Martes, Hunyo 3, 2008

see-on-teevee || gravee >> "Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: The Big Night"

Sa pagtatapos ng current edition ng Pinoy Big Brother, malalaman na kung sino ang nakita ng mga taong tunay na naghayag ng totoong sila. Nandyan ang mga bisayang sina Beauty (ang OA umanong housemate na nagpakita ng tunay na sarili sa pamamagitan ng pagtataray sa mga kapwa housemates) at si Nicole (ang fashionistang naging makulay ang pananatili dahil sa pakikipagmabutihan nito sa La Sallistang si Josef sa loob ng bahay bagama't may naiwang special friend s labas). Di naging madali sa dalawang babaeng natitirang housemates ang pananatili dahil sa ilang beses nilang pagharap sa mga sunod-sunod na nomination nights ay sila ang suki, kasama ang guy housemate na si Robi (ang Atenean na bagama't hindi nakikitang nagagalit sa loob ng bahay at naturingang gumigimik dahil sa pagbabalak nitong lumabas sa bahay ni Kuya).

Sina Alex (ang Italianong hindi nagtatry na ayusin ng maayos ang pagsasalita ng Tagalog kaya't hindi niya maipaliwanag ng maayos ang sarili at sa halip ay tahimik nalang na kinakausap ang mga kapwa housemates na malapit sa kanya) at Ejay (nainlab sa loob ng bahay sa Aleman na si Valerie, at pilit na ibinababa ni Daddy John dahil iniisip nitong ang PBBTEP ay para sa mahihirap kaya di nararapat na mapasama sa Big 4) na naging di gaaong nag-uusap sa loob dahil sa pagkakaiba ng kultura at wika, ay inaasahan ding mapabilang sa Big 4 at hiranging Big Winner.

Sa June 7, 2008 nga ay gaganapin sa Big Dome (Araneta Coliseum) ang pagtatapos ng pananatili ng mga housemates sa loob ng bahay at sana maging karapat-dapat sa titulong Big Winner ang makakasungkit sa tronong ito.

Ang tanong ngayon ng bayan: Sino kina Alex (the committed one), Beauty (the mad girl), Ejay (the poor guy), Nicole (the fashionista and lover) at Robi (the gimmick boy) ang tatanghaling Big Winner? No one else cans tells! Abangan nalang natin sa June 7 ang ending ng kuwentong ito...

Watch this video, starting its countdown to the PBBTEP Big Night:




Walang komento: