Lunes, Setyembre 1, 2008

you-outta-know || sukang iloko >> September 1- Mang Pandoy on Coffin, Tiya Dely on Coma, Ely Buendia on Concert and A Lot More who Suffer...

Hindi ata naging maganda ang mga balita na sumalubong sa unang araw ng Setyembre - ang di sana'y unang araw sa countdown natin para sa pagsapit ng Pasko. Minsan lang ako manood ng balita, saka pa ako nakakita ng mga hindi kaaya-ayang mga ganitong pangyayari. Ilan kasi sa mga pinakatangi-tangi nating iconic people ay nasa balita nga kahapon kung saan ay nakakalungkot na paraan lamang naibalita. Ilan lang sa mga ito ay sina Mang Pandoy na namatay sa sakit ng tuberculosis, si Tiya Dely ng radyo na on comatose after ma-stroke at si Ely Buendia na medyo nagkaroon ng problema while kumakanta sa kanilang pagtatanghal, 6 years ng muling nag-concert ang banda niyang defunct na ngayon, ang Eraserheads. Nakakalungkot lang na sabay-sabay silang naging biktima ng pagkakataon, sunud-sunod na nakikipag-patintero kay Kamatayan, sana naman sila ay makarecover, at sa pamilya ni Mang Pandoy, Condolences po.

Unahin na natin ang pagkamatay ni Mang Pandoy, o Felipe Natanio. Naging matunog ang pangalan ni Mang Pandoy ng ipinakilala siya ng dating pangulong si Fidel Ramos sa kanyang SONA o State of the Nation Address bilang pinakasimbolo ng kahirapan noong 90's. Si Mang Pandoy ay isang karpintero/hardinero at pinagkakasya ang P50 sa kayang pamilya na binubuo nilang mag-asawa at walong anak. Nabigyan rin si Mang Pandoy noon ng isang programa sa telebisyon, na agad ring nawala pagkatapos ng ilang buwan, na may pamagat na "Tambayan ni Mang Pandoy" sa TV station ng gobyerno. Pagkatapos na makansela ang programa, bumalik rin kaagad si Mang Pandoy sa dating gawain, malayo sa ngayong kinikitang P50 kada araw para sa pamilya niya. Naging malaking balita kasi noon ang paghahangad ni Mang Pandoy na masuportahan ang pamilya kahit ikamatay niya at ipamalit ang buhay sa P100,000 na exchange. Sinabi niya ito kay Randy David, isang newscaster, na kahit barilin pa siya ng isang adventure-seeking na gun owner, magkaroon lang ng pampakain at pampaaral sa mga anak na nahihirapan rin noon (hanggang ngayon) sa buhay na ipinamulat sa kanila.

Nakalagak ngayon ang kanyang mga labi sa bahay niya sa Quezon City. Masasabi rin sigurong si Mang Pandoy ay naging simbolo rin ng isang pangakong napapako. Nangako kasi si Presidente Fidel Ramos noon na iaahon niya sa hirap ang pobreng mama sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga benepisyo tulad ng trabaho sa Kamara. Ayon naman sa kanyang anak na si Angelina, tumagal lamang ang nasabing 'pangako ng pag-ahon' ng dalawa hanggang tatlong taon. Kasabay nito ang pagtigil sa pag-aaral ng mga anak ni Mang Pandoy na di sana'y isang magandang oportunidad sa mga anak niya na maialis ang pamilya sa putik na kinalalagakan nila. Namatay si Mang Pandoy sa edad na 63 (ayon sa GMANews.TV) or 73 (according naman sa ABS-CBN Online) ng hindi niya pa rin nakikita ang maliwanag na sikat ng pagbabago sa ilalim ng mga nagdaang administrasyon. Pagkatapos ng labing-anim na taon, ganu't ganun pa rin ang mundong ipinanagako ng mga nasa poder ng kapangyarihan - mahirap pa din ang ating bansa. Ganun pa rin ang mga nangyayari sa bayan - pilit pa ding ginagamot ang kanser na patuloy na sumisira sa katawan ng Pilipinas. Ang pagkamatay ni Mang Pandoy sa sakit na tuberkulosis (kilala sa isa sa mga pangmahihirap na sakit, dahil sa ito ay nakakahawa, madaling makita sa mga lugar na siksikan, na siya namang visible sa mga squatters' area) ay halimbawa ng bagsak na pagpapahalaga sa ating health system.

Sa ngayon, ay namomroblema pa din ang mga naiwan ni Mang Pandoy sa pagpapalibing niya at pagkuha ng death certificate dahil umano sa wala pa silang pero para gawin ito. Kaya nananawagan naman ang kanyang anak na sana ay kung may mga taos-pusong pupwedeng tumulong sa kanyang ama, ay kontakin lamang sila, ani Lynn, anak ni Mang Pandoy, mula sa isang panawagan sa DZMM.

Mula po sa akin, bagama't hindi ko naman talaga nasaksihan ang panaghoy ng iyong puso noon, ipinagdarasal kong mabigyan ka ng isang pagkilala - isang pagkilala bilang isang importanteng tao sa kasaysayan ng pulitika at pag-asa. Condolences pong muli sa inyong pamilya.

Dumako naman tayo sa isa sa mga haligi ng Pinoy radyo na naging very dedicated na kahit pa sa pinaka-risky nitong kondisyon ay doon na inatake sa kanyang trabaho. Kahapon nga ay isinugod sa ospital ang veteran radio anchor na si Fidela Magpayo o mas kilala sa panagalang Tiya Dely dahil sa mga opinyon ay payo niyang iyong isasaisip ay magagamit ngang talaga. Ayon sa Inquirer.net, habang nasa programa niyang Serenata Kolektibista sa DZRH(mga 11:30 ng gabi ng noong Sabado), bigla nalang bumagsak ang katawan ni Tiya Dely, kaya dali-daling dinala siya sa Manila Doctor's Hospital. Stroke umano ang nangyari sa 'tagapayo ng masa', ayon sa attending physician nitong si Dr. Remie Sazon. Nasa intensive care unit pa rin ang matanda habanag inoobserbahan ang pagbabago sa kondisyon nito.

Si Tiya Dely ay masasabi na ngang 'hiyas' ng radyo dahil sa edad nitong 88, hindi parin nito binibitawan ang pag-a-anchor sa radyo. Sa 68 years nitong paglilingkod sa masang Pilipino, hinangad nitong buhayin ang wikang Pinoy sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng mga awiting sumsalamin sa ating lengguwahe, dahil nga noo'y mga American songs ang iyong maririnig sa iba't ibang panig ng bansa. Dubbed at the Dorothy Dix of the Philippines, she was considered as counselor pax excellence na nakapag-uwi na ng mga awards tulad ng sa prestihiyosong Gawad Plaridel award mula sa Pamantasan ng Pilipinas (UP). Ito ay dahil sa walang-sawa niyang dedikasyon, integridad at pagiging propesyunal sa kanyang ginagawa sa mundo ng radyo at maging sa telebisyon. Ilan pa sa mga pinakatatangi niyang parangal ay ang: Pama-As Gintong Bai (Centennial Women) award from the National Commission for Culture and the Arts; Gawad Plaridel from the University of the Philippines College of Mass Communications; at ang Lifetime Achievement Awards from the Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas and the Rotary Club of Intramuros.

Sa anim na dekada ng pagresolba at pagpapayo ni Gng. Magpayo sa mga dapat payuan (?!), naging household name na ang personalidad ni Tiya Dely. Maliban nga sa radyo, may sideline rin siya sa bilang isang recording artist (“Una Kong Pag-Ibig” and “Pamaypay ng Maynila” for Villar Records), umarte sa mga stage shows (Manila Grand Opera House) at pelikula (for LVN and Larry Santiago Productions) at lumabas na sa mga TV shows, ngunit ang kanyang role bilang isang on-air counsellor ay ang pinakatatangi niyang trabaho sa lahat at kung saan dun rin sioya sumikat ng todo.

Ngayon nga ay patuloy ang pagdarasal ng mga naghihintay ng mga fans ni Tiya Dely sa agaran niyang paggaling upang muling marinig ng kanyang mga letter-senders and mga payo niya, mapa-pag-ibig man yan, o mga pagsubok ng buhay. Hinahangad ko po ang mabilis na paggaling ni Tiya Dely...

Ngayon naman, pumunta naman tayo kay Ely Buendia, na ngayon nasa Philippine Heart Center after na mailipat mula sa Makati Medical Center dahil sa isang di inaasahang kondisyon kung saan ay bigla nalaang daw bumagsak ang bokalista sa backstage habang nasa concert na muling nagbabalik na Eraserheads. Si Buendia, kasama sina Raimund Marasigan (ng Sandwich at Pedicab), Marcus Adoro (ng MarkusHighway) at Buddy Zabala (ng The Dawn) ay sa wakas nagsama-samang muli para sa one-night only reunion show noong August 30, 2008 sa the Fort Open Field, Taguig City. Bagama't balot ng kontrobersya ang nasabing concert dahil sa ang nag-isponsor umano nito ay isang cigarrette distributor (na ayon sa batas ay nalalabag nito ang ilan sa mga laws natin), dinaluhan naman ito ng mga die-hard fans ng nasabing 90's most successful, critically-acclaimed, and significant bands in the history of OPM.

Habang nasa concert nga ang barkada at patuloy ang nagsusumigaw na mga fans sa pagsabay sa mga kanta ng nasabing banda, it was cut short after Ely nga collapsed due to emotional stress. Nasa kalagitnaan na umano ng planong 30-song setlist ng si Ely reportedly collapsed backstage during a break and was rushed to the Makati Medical Hospital. Buddy had checked on Ely in his tent right after they went to their planned 20 minute break and saw that he already was on an oxygen mask with paramedics checking his blood pressure. As he left and came back, paramedics were already taking Ely on an ambulance. Bandmates Buddy, Raimund and Marcus further said that they had no idea that Ely was already having difficulty performing. He was, however, reported to be in stable condition. Sa ngayon ay patuloy ang pagdagsa ng suporta at panalangin ng mga fans sa ospital. In the spirit of the reunion, Raimund, Buddy and Marcus went to Saguijo after the concert and they continued their sets there. Kris Gorra-Dancel, Ebe Dancel, Aia De Leon and many other OPM artists joined them as well (tinamad ng tagalugin, copy-paste nalang sa WikiPedia).

Wika naman ng MTV Philippines President na si Francis Lumen, “He had a slight attack because of stress due to the recent passing of his mother (Lisette Buendia), and their sound check which lasted till 3 a.m. today (Saturday).” Buendia's mother died of cardiac arrest on August 28 after recovering from surgery to treat her intestinal cancer. Dati pa'y nagkaroon na rin ng kahindik-hindik na pangyayari sa kondisyon ng kalusugan ni Ely noong January 7, ngayong taon dahil sa isang heart attack o ang tinatawag na acute myocardial infarction dahil sa arterial blockage. Naging successful na man ito after ng ilang interventions ng doctor sa Asian Hospital and Medical Center.

Upang mas makilala kung sino ang E-Heads sa mundo ng banda't OPM, try to visit this site: Eraserheads' Discography.

Haiz, nakakalungkot talaga ang mga pangyayaring ito, nawa'y gumaling na silang lahat para masaya na rin tayo...

Mas marami pa nga pala ang nagsusumamo na gumaling sila: makaalis sa hagupit ng giyera sa Mindanao, makaalpas sa mapang-abusong kamay ng mga nakatataas at gumaling sa sakit ng kahirapan at di nabibigyang-pansing pagpupunyagi. Lahat tayo ang mga biktima ng nagbabagong panahon, pero mas maraming tao ang sadlak na nga, mas nababaon pa dahil sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan at pagbaba naman ng sweldo sa kani-kaniyang trabaho. Huwag nating pabayaan ito, magsikap tayong magsikap na magbago - para sa ating sarili, sa ating pamilya, sa'ting kapwa...

Oo nga pala, panoorin nio nalang itong si Ms. Jessica Alba para natuwa naman kayo (?!). Dito niya chinallenge ang mga internet people sa being the Best Group Lip Dub sa ibeatyou.com.

Enjoy!



Updated:

I'm am very sad Tiya Dely already passed away, but I think she's quite happy there (heaven, for sure) that her dreams and aspiration for the country and her native language was achieved.

Thank you for the beautiful 'payo's you've shared for the. We love you, Tiya Dely Magpayo!

Fidela Magpayo-Reyes: October 29, 1920-September 1, 2008.

1 komento:

Admin ayon kay ...

Makikisawsaw lang...

Andami talagang problema ng bayan...

Kaya, adventure na lang tayo!