Sabado, Hunyo 7, 2008

see-on-teevee || gravee >> "Survivor: Philippines"

Dumating na ang pinakaaantay kong reality tv show sa Pilipinas, ang Survivor. Lead by the defunct Extra Challenge host, Paolo Bediones, ang Survivor na nga siguro ang pinakamalaking reality show ng GMA& dahil ang mananalo sa kompetisyon na ito ay magkakamit ng 3 milyong piso, tax-free. That's something everyone must worth auditioning for. Kaya naman sa pagpapakita ng mga audition trailers ng programa sa telebisyon nitong mga nakaraang linggo, dinumog ito ng mga tao. Sapagkat di nga naman artista search at kung sinu-sinong Mang Kepweng at Aling Bebang lang ang pupuwedeng sunali dahil sa age limit nitong 18 to 60 years old, kahit mga tito't tita ko eh puwede pang sumali. Pero siyempre pinakapiling-pili lang ang mapapasama sa adventure na ito na produced ng very credible and always full of surprises na GMA News and Public Affairs.

Ang Survivor ay unang nakilala sa the Netherlands as Expedition Robinson na after i-adapt ng America ay naging Survivor na. Nagkaroon na ng labing-anim na kontrobersyal at top-rated edisyon ang American Survivor kung saan naman nagsunuran na ang ibang bansa, kasama na nga ang Pilipinas dahil sa trend na nga ang pagbili ng mga media franchise sa mundo ng telebisyon. Sa show, ang mga kalahok ay ini-isolate in the wilderness (at kailangang sa labas ng teritoryo ng bansa upang mafeel umano ng mga competitors ang pagiging malayo sa kinagisnang environemnt) at nilalabanan ang elements at ang mga kapwa castaways para sa pera at iba pang prizes. Ginagamitan ng progressive eliminations, naa-out ng mga tribe members ang mga sariling tribe member, hanggang 3 o 2 nalang ang matira na magco-compete naman sa final challenge at pipillin naman ng mga natanggal na 7 o 8 castways hanggang makilala na ang final contestant that remains and wins the title of "Sole Survivor".

So, habang papaalis na ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN, at papalitan na ito ng bagong Pinoy Dream Academy Season 2, pinipilit naman ng GMA-7 na tapatan ito ng mga bago at sisikat na mga programang tiyak na aabangan ng bayan. Sinasabing tapos na raw ang network war between the two giant tv stations dahil sa pagsasama sa pelikula nina KC Concepcion (talent ng Dos) at Richard Gutierrez (star ng Siyete) pero sa tingin, the competetion just warmed up. Sa tulong ng kanya-kanyang international correspondents, EndeMol at FreMantle, tiyak na uusok naman ang naggagandahang progrma sa 2008.

With taglines - Pautakan, Pagalingan, Patatagan, ang Survivor ay sisimulan na soon bilang isa sa mga handog ng GMA7 sa kanilang 58th anniversary.

PS: Sana ibahin nila yung theme song and logo ng Survivor : Philippines. Walang originality kung nagkaganun eh, kinopya lang nila sa ibang bansa (UK or Bulgaria ata). Yun lang. Watch this 58th anniversary offerings ng GMA7. Oo nga pala, hope manalo si Beauty or Robi sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.


Walang komento: