habang ang mga tao ay walang sawang naghahanap ng mga pinakamadaling alternatibo sa ganitong pagkakataon, nabuo ang konsepto ng cellphone at computer. Sa cellphone, na bagama't ang unang naging gamit nito at pagtawag sa mga mallayong kaibigan, naimbento naman ang MSS at SMS kung saan sa napakamurang halaga ay maaaccess mo na anag malalayong kaibigan sa bansa o kahit sa labas ng Pilipinas.

At siguro ang masasabi kong pinakainnovative na naimbento ng tao ay ang pagkakaroon ng computer, laptop at ng internet, isang mundong lahat ng tao ay pantay-pantay at magkakaibigan. At isa ang Friendster sa mga friend-finding sites na parang bagyong humagupit na din sa sa Pinas. Una akong nagregister dito nung naghahanap kami ng aming geometry project na about nga sa geometrical figures. Habang busy ako sa paghahanap, saka naman nakipampam itong si klasmeyt na magregister daw ako sa Friendster dahil marami daw akong makikilalang mga tao at bagong kaibigan. Ako naman, dahil curious sa bagong diskubreng libangan, nagregister ako at agad na nag-add ng mga sariling kaklase upang magfriends naman ako duon. Sa ngayon, nakaka-448 na akong friends at sana maka500 na kaibigan na ako para kunwari very friendly ako. Yun na. Basta after that, naging sunud-sunod na ang pagreregister ko sa mga katulad ng Friendster na sites, tulad ng Myspace, Multiply at dito nga sa Blogger ng Gmail (hindi ko alam kung finding friends talaga ang purpose ko dito).

Yun, basta sana, maging maayos na lahat: sa pulitika, sa environment at weather pati na ang climate, sa buhay ng lahat tao. Let us all be friends! Gob bless to all. Good luck sa friend-finding... :)

Oo nga pala, kapag hindi tayo nagtino maaaring mas matindi pa ang mangyari sa atin tulad nitong apocalytic na movie ni Mark Walberg tungkol sa pagkakamatay ng mga tao habang humhaplos sa kanila ang malamig na hangin - entitled as The Happening, hindi imposible itong mangyari sa atin. Alagaan natin ang mundo tulad ng pag-aalaga natin sa ating buhay at pamilya. :)

Walang komento: