Miyerkules, Agosto 20, 2008

webvidchoob || catsup >> 'Chuck' and My Morning Dillema


Martes. Umaga palang andami ko ng kailangan gawin at tapusin. Oo nga't nagawa ko na ang ilan sa mga ito kagabi pero ikaw ba naman ang halos i-summarize ang isang book (actually para lang siyang pamphlet), hindi ba naman matutuyo ang utak mo? First part pa nga lang ng review about Renato Constantino's Veneration without Understanding, tinatamad na ako, eh ang mga huling part pa kaya?! Kaya after magsurf pa sa net ng halos ala-una na ng gabi ng 1/8 palang ng dapat na i-aacomplish ko ang nagagawa ko, ipinagpaliban ko nalang ang pagtapos ang nagdesisyong kinabukasan, or actually mamayang umaga nalang gawin ang rest of the report.
After ng tatlong oras na tulog, walang kagana-gana kong sinipat ang copy ko ng nasabing artikulo at wlang mumug-mumog, walang hila-hilamos kong idinantay ang nananakit ko pang puwitan sa matigas na upuan at nag-umpisa ng magtype. Walang lumalabas sa utak ko, ang pokus ko ay sa internet connection icon sa ibabang bahagi ng monitor ng aking computer. Ni hindi ko na maalala kung ano ang mga pinagbabasa ko sa halos makatatlong oras na pag-intindi sa nasabing artikulo. Ingles kasi. At para sa akin, isa ito sa mahihirap na lengguwahe, as it requires the accurate grammar and vivid comprehension beneath its complex nature and peculiar forms. Wooh! Eh actually naman kasi, ang alam ko lang na lengguwahe ay Tagalog, English at konting Ilonggo. At sa akin, pagmadali ang isa, mahirap na ang kasunod kong description. At unfortunately, Tagalog at ang konting Ilonggo ang madali sa akin. Yeah, i sound nonsense, again.

Eneweiz, wala talaga sa hinagap kong matatapos ko ang nasabing requirement sa subject namin Rizal. Kaya nga ikinagulat kong nasa footnotes na ako at naglalagay nalang ng mga pages para sa nasabing review. Mas ikinagulat ko na sa pagtingin ko ng mga pahina, Page 1 of 9. Miraglo! Di ko napansin na habang binabasa kong muli ang artikulo ay bumalik ang diwa ko at succesfully kong nalagyan ng huling tuldok ang aking ginawa. Tapos na nga ang kalbaryo ko. Ang kailangan ko na lang ngayon ay ang pagpapaprint ng ginawa ko; saka ko napansin, mag-aalas-otso na, eh alas nuwebe ang pasok ko at isang oras ang biyahe ko papuntang school. Kaya, sa biglang pitik, napahulagpos akong bigla at dali-daling tinungo ang kasilyas/banyo para maligo. Hindi ko naikwekwento kung paano ko nagawang apat na minuto lang ang karaniwan kong paliligo na inaabot ng 45 minutes. Sabi nga sa kanta nina Justin Timberlake at Madonna, 'you only got 4 minutes to save the world...', dahil kung hindi nga naman, anag lahat ng pinagpuyatan ko will just go to waste.

Sa pagmamadali kong masuot ang pantalon ko pamasok, parang natumba't napaupo akong bigla sa kama, not knowing na hindi ko pa fit na nailalagay ang aking pants. Sa kadahilanang yaon, napunit ang puwitan all unto the harapan, at isang malakas na mura ang pumaimbulong (what a word?!) sa aming kabahayan: SSSHHH***TTT!!! At siyempre, nagulantang ang mga taong natutulog pa ng mga sandaling yun sa aming tahanan. Grr! Pasensya na! Hindi ko siyempre ibinalita sa kanila na ang dahilan ng malutong na english word na yun ay dah il sa pagkakatastas ng aking pantalon dahil kapag nalaman yun ng mga magulang ko, lulutong din ang mga sermon sa pagmumukha ko.

And speaking of pagmumukha, after kong magpalit ng bago at ayos na pants (may kwento pa ako about dito, later nalang...), naggayak na ako sa salamin at isang kagulat-gulat na pangyayari ang nasaksihan ko -- isang mala-bosyong kalaki na taghiyawat ang nakita ko sa itaas na bahagi ng noo ko. Malaki talaga, at ang kapansin-pansin sa lahat, ang mamula-mulang paligid nito with a yellowish hue at the center. Paksyit! At isa pa, malapit nalang sa hair line ko, hindi pa umurong! At ang resulta, isang parang third eye na kayang makakita ng mga premonition ng panlalait at panlilibak...

Ayun, bale sa buong maghapon, habang nasa school, pilit kong itinatago ang maliit na zit sa pilit na sumisilip upang manira ng araw ng ilang mga dumadaan. Amff, talaga!!!

Oo nga pala yung pants na sinasabi ko kanina, yung bold letters, yung kwento ko dun kasi is ganito. Nagpapasukat kami dati ng damit, I think its the clinical uniform, since malapit na kasi kaming mag-ka-candle-lighting ceremony nun at pawang ayaw pang i-accomodate ng nasabing mananahi ang mga estudyanteng pilit nagsusumiksik sa mainit nilang pwesto para lang mabigyan sila ng atensyon at makapagpatahi na ng damit. Ang aga nilang maningil ng bayad! Di ka pa nga nasasaling man lang ng tape measure, down na agad! Kaya nga nakakaasar na ang lahat ng mga tao roon at isinusumpa na ng bawat nursing student na sana umulan nalang mga mananahi, matusok man sila ng mga karayom at aspile (sobrang pang-schizophrenia yung mga metaphor!), masukatan lamang. That day, nauubos naman ang pila ng mga estudyante na tila yata nagsipuntahan na sa kanya-kanyang mga duty.

Antay kami ng antay sa kung kelan ang bigayan ng natahing damit. Dumaan ang dalawang linggo... Tatlo... Isang buwan... Isa't kalahati... Wala pa din. Nananadya yata ang mga tailors at di na nila kami inaaalala. Dumating ang gabi bago ang araw ng candle-lighting /capping ceremony , tinawag lahat ng mga estudyante, handa na daw ang mga kasuotan. Siyem pre, nag-amok ang mga tao... Nagalit... Umuusok ang ilong... Namumula ang bumbunan... Buti kung may dryer daw sila sa dorm, matutuyo pa yan. Or kung wala, magtitiis pa sila sa amoy-paktoryang mga puting baro. Naghysteria ang mga estudyante. Buti, na-manage ng maayos ang crowd sa pamamagitan ng ilang paliwanagan... Mahaba, kung itatanong mo. At eto ang catch diyan. Habang kinukuha ko na ang damit kong pinatahi sa kanila, napansin ko ang isang babae na namimigay ng mga uniform. Hindi dahil sa kaaya-aya siyang tingnan or what, pero dahil sa suot niyang damit: nursing student, senior. Siyempre, isang sawsawero nga, nagtanong-tanong ako, "Dito po kayo nag-aaral?" Sabi niya, "Oo, pero graduate na ako, kukuha nalang ng board exam." "Ahh", nasambit ko nalang. Sabay bumanat siya, bale boy, isang polo lang muna at isang pant lang ang ibibigay namin." Hindi ako nagalit dahil installment ang mga damit, at instead, natawa ako ng napakalakas. Sabay tingin sa paligid. At yumuko. Bakit ikamo?! Kasi, ISANG PANT lang daw?! Haha! Ibig bang sabihin ng taylor's daughter na ito-slash-nursing graduate, na kaliwa OR kanan lang ang ibibigay niya sa akin?! Haha! Wala namang word na PANT, pauso siya. :)

Haha! Di ko talaga inaasahan yun sa isang college graduate. Alam kong mali ang tumawa, pero dahil sa init, inis at pagtataka, itinawa ko nalang. Buti nalang, the one assisting her didn't laugh with us (we are plural), kasi baka wala ng lumapit at umagapay sa kanya. Pero nagpasensya pa din ako/kami, pero asar pa din kai eh, kaya natatawa pa din ako hanggang ngayon...

Neweiz, I'm rude nga siguro talaga. Tsk. Di tulad nitong si Charles Irving Bartowski ng Chuck, na di gaanong ganito dahil siya itong napa-PANT sa iba. Matagal ko ng nababalitaan kung gaano kaganda ang TV series na ito pero dahil walang time at pinagtutuunan ko ng pansin ang panonood ng House, M.D., di ko siya pansin. And after rying to watch the pilot episode of Chuck, nagalak ako kasi sobrang unbelievable yet amazing talaga ang nangyari sa kanya. Via a computer, nailipat sa kanya ang tinaguriang 'world's greatest spy secrets'. Through a series of 'holy images' from an old friend back in college, he was able to embed the information the CIA and NSA wants fro m him. At dahil napakadelikado nun oara kay Chuck, two of the best agents from the sector of the government's security department was there to watch him: Major John Casey who becomes one of the employees in the same electronics shoppe where Chuck works , and Sarah Walker, who posed as his girlfriend. Ang gusto ko ngayong malaman is kung magkakadebelopan sina Sarah at ang ating bida. Hmmn...

Chuck will be on its second season which will premiere September 29 in NBC, the same TV network that brought us the addictive Heroes. Yung 3rd season naman nun will have its first episode on the 22nd, still of September. Can't wait this!

Now watch this promo video of Mr. Zachary Levi as Chuck in his highly-anticipated comeback in the primetime block! Enjoy!

Walang komento: