Miyerkules, Hunyo 25, 2008

how-to-do guard || mustard >> "How to Become an Internet Celebrity"

Kakarating ko lang mula sa Silang, Cavite para sa aming community immersion. Bagama't tagaktak ang pawis ko dahil sa sobrang layo ng nilakad ko since sobrang di ko alam kung paano ako uuwi sa amin dahil ang bus na sinakyan namin eh di pala dadaan dun. Pero habang pinupunasan ko ang pagtulo ng mala-mangang pawis ko, alam ko namang ito talaga ang tunay na essence ng pagiging isang health care team member - ang sakripisyo. Bagong-bago pa naman ang sapatos ko na binili ko ng apat-na-raang piso sa Quiapo pero agad itong nabalutan ng kakaibang amoy at putik dahil sa nilakad naming parang kabilang kami sa mga pinahirapan sa Death March. Ikaw ba naman ang mag-spotmapping ng isang buong purok na sobrang magkakalayo ang mga bahay at lipat ka ng lipat since sobrang di ko maintindihan na ang mga pinagdo-drawing ko na mga grade-school-like masterpieces sa aking hawak na Manila paper. Haiz, sana maging internet celebrity nalang ako para hindi na ako mahirapang maglakad-lakad pa dahil kapag kumita ang mukha ko sa cyberspace, eh di puwede na akong bumili ng chopper, puwede na akong magdrawing nalang sa taas habang lumilipad ang sarili kong chopper. Talaga naman! Ang sarap mangarap...

Para naman magka-idea kayo bakit ang mga katulad nina Colby Caillat, Marie Digsby at Boyce Avenue ay nakapasok na sa mundo paggawa ng album, sundin ang mga steps na ito upang makarelate at makagawa kayo ng ingay sa mundo ng intenet.

Una, maging maalam sa internet, computer at pagbibigay ng halaga sa mukha at pagsasalita kasi kapag dumating ang araw na ang mundo ng TV at computer, handa ka ng makisabay sa daloy ng alon. What?! Betamax?! Neweiz, magbasa, makinig, magsulat, makiramdam sa kung ano ang latest at nicest strategies to use para maibenta ang sarili (?!) sa internet at sumikat.

Second, kung nakagawa ka man ng bagong website para sa sarili mo, maging maalam sa buhay sa blogosphere, mga basics dito at kung ano na ang mga innovations sa mundong ito. Yan na naman ang sakit ko, umuuulit na naman ako, Haiz... I-publicize ang iyong site sa iba't ibang praan: mapaIM man yan, URLs o di naman kaya'y through net addresses. Isipin mong ang bahay na ito ay tahanan mo. Maging very happy to answer sa lahat ng mga tanong ng mga tagacomment at bisita mo. Pero sabi nga, wag masyadong magkapakabusy dito. Mapapabayaan mo na nyan ang totoo mong buhay kapag nagkataon.

Tres, gumawa ng isang website na matindi, kakaiba at may sense (bagama't ang blog na ito ay isang ehemplo ng tunay ng non-sense writing) para makalikom ng maraming internet users and have a fanbase na parang totoong pang-celebrity. Pasensya na sa pinagsusulat ko, nanonood kasi ako ng Pinoy Dream Academy kasi hindi ko siya napanood kasi GMA-7 pinapanood ng foster family ko. Dagdag pa, dapat i-update natin ang sarili nating site na tulad ng pag-a-update natin sa buhay ng mga paboritong celebrities natin.

Lastly, siyempre maging unique sa pamamagitan ng pagdi-disenyo ng website ng mga videos at audio. May mga libreng sites kung saan makikita mo ang mga kakatwang dami ng libreng files ng videos at music. Isipin mong parang sarili mo ang pinapaganda mo kung saan gusto mo namang kaaya-aya sa iba ang sarili mo. Parang ganun lang yun. :)

Ayun nga, bago ako nagsususulat ng mga non-sense na bagay dito, pinanood ko ang mga popular musicians ng Youtube. Kakatwa, tulad ng video na ito ni sikat na Irish-Japanese singer ang songwriter na si Marie Digby na as of ngayon (June 25,2008) ay may 79, 020 subscribers (kasama ako dun) at with profile views na 2, 223, 726. Eto naman ang current statistics niya for the mosts ng Youtube.

Enjoy her first single entitled Say It Again:




You did enjoyed, right?! :)

Walang komento: