Linggo, Hulyo 13, 2008

see-on-teevee || gravee >> ABS-CBN's drama telenovela "Iisa Pa Lamang" versus GMA7's action-packed series "Codename: Asero" fires up your TV screens

Haiz, nakakatakot pala yung naging kinahinatnan nung community immersion nung naikwento ng CI ko. Ayoko ng sabihin kasi sobrang pangit talaga yung naging result. Di successful ang ginawa nilang community organizing at imbes ay nasira nila ang pagkakamabutihan ng magkakabaranggay. Hope na hindi maging ganun ang susunod pa naming immersion which implementation na talaga kung saan masusubok ang aming kakayahang maisulong ang isang programang naaayon sa problema ng komunidad. Eneweiz, yun na nga, sana wag nalang maulit yaon sa skul natin o di naman sa buong nursing community.

Yun nga, sa pagtatapos ng Linggo, dalawang sinusubaybayang (?) series ng Kapamilya at Kapuso networks ang nagtapos: ang Joaquin Bordado na dati'y tuwang-tuwa ako sa paggaya habang suot suot ang smock gown ng aking scrub suit sa operating room, at ang Lobo na lahat di ko alam kung ano ang naging ending kasi iba ang pinapanood ko (nagpaliwanag?!). Nakakatuwang kahit nagiging mas kaunti ng tao na sa mundo ng pelikula't telebisyon ang nagproproduce ng mga ganitong palabas, sa sine man o sa telebisyon, naglalakas-loob pa din silang gumawa ng ganitong mga kaaya-aya at natatanging palabas.

Ilan munang mahahalagang trivia sa Lobo at Joaquin Bordado. Ang lobo daw na ginamit para irepresent si Angel Locsin (after ng paglipat niya ng bakuran ay nabigyan agad siya ng project sa ABS-CBN bagama't sa paglipat niyang ito'y parang lumamlam ang kinang ng kanyang bituin at napalitan na siya ng Marimar star na si Marian Rivera bilang isa sa mga youngest product endorcer kung paramihan lamang ng endorsements ang pag-uusapan) ay nagkakahalaga umano ng P200,000. Ang white wolf na ito ay binili pa mula sa France at dinala sa Pilipinas upang maging alter-ego ng noo'y fashion designer na si Lyka. Maraming inofferan ng nasabing project upang ganapan ang titulong Lyka (tulad nina Kristine Hermosa at Anne Curtis but beacuse of some recent "Yes"es to some projects ay naghanap ang production ng bagong leading lady ni Noah na sana'y isasabuhay naman sana nina John Lloyd Cruz at Robin Padilla, which brings us to Joaquin Bordado topbilled by the latter.

Isang live na pagtitipon-tipon ng cast ang ginawa ng GMA7 para sa pagtatapos ng Joaquin Bordado noong nakaraang Biyernes. Ilan sa mga dumalo ang bosses ng network, mga tauhang nagsiganap upang bigyang kulay pa lalao ang lovestory at action sa buhay nina Joaquin at Sofia (Iza Calzado) at ang "alamat" (na ilang ulit na binabanggit ni Binoe sa buong live na pagtatanghal ng Bordado) na si Carlo J. Caparas. Naging maaugong ang Bordado dahil sa tagal ng paglalagay ng mga nakaburdang tattoo sa katawan nito na binubuo ng isang warrior (played by Binoe's daughter Kylie), daga, ahas, kris, agila, cherub, jaguar at isang dragon; pati na din ang mga pasa at sugat na napala ni Binoe sa taping ng mga stunts nito. Kilala kasi si Robin Padilla, tagged as Bad Boy of the Philippine Movies, na di nagpapa-double. Meaning, kapag siya ang nakatoka na upang umarte, literal na siya talaga ang aarte. Kahit mahihirap o matitindi pa yang stunts, siya ang pilit na susuong sa panganib upang mas maging makatotohanan ang eksena sa nasabing telefantasya. Oo nga pala, marami na ding nagawang mga obra ni Caparas ang naisatelebisyon na ng GMA7 para sa pagtatangahal nito. Puwede na nga siyang maconsider "Resident Telefantasya Creator" ng Kapuso network eh dahil sa halos lahat ng kanyang masterpieces ay ibig na gawan ng series ng nasabing network. Ilan sa mga ito ang Bakekang, Tasya Fantasya, Kamandag at ang susunod na pagsasama nina Binoe at "Alamat" - ang Totoy Bato. Oo nga pala, meron palang ginawa ang ABS-CBN ng Carlo J. Caparas movie franchise na naisatelebisyon na. Yun Panday dati na ginanapan ni Fernando Poe Jr. at noo'y pinagunahan ni Jericho Rosales. Hindi naman maipagkakailang "flop" ang nasabing tele-epiko kuno ng Kapamilya network. Kaya siguro ayaw na ni Caparas sa ABS. Un na! :)

Eneweiz, lets leave that series na kasi they've all ended na. Buksan na natin ngayon ang isa na namang chapter sa daigdig ng Pinoy TV, and pagdating na dalawa sa pinakapinagkagastusan at pinagmamalaking bagong palabas ng two giant and warring (?) networks: ang Iisa Pa Lamng at ang Codename: Asero.

Ang Codename: Asero na ata ang pinakapamahal na TV series ngayon sa Philippine shores. Ayon sa Wikipedia.Org, P200 million umano ang nagastos ng production sa nasabiong adventure-romance-action series na ito at ito na nga ang considered biggest at most expensive na show sa 'Pinas. Sinundan ito ng Kamandag na may P150 million production expenses, tapos ng Asian Treasures with P140 million at Rounin na inabot naman ng 100 million pesoses. Ilan sa mga episodes nito ay kinuhanan sa Dubai, kaya medyo lumaki ang naging gastos ng production idto. Idagdag mo pa ang special effects nito lalo na kapag natransform na si Grecko Abesamis, played by Richard Gutierrez, bilang isang cyborg after some Japanese renovation sa kanya. Wahaha! Ampangit ng term: renovation. Let's say nalang na pag-a-UPGRADE nalng. Astig!

Mahal na mahal talaga ng GMA7 si Richard dahil sobrang di nila pinabayaan ang pagpapaganda sa nasabing show. Nagkaisyu kasi dati na parang pinagtutuunan nila ng more pansis ang Marimar nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na dati'y ka-back-to-back ng Kamandag ni Richard din. Pambawi siguro ng GMA dahil napabalitang muntikan ng lumipat ng kabilang bakuran si Richard dahil sa nasabing kontrobersya. At sobrang malaki yata ang pambawi nila dahil di lang sa location, special effects at script lang sila nagbongga ng todo kundi sa powerhouse cast nito. Binubuo ng mga premyadong artista at mga bagong mukha, sure-ball na papatok ang nasabing series. Iilan lamang sa mga tauhan dito ay ang bagong Kapusong si Heart "Puso" evangelista, Richard Gomez, Janno Gibbs, my peyborit Michael V. (sa una niyang teleserye), Carmina Villaroel. Umuusok din sa dami ng mga leading ladies ang napakaswerteng si Gutierrez. Maliban kasi kay Heart, nasa cast din sina Rhian Ramos, Ehra Madrigal, Chynna Ortaleza, Francine Prieto, Bubbles Paraiso at Sheree. Para naman sa akin, kaabang-abang naman ang gaganap na li'l sister ni Grecko na si Peachy played by Ysa Villar. She's so cute! *kilig*

Neweiz, tama na muna tayo sa Kapuso at pag-usapan na natin ang Iisa Pa Lamang na pinangungunahan naman ni Claudine Barretto (double R saka double T pala yung Bareto, tsk!). Di rin naman nagparalo sa casting ang nasabing drama series ng Kapamilya network. Kasama naman sa cast sina Susan Roces, Angelica Panganiban, Diether Ocampo at ang nagbabalik- showbis na si Gabby Concepcion after ng naging isyu nito sa manager na si Lolit Solis at sa isang award-giving body. Bagama't nakaalis na ito noon sa Philippines, sinusundan pa rin ang buhay nito dahil sa anak nito kay Sharon Cuneta na si KC Concepcion na magiging katambal naman ni Codename: Asero sa pelikulang "For The First Time".

Ayoko ng magbasa sa Wiki kasi nakakatamad, para atang taga-ABS ang nagsulat nung synopsis, kumpleto eh! Ang haba tuloy. Siguro magbabase nalang ako sa trailer nito na parang yun na ata ang buong istorya nung palabas. Si Catherine (Claudine) ay isang tagaprobinsiya na maiinlab sa kanyang childhood friends na sina Miguel (Diether) at Raphael (Gabby). Pipili siya ngunit magiging kalunos lunos ang kahihinatnan ng relasyon nila which will be very masakit for Cath. At dahil dun, mag-aasawa siya ng mayaman at magsasagawa ng isang revenge sa lahat ng mga umapi sa kanya, sa lolang si Aura (Susan) at sa buong angkan nila. Yun na. Basta puno ng animosity and vengeance ang nasabing series pero siyempre meron rin romance at love scenes dito na matindi talaga. Kaabang-abang kaya yun?! :)

At yun na, hope maging maayos ang panonood niyo ng dalawang bagong handog ng ABS-CBN at GMA7 sa Pinoy. Pumili na at subaybayan sila sa kanilang pagtawa, pagluha at pag-asang maabot ang kanilang minimithi. Watch their trailers/OSTs after ng "talon" (jump). Amoy-mais! :)

For Codename: Asero's OST -->


For Iisa Pa Lamang's trailer -->


Enjoy! :)

Walang komento: