Martes, Hunyo 3, 2008

flick-o'-filmie || wasabi >> "The Echo" (remake of Pinoy movie SIGAW)

Nakakatuwang marami sa mga artista at singer natin dito sa bansa ang nakakapenetrate na sa international scene at nakikilala na ang talento ng Pinoy. Nauna na nga rito ang mga veteran singers na sina Lani Misalucha at Martin Nievera at ang aktor na si Cesar Montano na nasa Singing Bee at kumakanta. Ngunit hindi ba nagulat tayong lahat sa pag-usbong ng carreer nitong si Cahrice Pempengco, isang 16 year-old Batangenya na bigla-bigla nalang lumalabas sa mga shows ng mga international stars at personalities. Una nga tayong sinimplehan ni Pempengco sa Star King na isang Korean -based show na may mga magugulong judges na tuwang-tuwa sa pagkanta at pati na rin pagsayaw ng batang Charice. Kaya naman di katakatakang nakita ni Ellen DeGeneres sa Youtube ang mga inapload na mga videos ni FalseVoice, ang taong tumutulong kay Charice, na bumibirit sa mga kantang matataas. sa pagkakataong ito, sinudsunod na ni Charice ang mga international guestings niya dahil na rin sa pagtulong ni David Foster na isang sikat na producer at singer sa US. Nakakatuwang nagguest na sa Ellen, Oprah, Paul O' Grady ang batang si Charice na malamng eh isa na sa mga sikat na batang Pinoy sa international community.

At eto na nga, inaantay ko pa din ang mapanood ang remake ng Filipino classic horror movie na Sigaw na may remake name na The Echo (hindi The Scream ang itinutitulo ng producer ng movie na itodahil maaring magkaconflict ito sa isang pelikula na may pamagat ring The Scream). Si Iza Calzado na isang magandang aktres sa ating bansa ay napasama sa pag-reremake na ito at nanatili namang direktor nito ang butihing si Yam Laranas. I can't wait to see this film being shown in the Philippines. Surely, it'll be a hit to more Pinoys.

Ang plot ng movie ayon sa WikiPedia.Org ay "...the story revolves around a young ex-con who moves into an old apartment building, only to learn his neighbor is an abusive police officer who savagely beats his wife and daughter. When the ex-con tries to intervene, he becomes trapped in a curse."

Hope pumatok ito sa takilya! :)

Walang komento: