Miyerkules, Hulyo 30, 2008

Defense Mechanism >> Regression

Habang nanonood ng Love Guru ni Mike Myers, nakahanap naman ako ng taym para magbasa ng kung ano mang dapat mabasa sa internet at makapagsulat na blog na ito. Haiz, handa na nga siguro akong panindigan ang blog na ito dahil kung magsisimula na naman ako ng bagong blog na tutulo na naman ang ilong ko sa pag-iisip ng kung ano ang isusulat ko doon sa multiply account ko. Haiz... Neweiz, natapos na nga ang aking pagduduty sa isang mental institution (as what I have said sa nakaraang blog entry ko) at sobrang nag-enjoy ang mga pasyente, the same way kung paano kami ako nag-enjoy sa inihanda naming socialization presentation. Makaraaang magluksa (na ayon sa psychiatric nursing ay may 5 steps - denial, anger, bargaining, depression at huli, ang acceptance. Nakarating naman ako sa accpetance) ako sa aking pagkakapili bilang isa sa mga naging Master of Ceremony, na-stressed naman ako dahil sa on-the-spot na pagpaplano ng kung paano ang magiging takbo ng programa ay nasa balikat ko pa rin nakaatang. Eh, ang kaso, hindi lang grupo namin ang kasama dapat sa preparasyong ito: kasama namin ang ibang school na hindi ko maintindihan kung bakit pa sila isinali sa nasabing programa. (Pasensya, I can't think correctly. Ang gulo ng pinagsusulat ko eh!)

At the time of the program proper, hindi alam ng ibang grupo kung paano ang gagawin nila. Pero yung iba naman, sobrang kagagaling makisama at magperform kaya mas maging mas makulay ang aming pagtatanghal. Nagkagulo pa dahil ang clinical instructors ng ibang school ay papalit-palit ng isip sa kung sino na ang susunod na magiging performers sa nasabing sociaalization day. Andami nilang mga arte, andami nilang pinagpapapalit, pero ok rin naman, mas naging exciting ang programa. Naging mas masaya dahil sa pagkakagulo ng mga grupo. Fuck! Pasensya ulit, I can't really use my head today sa pagsusulat rito.

-----
The next day: nasira ang computer namin.

Walang komento: