Biyernes, Hunyo 6, 2008

techcheck&viewgizmo || sweet at sour >> Full-sized Wheel-folding Bike: SWISS BIKE

Habang naglalakad ako nung isang araw, nagulat akong bigla ng may biglang parang humagip na hangin sa gilid ko, yun pala isang pumapagaspas ng takbong bisikleta ang nasa gilid ko. Kahapon naman ng papunta ako sa school para magpa-enrol ngayong semesters, napansin ko ang isang pink na linya sa gilid na dinadaanan ko sa sasakyan ng mga jeepney at FX. Oo nga pala, ipinatupad ni Bayani Fernando, chairman ng Metro Manila Development Authority, ang paglalagay ng kulay-rosas na linya para maging daanan ng mga taong gumagamit na lamang bisikleta para pumunta sa opisina o di naman kaya eh sa paaralan nila. Saka ko naman narealize na simula hindi pala ako talagang natutong mag-bisikleta sa tanang-buhay ko.

Maaalala kong nung hayskul kami, napagawi kami minsan sa PICC upang magpraktis ng isang programa para sana sa intramurals namin at tuwang-tuwa ako ng makita ko ang mga kaklase kong nag-renta ng mga bike na pinapagamit ng mga taong naroon para na din sa dagdag kita nila since dun na sila nakatira. Di ko lang alam kung mayroon pang ganun sa PICC dahil I think pinagtataboy na ng MMDA ang mga taong nagpapa-renta dun. Yun nga, dahil wala naman akong pera nun para rumenta rin ng sarili kong gagamitin para sa pag-ba-bike ko, nanghiram nalang ako ng bike sa kaklase. At for first time in my life, nakasakay ako sa isang bisikleta. Tuwang-tuwa nga ako ng maranasan ko yun, parang ang sarap sa pakiramdam. Pero ngayon, kahit lumipat na ako at kaya ko namang iafford na bumili ng sariling bike, di naman pupuwede kasi saan naman ako magba-bike dahil apartment lang ang naman ang tirahan namin. Eneweiz, yan na nga ang aking bike-based cravings...

Yun nga isang kakatwang bike ang nakita ko sa net sa tulong ng isang blogger na ifeaniture ang ganitong kakaibang bike. Ayon sa WikiPedia.Org, ang isang folding bike ay isang uri ng bisikleta na may mga hinges na tinatawag na pu
wedeng mai-lock upang masecure ang pagkakafold nito o pagkakaayos nito upang magamit na in action. Dagdag pa rito, "...most folding bicycles are intended for commuter and utility purposes, hence emphasize ruggedness, comfort and convenience over speed. A few folders are made for speed, and have been ridden to victory over non folding bikes in competition."

At ang pinakabagong labas nga na folding bike ay itong SwissBike. Tagged as the world's most advanced bicycle, it folds to fit in a car trunk or closet, yet climbs through the Swiss Alps with the shifting precision of a finely tuned vehicle. At para sa conprehensive list of practical uses ng folding bike na ito, click this link: USES OF SWISS BIKE.

So next time you choose a new bike, always find the most innovative, convenient, durable yet kasya sa bulsa at di mo na kailangang sumali sa takbuhan para makabili ka ng type mong bisikleta. :)


Walang komento: