Biyernes, Agosto 22, 2008

Defense Mechanism >> Acting Out (?!) in the poem, JOSEFA

Tila malamlam na ang kapeng inihahain sa umaga,
Na pawang kinukulang na sa tamis at aroma;
'Pag aking tinikman sa seramikong tasa niya
Ay tila wala ng init at sarap na ipinalalasa.

Bagama't ganoon ay nararapat pa ring ipagpasalamat
Sa biyayang papawi sa tiyang kumakalam;
'Di ko na papansinin na sa kahit lasa nito'y bawas,
Nasa pait ng kape ni Nany ang sa lalamuna'y sasapat.

Tila nauubusan na ng bango ang mga bulaklak sa bahayan,
Gayong di tumitigil ang pagbuhos ng malakas na ulan;
Bubuyog nama'y laging nandyan upang paglingkuran
Ang mga halamang natutuyot na sa ganda'y nawawalan.

Ngunit hindi ako nalulungkot dahil alam kong itinakda
Na ang pag-usbong na muli ng luntiang dahon sa kanya;
Kaya't ibig ko sanang hantayin ang oras niya
Na ako'sy bigyang muli ng mahabang pagpapasensiya.

Tila nauubos na nga ang tubig mong malinaw
Sa banga ng buhay na pumapawi sa aking uhaw.
Kahit ako'y tumutuntong pa sa upuan at sumasalok ng parang langaw,
Pawang di maaabot ang kristal na sana't tinatanglaw.

Pero dahil sa ganitong pangyayari, ako'y natututo
Na maging maalam at magpakaresponsableng lalaking bunso;
Payo ni Nanay, kung paano saluhin ang suliranin ko,
Ako nna ngayon ang reresolba dahil asal at awra niya'y tila nagbago.

Tila ang iyong pagyakap ay hindi na ramdam;
Halik mo ri'y 'di na nararanasan.
Pawi na nga siguro ang mga panahong nagdaan,
Noong ako'y iyong dinuduyan sa langay-langayan.

'Di pa ako tapos sa aking makabuluhang paglalakbay,
Pero bakit tila nanatiling sa paglalakad ay hindi na nakakasabay.
Ngunit sa 'di kalayua'y aking unti-unting muling nasisilayan
Ang liwanag sa kalangitan at sinag na yakaping araw na walang katapusan.

~end~

--> Ginawa ko ito on that spot nung may seat work kami sa subject naming Rizal. Ang siste, gumawa ng isang obra maestra (drowing, liham o tula) na ang pagbabasehan ay ang tula ni Rizal about her mother - Ang Aking Unang Salamisim (My First Inspiration). Nilagay ko siya dito sa aking blog para hindi ipagmalaki pero upang ipahiwatig ang aking nararamdaman, patungkol sa sitwasyon namin ngayon ng aking pinakamamahal na ina. Love your mothers, peeps! :)

Walang komento: