Linggo, Hunyo 22, 2008

boso and paparazzi || toyo with kalamansi >> Britney Spears Breaks Hard Ice!


Kung isa kang taong Hollywood, malamang nacheck mo na ang mga top visited entertainment websites para basahin, panoorin at pulsuhan ang mga latest sa on-screen at off-screen na buhay ng mga artista. At kung iyong mapapansin, halos araw-araw, isang singer at pilit na ipini-feature sa cyberspace. Walang iba kundi ang "Toxic" na si Britney Spears.

Simula palang ata nung highschool ako eh pumapagaspas na ang career ng 26-year old mommy at intriga-magnet na si Spears. Bagama't magaling rin naman si Christina Aguilera na rival niya sa pagkanta, nauungusan naman ni Britney ang singer sa dami ng mga ginawang kakaiba at kalokohan. Nag-aaway pa dati ang dalawa kong kaklaseng bading ang magkalabang singer habang sumasayaw at umaakting na katulad na respective idols nila. Hehe...

At ang latest nga, dumating na si Britney sa airport mula sa Louisiana kung saan naman ay sinamahan niya ang nakababatang kapatid at equally controversial na si Jamie Lynn Spears sa kanyang panganganak niya noong June 19. Naging usap-usapan agad sa iba't ibang panig ng mundo ang pagbubuntis ng nakababatang Spears dahil sa ito'y menor de edad (17 na ngayon ang Zooey 101 starrer na ito). Bagama't nagtataka ang nanay nilang si Mommy Lynne kung bakit nangyari yaon dahil hindi naman daw nalelate ang teenager sa kaniyang curfew, na-accept na rin ng pamilya Spears ang paparating na ikatlong apo at fiancee na si Casey Aldridge. may pangalan na nga pala ang babaeng supling ng mag-boyfriend: Maddie Briann Aldridge, na ipinaganak naman sa Mississippi Southwest Regional Medical Center.

Bagama't maganda ata ang kinakahinatnan ng relasyong Jamie Lynn at Casey, di naman ganito ang naging sitwasyon sa parte ni Britney. Naging napakalaking isyu sa daigdig ng show business ang paghihwalay nila ni Justin Timberlake pagkatapos ng apat na taon. May nasasabing ang kanta ni Justin na Cry Me a River (kung saan ay may isang babaeng nagrereseble daw kay Britney) ay nagpapatunay na sa relasyong Brit-Tin si Spears ang naging hindi faithful sa kanilang dalawa. Bagama't pinabulaanan naman ito ni Timberlake.

Isa ding kontrobersiyang ginawa ni Britney ay ang pagpapakasal sa childhodd sweetheart niyang si Jason Allen Alexander noong Enero 3, 2004 na nagtagal lamang ng 55 na oras na ipina-annull agad dahil daw si Britney ay "lacked understanding of her actions to the extent that she was incapable of agreeing to marriage because before entering into the marriage the Plaintiff and Defendant did not know each others' likes and dislikes, each others' desires to have or not have children, and each other's desires as to State of residency."

Noong gabi ng Setyembre 18, 2004 naman ay kinasal si Britney sa dancer-rapper na si Kevin Federline na naging mas maugong pang pinag-usapan dahil sa pagfa-file ni Spears ng divorce (dahil daw sa "irreconcilable difference" ng dalawa). Ang isyu ay highly-publicized dahil sa naging isyung legal ng dalawa kung sino bang talaga ang may karapatan sa kustodiya ng dalawa nilang anak na sina Sean Preston and Jayden James. March 2007, the couple reached an agreement at July ay napagdesisyunan ng idivorce ang dalawa noong Hulyo. Oktubre naman ng 2007 nawalan na ng physical custody si Britney sa mga anak dahil sa pagsasabi ng korteng si Federline na ang may buong kustodiya.

Yun na, kada araw, iba't ibang kontrobersiya ang kinkaharap ni Spears ngunit nanatili itong matatag bagama't naging sandigan niya ang pag-inom (ng alak) at paggamit ng unknown substance, hindi naman siya nagsabing "sirit" na sa challenges ng kanyang buhay. Masasabi nga nating hindi naging maganda ang buhay ni Britney pero naging learning lesson naman ito sa maraming artista o kahit simpleng mamamayan ng mundo: Learn with your mistakes and never do it all over again. If you are a girl, never try to shave your hair off hour head or else you'll get paparazzis around you and put into a rehab. Word of wisdom? Neweiz, that's it!

Buti pa ang Jonas Brothers (Kevin, Joe and Nick Jonas), bumubulusok ang career dahil sa pagiging down-to-earth at smart kids. After ng successful na movie nilang Camp Rock by Disney with the new-comer Demi Lovato, eto naman at patok na din sa mga music charts ang bago nilang single na Burning Up kung saan ilang famous American icons ang ginawa nilang parody at ginawang mas nakakatuwa. Watch the video and enjoy!


Walang komento: