Linggo, Agosto 17, 2008

catch@cyberspace || mayonnaise >> TV5.com: Shake Mo, TV Mo! Singko Will Start Its Battle With Dos and Siyete


Nung Agosto 8 nga ay tuluyan ng nagpaalam ang TV station na naghatid sa atin ng mga dekalidada at di malilimutang programa sa Philippine TV - ang ABC5 o Associated Broadcasting Company. Ilan lamang sa mga kinatuwaan nating mga palabas ng Singko ay ang Wow Mali! ni Joey de Leon kung saan unang nakita ang pagmumuklha ng komedyanong si Mike "Pekto" Nacua, The Misadventures of Ariel and Maverick ng mga sosyalistang duo na sinundan pa ng dalawa pang TV shows: ang Totoo TV at The Problematic Show kasama ang nanay ni Maverick na si Mommie Elvie, Tropang Trumpo nina Ogie Alcasid, Carmina Villaroel, Gelli de Belen and the premiere comedy actor Michael "Bitoy" V. Ilan lamang yan sa mga sitcom ng ABC5 na mananatili sa ating kukote hanggang sa tayo ay tumanda dahil sa katatawanan at kabulastugang hatid nila sa bawat Pilipino sa loob o labas man ng mundo. Pero bagama't nakakalungkot ang pag-alis ng isang mabuting "kaibigan" isang bago at palaban na ngayon Singko ang makikipagkumpitensiya sa dalawang higanteng network ng bansa: ang ABS-CBN2 at GMA-7. Give it up for TV5!


With the new slogan Shake mo, TV mo!, TV5 ties up with the Malaysian local company to give a well-rounded and state-of-the-art shows to the Filipino worldwide. With the Mabuhay Channel, TV5 still lead by its CEO Tony Boy Cojuangco, will have its turn to showcase it hidden desire to compete with Channel 2 and 7 with its new format of shows, new line of celebrities and new type of news anchoring. Nakakagulat ring malamang 24 hours na ang programming ng nasabing istasyon na tila ba nanghahamon talaga sa mga networks ngayon. Switching on its 120-killowatt transmitter and a big welcome party by the big stars of the network, TV5 was formally launched on August 9, 2008. Kasama ang mga bagong ka-Shake (?!) na sina Ryan Agoncillo at Alex Gonzaga, isang pagtatanghal ng mga pinakatatangi nilang mga bagong programa ang nasaksihan ng buong bansa.

Sinumulan ng pagdating ni Ryan via a motorbike, winelkam niya ang napakaraming taong dumalo sa pagtitipon at pinakilala niya na nga ang kanyang co-host nung gabing yaon na si Alex. Kasabay ang isang masigabong palakpakan, sunud-sunod ng iprinesenta sa mga manonood ang bagong aabangan ng mga viewers sa TV5.

Una na nga rito ang bagong talents show na may pagka-ala-America's Got Talent (pero ayon sa kanila, hindi naman talaga kaparehas nun), ang Talentadong Pinoy which features the innate skills and undeniably great talents of Pinoy maging sa sayawan man yan, kantahan, pagpapatawa o di naman kaya ay sa paggulat sa mga judges; hindi ko pa talaga alam kung judges talaga yun pero naroon si Eula Valdez sa ipinakitang plugging ng programa. Nandyan rin ang dating game na MysMatch, hosted by Iya Villania and Archie Alemania, kung saan ay pagtatagpuin ang mga magkakamatch sa pag-ibig. Yung mga parts ng program eh may pagkabastos nga lang dahil nung isang araw, napanood ko ang segment nilang Quickie at Check Out!. Ambastos kaya nun... :)


Maliban sa talent show ni Ryan, meron pa ding ibang reality shows na kasama sa pagbubukas ng TV5: ang Philippines' Scariest Challenge na hinohost naman ni Jomari Yllana na inaabangan ko talaga kasi parang tunay naman yung sinasabi nilang habang tineteyp ang nasabing horror series ay pinaramdaman at pinakitaan ang mga unang challengers na sina Alessandra de Rossi, Arianna (ang model na may programa rin na tinatawag na OgagS with Eat Bulaga's singing samba dancer Daiana, kung saan very destructing yung pinaggagawa nila dahil parang formatted ito para magbigay ng sakit sa katawan sa mga "neophytes" nito tulad ng pagsasabong sa tandang na manok kung saan may makaputong na mga balahibong mala-tandang sa ulo nila at pilit iyong isinusuwag sa nagngangalit na rooster at isa pa, meron dun yung pinatungan nila ng lata ng mantika ang ulo nung isa at parang tambol na pinaghahampas ang ulo nito habang nasa loob ng kawawang lata ~ lata yung kawawa?!), at Ara Mina. Isa pang reality show ay ang My MVP (Most Valuable Pinoy) na kinatatampukan ng mga basketball men na sina Jason Webb at Coach Norman Black kasama ang makulit na si Bayani Agbayani ay hinanatid nila ang mga batang hindi kayang pumasok sa mga prestihiyosong paaralan upang makapaglaro sa collegiate basketball competitions. Siguro kaya nila naisipan ang paggawa ng ganitong reality-based basketball player search ay dahil ipromote na rin ang Philippine Basketball Association (na natiling Singko pa din ipinapalabas) games na pawang naiiwan na sa uso. Isa din nag-stay sa Singko ang dance showdown program na Shall We Dance still hosted by the Dancefloor Diva, Ms. Lucy Torres-Gomez pero minus Arnell Ignacio and Dominic Ochoa but plus din with its new co-hosts Victor Basa and Jon Avila. With the new tagline Shall We Dance: Search For The Dance Superstar, hindi na talaga pang-kung sino lang ang mga contestants kasi kinabibilangang ito ng mga magagaling na talagang humataw. Sila sina ASAP's DanceCool 'Teachers' Mickey Perz and Gab Valenciano, Samba Housemate Saicy Aguila, Sexy Mommy Sheree, Streetboys' Danilo Barrios, Teen Hearttrob Aldred Gatchalian, the Pounding and Grinding Sexbombs Johlan, Cheche and Jopay. Hindi ba, powerhouse house cast nga talaga!

Kasama ang OgagS (previously discussed), andyan din ang bagong henerasyon ng mga manggu-gudtaym ng LokoMoKo na patterned like that of Wow Mali! with Alex Gonzaga, new stars Randolf and Kim, at ang Shock Attack nina Rocksteddy Vocalist Teddy Corpuz and VJ Patty Laurel na parang yung mga katulad naman ng Max Exposed or World's Amazing Videos - sila ang magbibigay saya sa boring mong gabi, kaya kapit na for a new taste of feel-good entertainment!

Aabangan mo rin malamng ang drama series na Lip Gloss (with Star Magics' talents and etc.), Hush Hush (which is about the stars' life of glamour and crisis), the tear-jerker Lovebook Presents with Valerie Concepcion at Rakista (kasama ang Kollide at si Carlo Aquino and Denise Laurel na about love and music drama). Aabangan din ang kinatatampukan ni Paolo Contis na Midnight DJ na about sa isang DJ na dinadalaw ng mga multo sa booth niya habang on-air at tumutugtog ang midnight music. Creepy nga yung trailer nun! Kakatakot! :?

Andyan rin pala ang entertainment talkshow ni Alex Gonzaga na Juicy at ang iba't ibang news and public affairs na TEN (The Evening News) at Pulis Pulis! ni Martin Andanar about the dillema and everyday escapades of our security men.

Ang pinakaaantay ko din sa mga ito ang Batang X: The Next Generation na ididirehe nina Peque Gallaga at Lore Reyes na unang naipalabas isang dekada na ang nakakalipas. Nakakamiss kaya yun, lalo na sina G-Boy, Kidlat (John Pratts dati), A-Gel, 3-na (Anna Larucea dati) at yung kamukha ni Janus del Prado na si Kontrol ngayon. The next gen na rin ang mga kiddie host natin na sa Toogs about child fun and info show with BJ 'Tolits' Forbes kasama yung kambal na girls na nakalimutan ko na yung name basta galing yung sa Surf kasi sila yung anak ni Lumen at cast din sila dati ng now defunct na Bubble Gang Junior na ipinamtapat sa Goin' Bulilit.

Nandyan rin ang mga canned shows mula sa iba't ibang panig na mundo tulad ng mga dramas, sitcoms, mangas, cartoons at animes. Kaya saan ka na?! Sa Kapuso ka na! Este sa Ka-Shake ka na!

Kwento ko lang, habang sanay naghahanap ng trailer na simultaneously seen in ABS-CBN, Studio23 at CinemaOne ng inaabangang For The First Time ng tambalang Richard Gutierrrez at KC Concepcion, eto ang nakita ko...



Eto pala yung totoo. Enjoy!


Walang komento: